00:00Samantala, naglabas na ng show cost order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board
00:06laban sa dalawang PUV terminal sa Quezon City.
00:10Ayon sa LTFRB, ito'y hakbang para matiyak ang kaligtasan at kapakanaan ng mga pasahero.
00:16Yan ang ulat ni Bernard Ferrer.
00:20Batay sa sinagawang inspeksyon ng LTFRB sa mga PUV terminals sa Ayala Malls, Cloverleaf at Rhinoma,
00:26na bigo itong sumunod sa umiiral ng mga patakaran at regulasyon.
00:30Sa PUV terminal sa Ayala Malls, Cloverleaf, ilan sa mga natukoy na paglabag ang kakulangan ng bubong
00:37na magbibigay proteksyon sa mga pasahero.
00:40Hindi sapat na upuan sa waiting area.
00:42Kawala ng malinaw na gabay sa biyahe at dispatching
00:45at kawala ng information at passenger assistance counters.
00:49Inatasan ang operator ng terminal na kumuha ng permits LGU
00:52para makapag-operate bilang pampublikong transport terminal
00:55at ang pagsusumite ng security plan.
00:58Samantala, sa terminal sa loob ng Rhinoma,
01:01kabilang sa mga paglabag ang kawala ng information at passenger assistance counters.
01:06Kakulangan ng komportabling upuan para sa mga naghihintay na pasahero
01:09at kawala ng priority lanes para sa mga senior citizen
01:13at persons with disabilities o PWDs.
01:16Kapwa ay nataasan ang mga namamahalan ng dalawang terminal
01:18na magpaliwanag kung bakit hindi dapat ipasara ang kanilang mga pasilidad
01:22dahil sa mga paglabag.
01:23Inatasan din silang dumalo sa pagdinig sa March 18.
01:27Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II,
01:30malinaw ang mensahe ng ahensya.
01:33Ayusin at itama ang mga kakulangan upang matiyak ang pagsunod sa mga alituntunin
01:37o harapin ang kaukulang parusa sa pagwawalang bahala sa kapakanan
01:41ng mga paserong dapat nilang pinaglilingkuran.
01:44Dagdag pa niya, bahagi ito ng isang nationwide operation
01:47at ito na ang magiging new normal sa pagsulong
01:50ng kapakanan at karapatan ng mga mananakay.
01:52Ang pinaigting na operasyon laban sa mga hindi sumusunod na PUV terminal
01:56ay alinsunod sa direktiba ni Paulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:00na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga komuter sa buong bansa.
02:05Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments