00:00Formal ng inilunsad ng Government Service Insurance System ang Ginhawa Go,
00:05ang bagong loan program para sa mga government employee.
00:08Bukod sa madaling proseso, nag-alok din ang Ginhawa Go ng mababang interes
00:13at maaari yang ma-avail sa pamamagitan ng GSIS Touch Mobile Application.
00:19Yan ang ulat ni Bernard Ferrer.
00:23Kailangan na magbayad ni Ron Ali ng graduation fee para sa kanyang postgraduate course ngayong Marso,
00:28ngunit iniisip niya kung saan kukunin ang pambayad.
00:31Lalo't may iba pa siyang mga obligasyon, buti na lamang ay nakapag-avail siya ng loan sa GSIS
00:37sa pamamagitan ng Ginhawa Go, ang pinakabagong loan program para sa mga empleyado ng gobyerno.
00:43Umabot sa 30,000 pesos ang kanyang hiniram na balak niyang bayaran sa loob ng 24 months.
00:50Yung Ginhawa Loan, siya pinakamagaan sa lahat ng niloan ko sa GSIS.
00:54This one is yung pinaka hindi ako mabibigatan.
00:57And parang hindi ko na rin shame my mind, parang in-advance ko lang yung payment ko for graduation.
01:03Sa ilalim ng Ginhawa Go loan program, maaring humiram ang isang miyembro ng GSIS
01:08ng halagang pula 1,000 pesos hanggang 50,000 pesos.
01:13Maari itong bayaran sa loob ng isa hanggang 24 na buwan, depende sa piniling terms ng miyembro.
01:19Ang interes ay 6% kada taon para sa mga miyembrong may hindi bababa sa tatlong taon ng hulog na
01:26premium contributions.
01:27At 7% naman kada taon para sa may mas mababa sa tatlong taon na contribution at sa mga special
01:35members.
01:35Bukas ang loan sa mga aktibong miyembro na may hindi bababa sa isang buwan ang naibayad na premium contribution.
01:41Dapat meron ka natitirang 5,000 net take-home pay.
01:46Kaya po meron tayong agency approving officer na naniniguro na ang iyong sweldo ay hindi bababa ng 5,000 pesos
01:55sapagkat yan ay nasa batas.
01:58Maari lamang itong i-apply sa pamamagitan ng GSIS Touch Mobile Application.
02:02Sa loob ng 24 hanggang 36 na oras, maaring maaproba ng loan ng authorized approving officer.
02:10Ito, go to dahil mabilisan to.
02:13These are instant situations that you might find yourself in.
02:18Somebody got sick, you may have been a victim of a typhoon for example.
02:26So it's instant, it's fast.
02:27Ayon sa GSIS, papalitan ng Ginhawa Go ang Ginhawa Lite
02:31at inaasang makatutulong ito sa mga newly hired employees, low income earners
02:36at sa mga miyembrong may limitadong borrowing history
02:39na hindi sasaklaw ng mga traditional loan product Bernard Ferrer
02:43para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments