00:00Umani naman ang iba't ibang reaksyon sa mga mambabatas at iba pang grupo
00:04ang anunsyo ni Vice President Sara Duterte na tumakbong presidente sa 2028 elections.
00:10Si Floyd Brenns sa report.
00:15Kasunod ng pag-anunsyo ni Vice President Sara Duterte ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028,
00:22sinabi ni Deputy Speaker Paulo Ortega na ang deklarasyon ni Vice President Sara Duterte
00:27ay lalo pang nagpapatibay sa kanyang paglayo sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:34Pero kailangan din anyang maliwanagan ng publiko patungkol sa mga isyo na ibinabato sa ikalawang pangulo,
00:40kabilang na ang questionable na yung paggamit ng confidential at intelligence funds.
00:44Sinabi naman ni House Senior Deputy Majority Leader Lawrence Defensor
00:48na ang pagdeklara ni Vice President Sara Duterte ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo
00:53ay maaaring magbago sa mga pampulitikang aliansa.
00:56Pero hindi nito mahaharang ang konstitusyonal na proseso ng impeachment complaint na isinampal laban sa kanya.
01:03Aniya, susundin pa rin ng mga impeachment complaint ang normal na proseso sa House of Representatives.
01:09Hindi naman nakakagulat para sa Akbayan Party List ang anunsyo ng Vice Presidente para sa presidential race sa 2028.
01:16Tila ginamit niyang palusot ang deklarasyon, lalo na itinaon ito bago ang hearing ng Justice Committee
01:22patungkol sa impeachment complaint kay VP Sara at ang confirmation of charges ng International Criminal Court o ICC
01:29kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:31Matatanda ang isa ang akbayan sa nag-endorso ng impeachment complaints laban kay VP Sara.
01:37Ayon naman kay mamamayang Liberal Representative Laila de Lima,
01:41karapatan ng Vice Presidente na magdeklara kahit pa napakaagaan niya nito.
01:45Tulad na lamang aniya ng karapatan ng mga Pilipino na singilin siya sa mga seryosong aligasyon
01:49ng katiwalian at paglabag sa batas.
01:52Ayon kay Dalyma, mas magandang harapin at sagutin muna niya ang mga ito
01:57bago ang ambisyon na maging Pangulo ng Pilipinas.
01:59Floyd Brenz para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments