00:00Mainit na balita, mismong ang Korte ang naghain ng not guilty plea
00:05para kay dating Sen. Bong Revilla matapos siyang tumangging maghain ng tugon.
00:10Ito ay para sa kaso niyang malversation of public funds,
00:12kaugnay sa halos 93 million pesos na gosumanong flood control project sa Pandi Bulacan.
00:18Live mula sa Sandigan Bayan, may ulat on the spot si Maki Pulido.
00:22Maki!
00:25Matapos ang tatlong beses na pag-reschedule sa arraignment ni dating Sen. Bong Revilla
00:31ay nabasahan na siya ng tsakdal sa kasong malversation sa Sandigan Bayan 3rd Division.
00:37Kasabay niya si Juanito Mendoza, siya yung dating opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office Finance Section.
00:46Tumangging maghain ng tugon si Revilla para sa kasong may kaugnayan sa umano yung ghost flood control project sa Pandi
00:54Bulacan.
00:55Kaya ang Korte na ang nagpasok ng not guilty plea para sa kanya.
01:00Naghain naman ng not guilty plea si Mendoza.
01:03Nabasahan na ng sakdalang ibang mga akusado sa mga nagdaang pagdinig ng Korte.
01:08Pagkatapos ng arraignment, sinabi ng abogado ni Revilla na maghahain sila ng petition for bail.
01:13Na antala itong arraignment ni Revilla dahil sa mga inihain niyang mosyon sa Korte.
01:19Ngayong araw sa resolusyon ng 3rd Division, pinayagan nito ang mosyon ni Revilla at Juanito Mendoza
01:25na leave of court to file motion for reconsideration and motion for reinvestigation before the Ombudsman.
01:34Ang ibig sabihin daw nito, pinayagan ng Korte si Revilla na hingin sa Office of the Ombudsman
01:39na muling imbesigahan ang kasong isinampa laban sa kanya.
01:43Kasabay nito, inatasan ng Korte ang Office of the Ombudsman na resolbahin ang mosyon ni Revilla
01:50sa loob ng 60 days.
01:52Pero giit ng Korte, hindi nito maapektuhan ang paggulong sa kaso ng malversation.
01:58Katunayan, nakatakda na ang pre-trial ng kasong malversation laban kay Revilla sa March 6.
02:05Connie?
02:05Maraming salamat, Maki Pulido.
02:13Maraming salamat, Maki Pulido.
Comments