00:00Marangkada ng paghahanda ng ating mga kababayang Muslim sa unang araw ng Ramadhan.
00:04Yan ang ulat ni Tricia Aragon ng PTV Cotobato.
00:10Nagsimulan na ang mga Muslim sa buong mundo at sa bansa ng Pilipinas
00:13ang paghahanda para sa pagpasok ng Banal na Buwan ng Ramadhan.
00:17Sa unang araw pa lamang, makikita na ang masiglang paghahanda
00:21ng mga mananampalataya bilang paghahanda sa pag-aayuno
00:24at mas pinalalim ng pananampalataya.
00:27Isang mahalagang gawain sa pagsimula sa Banal na Buwan ng Ramadhan
00:30ay ang pagsasagawa ng tarawi o supplementary prayer.
00:34Ito'y ginagawa lamang tuwing Banal na Buwan ng Ramadhan.
00:37Nagkaroon tayo ng fireworks display na tumagal ng halos limang minuto
00:42upang salubungin ang Buwan ng Ramadhan
00:48dahil ito ang unang gabi ng Buwan ng Ramadhan
00:53na isa hong napakabanal at tinakailangan ho na salubungin ng masaya.
01:00Sa Cotabato City, nagsagawa ang mga opisyal ng sangguniang panlungsod
01:04ng programa sa pangunguna ni Vice Mayor Johair Madag
01:07at ang mga miyembro ng konseho sa pagsisimula ng Ramadhan sa lungsod.
01:12Ibinahagi din ni Counselor Edsla sa PTV
01:14ang mga pangunahing ginagawa ng mga Muslim kapag sumasapit na ang Banal na Buwan.
01:19Ang pinakaunahong kinakailangan ng isang mananampalatayang Muslim
01:27sa buwan na ito ay unang-una linisin ng mga puso,
01:32magsagawa ng tarawi, magsagawa ng mga sambayang na five times a day.
01:36Para naman sa non-Muslim sa lungsod,
01:39iniimbitahan naman ni Vice Mayor Madag ang mga ito
01:42na makiisa at sumali sa mga iba't ibang magiging aktividad ng lungsod sa Ramadhan.
01:47Itong panahon ng pagayun o panahon ng buwan ng Ramadhan,
01:50ito yung pagkakataon para malinis natin lahat ng ating mga kasalanan.
01:55Gawin natin yung lahat ng suna na nakapaloob sa buwan na ito,
02:00gawin natin lahat ng dapat na gawin para maging malinis yung ating pagkataon.
02:09Sa kabuan, ang karaniwang paghahanda ng mga Muslim
02:12imtuwing sumasapit ang banal na buwan ng Ramadhan
02:15ay ang paglilinis ng kahanan at paghahanda ng pagkain
02:19o ang tinatawag nilang suhur at iftar.
02:22Sa mga moske o lugar kung saan nagsasagawa ng pagdarasal
02:26ay naglilinis at naghahanda din ang mga ito
02:28upang salubungin ang mga mananampalataya
02:31na dadalo sa mga panalangin lalo na sa gabi.
02:34Pagsapit ang dapit hapon,
02:36nagtitipon naman ang mga pamilya
02:38upang mag-iftar ang pagtatapos ng pag-aayuno sa buong araw
02:42at isang mahalagang sandali ng pasasalamat at pagkakaisa.
02:47Inaasahan ang bawat mananampalatayang Muslim
02:49na ang diwa ng banal na buwan na ito
02:52ay manatili sa kanilang puso at isipan
02:55sa pagsimula at magtatapos ng banal na buwan ng Ramadhan.
03:00Mula dito sa Cotabato City,
03:02Tricia Aragon para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments