00:00Manindigan si House Speaker Martin Romualdez, maging ang ilang kongresista na tuloy ang laban.
00:06Kasunod ng pag-archive ng Senado sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:13Yan ang ulat ni Mela Las Morax.
00:16Lubos na ikanadismaya ng ilang kongresista ang pag-archive ng Senado sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:25Ayon kay House Impeachment Prosecutor Joel Chua, hindi sila magpapatinag, lalo pat may nakabinbin pa silang motion for reconsideration sa Korte Suprema.
00:36Sa aming paninwala, hindi pa po tapos ang laban.
00:39Tayo po ay umaasa na ito po ay pakikinggan tayo, lalong-lalo na po yung motion for reconsideration na aming inihain sa Korte Suprema.
00:51Sang-ayon dito si House Deputy Majority Leader Zia Alonto Adyong.
00:56Sa totoo lang, hindi na raw siya nagulat sa naging hakbang ng Senado pero naniniwala siyang may pag-asa pa.
01:02No decision really is cast on stones. Anything can change.
01:07I would say these are all distractions kasi nawawala tayo dun sa real issue which is the clamor for public accountability.
01:14Ang makabayan block naman, tuloy rin daw ang mga gagawing pagkilos.
01:17Mag-file tayo ng motion for reconsideration. Today ay i-file na natin itong motion for reconsideration at bukas ay physically i-file ito sa Korte Suprema.
01:31At sa Agosto 12 ay patuloy natin yung mga pagkilos ng mamamayan.
01:38Habang para naman kay ML Partylist Rep. Laila Delima, bagamat dismayado siya sa nangyari, sang-ayon siya sa pananaw ng ilang legal luminaries.
01:49I agree with what Justice Tony Carpio, former Justice Tony Carpio said na at least in-archive lang.
01:58So hindi na pwede basta-basta nalang i-dismiss ng Supreme Court o i-deny ng Supreme Court yung motion for reconsideration on the ground of being moot and academic.
02:09Kasi kung di-dismiss, yun ang posibleng dahilan ng Supreme Court na i-deny yung motions for reconsideration on the ground of mootness.
02:18But since in-archive, so pwede pa to really resolve the motion for reconsideration.
02:26Una ng kinwestyo ni House Speaker Martin Romualdez ang naging pasya ng Senado.
02:31Anya ang pag-archive ay katumbas ng paglilibing sa Articles of Impeachment kahit wala pa namang pinal na desisyon ang Korte Suprema,
02:39kaya't nagtataka siya kung bakit ito minadali.
02:42Gitpan niya, hindi ito pang mulitika kundi pagpapanagot ng may basihan.
02:47Sa ngala ng Kamara na nindigan si Romualdez, natuloy lang ang kanilang laban para sa konstitusyon, para sa rule of law at para sa katotohanan.
02:57Sa ngayon, inaabangan pa ang magiging pasya ng Korte Suprema ukol sa mga nakabimbing mosyon hinggil sa impeachment.
03:05Melalas Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
03:09Sa ngayon, inaabangan pa ang magiging pasya ng Korte Suprema.