00:00Chinese New Year isang masayang salubong ang naganap kamakailan sa pinakamatandang Chinese school dito sa Pilipinas,
00:07kung saan nagpakitanggilas din yung kanilang mga estudyante. Panorin po natin ito.
00:13Sa pagpasok ng Chinese Lunar New Year 2026, masiglang nagkaisa ang komunidad ng mga Chinoy sa Pilipinas
00:21upang salubungin ang panibagong taon na puno ng pag-asa, swerte at bagong simula.
00:27Kung kaya, kaugnay niyan, ginanap ang makulay na pagdiriwang sa pinakamatandang Chinese school sa bansa,
00:34kung saan pinakitanggilas ng mga estudyante ang kanilang mga talento at paggalang sa tradisyon.
00:40Ang celebration namin, talagang paghalo po, synergy po ng Filipino and Chinese culture.
00:47We celebrated the Chinese culture way pero adapted na sa ating Filipino setting.
00:52Bumungad sa mga dumalo ang makukulay na dekorasyon na may dominating kulay na pula at gold.
00:58Mga kulay na sumasagisag sa swerte, kasaganaan at tagumpay ayon sa tradisyon ng Chinese New Year.
01:06Makikita rin ang mga estudyante na naghandog ng mga tradisyonal na sayaw,
01:10makulay na cultural performances at mga presentasyong sumasalamin sa mayaman na kultura at kasaysayan ng mga Chinese.
01:18Present din si na Manila Mayor Isco Moreno at Manila Vice Mayor Chi Atienza para magbigay suporta sa nasabing okasyon.
01:28Bukod sa entertainment, layon din ang nasabing event na maipasa sa bagong henerasyon
01:34ang mayayaman na kaugalian at tradisyong kaugnay ng pagdiriwang ng bagong taon,
01:40habang pinalalalim ang pagunawa sa pinagsasaluhang kultura at kasaysayan ng mga Chinese at Filipino.
01:46Malagod ko pong binabati ang lahat ng ating mga kababayan,
01:51ang mga mamayang Pilipino, ang mga kapwa ko-Tsinoy ng isang happy Chinese Lunar Year of the Horse.
02:02Sana po magpatuloy ang pagunlad ng ating bansa,
02:06ang pagganda ng relasyon ng ating dalawang bansa, ng Pilipinas at ng China,
02:11at sana maging papayapa, maging blessed ang bagong taon sa ating lahat.
02:17Maraming salamat po. Happy Chinese New Year!
02:19Tunay nga, ang diwa ng Chinese New Year ay hindi lamang tungkol sa pagbasok ng panibagong taon,
02:25kundi isang pagbibigay-pugay sa ating mga kababayan Chinoy
02:28na patuloy na nag-aambag sa kultura, edukasyon at pagkakaisa ng Pilipinas.
Comments