00:00Patuloy pang pagtugis sa Chinese National na nakuna ng CCTV na nagbaba ng drum
00:05na naglalaman umano ng chop-chop victim mula sa isang kondominium sa Pasay.
00:10Arestado ang kanyang kasamahan na kumontrata umano sa van kung saan isinakay ang drum.
00:15Saksi si Chino Gaston!
00:20Gabi ng February 15 ng madiskubre sa Maynila,
00:23ang isang drum na may lamang putol-putol na labi ng isang tao na hinaluan pa ng sauce na kimchi.
00:28Sabi ng isang mga ngalakal, ibinenta raw sa kanya ang drum ng isang lalaking sakay ng van.
00:35Ang drum, pinaniniwalaan ng pulisya na ang drum din na nakuna ng CCTV na itinutulak ng isang lalaki
00:41gamit ang trolley sa isang kondominium sa Pasay City.
00:45Parehong silyado ng plastic ang ibabaw ng drum at pareho rin may puting marking.
00:50Tila mabigat ang drum kaya nagpatulong pa ang lalaki sa security guard ng kondo para isakay ito sa elevator.
00:56Sa loob ng elevator, kitang nagpupunas pa ng pawis ang lalaking kinilala na pulisya bilang isang Chinese national.
01:03Sa ibaba ng kondo, isang puting van ang nakuha ng nagbama ni Obra.
01:08Sa pagkakataong yun, ang lalaki may kasama ng isa pang lalaki na nakapandalon.
01:13Ayon sa pulisya, natunto nila ang kondominium nang magsumbong sa kanila ang driver at ang may-ari ng puting van.
01:18Inupahan lang daw sila noong araw na yun.
01:21Nang mapanood nila ang ulat tungkol sa drum na may lamang chinap-chop na tao, doon na sila dumulog sa
01:27pulisya.
01:28Yung driver at saka yung may-ari ng van, napanood nila sa TV.
01:34So nag-report sila sa isang kaibigan, nagpatulong sila, mag-report sa napulpon.
01:39So yung tingnapul ko po naman, tumawag dito sa HPG.
01:44Kwento raw ng driver ng puting van sa pulisya, hindi siya naghinala sa laman ng drum dahil lipat-bahay lang
01:50ang paliwanag ng mga sospek.
01:52Itinuro rin niya kung saan niya pinikap ang drum.
01:55Napasok na ng pulisya ang kondo unit ng mga sospek at doon nakita ang mga bakas ng dugo at iba
02:00pang ebidensya.
02:01Andun pa yung blood stain, yung unan, andan yung dugo, tapos meron pa yung mga parang karkasis ng katawan.
02:12At saka yung map, yung map meron pang dugo na talagang nilinis na rin talaga, pero meron pa rin talaga
02:17mga dugo na naiwan doon sa master's bedroom.
02:21Arestado ang lalaking nakapantalon sa CCTV na ayod sa pulisya ay ang siyang kumontrata sa van.
02:27Pero hindi raw ito nagsasalita.
02:29So, in-invite po nila dito sa *** para tignan po talaga kung yung nangyari, ikasama siya talaga doon.
02:40So, nung mabacktrack namin doon sa CCTV, it found off na talagang kasama po siya.
02:44So, at that time, alas-dos ng madaling araw, in-aristo na namin itong itong POI nagdala ng HPG.
02:52Tinutugis pa ang lalaking nakunang nagtulak sa drum.
02:55Bumuuna ng Composite Team ang Pasay, Manila Police at PNP Highway Patrol Group.
03:00Inaalam pa rin ang pagkakilanlan ng biktima at mga sospek.
03:05Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
03:10Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:13Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments