00:00Good morning!
00:30The perpetrators o kasabwat-umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Crimes Against Humanity na pinangalanan ng prosekusyon sa International
00:37Criminal Court.
00:38Si Senador at dating PNP Chief Bato de la Rosa, dating CIDG Deputy Director for Operations at kalaunay naging Acting
00:45PNP Chief Vicente Danau.
00:47Ang namaya pa ng dating PNP Chief na si Camilo Cascolan, dating PNP Chief Oscar Alvayalde,
00:52Senador at dating Special Assistant to the President Bong Goh, dating NBI Director Dante Giran, dating PIDEA Chief Isidro Lapeña,
01:00at si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
01:04Bukod sa kanila, meron pang ibang miyembro ng PNP at mga matataas na opisyal ng gobyerno na hindi pinangalanan sa
01:09dokumento.
01:11Sinubukan namin silang kunan ng pahayag pero wala pa silang tugon sa ngayon.
01:14Kagabi lang isinapubliko ng ICC ang mga pangalan nila sa DCC o Document Containing Charges.
01:20Noon na kasingin nilabas ng ICC ang dokumento noong September, redacted o tinanggal ang mga pangalan nila.
01:26Pagsapit ng Nobyembre, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulia, may warrant of arrest na laban kay Sen. Bato.
01:32Simula noon, hindi na pumasok sa Senado si de la Rosa.
01:36Sa ngayon, wala pang kumpirmadong warrant of arrest laban sa walong pangalan.
01:40Pero posible rin umano silang ma-aresto, sabi ng isa sa mga abogado ng mga biktima ng War on Drugs.
01:45Sa ngayon, wala tayong alam. Pero pwede rin meron na, kaya nga nagtatago.
01:51Pero ang iintayin po natin ay signed issued warrant of arrest.
01:56Hindi na raw nagulat ang kampo ng mga biktima sa mga pangalang inilabas ng ICC na kasabot umano ni Duterte
02:02sa Crime Signs Humanity.
02:04Ang napansin lang daw nila, Davao Boys ang karamihan sa mga ito.
02:08Ibig sabihin talaga, mahigpit na mahigpit ang koneksyon dun sa Davao Death Squad Killings na ipinaparatang from 2011 to 2016.
02:18Tapos inimplement nila nationwide from 2016 to 2019.
02:23Ito ay mga polis Davao na ibinato sa iba't ibang unit.
02:27Pinilit siguraduhin or in-insure na may impunity.
02:32Na hindi lang yung tagagawa ng krimen, ang Davao Boys, kundi yung dapat mag-iimbestiga ng krimen, e Davao Boy
02:41din.
02:42Kaya may NBI, meron pong PIDEA, merong Secretary of Justice.
02:47Naging Davao City Police Chief Sina de la Rosa, Danao at Lapeña.
02:51Mula naman sa Davao Regional Police Office si Kaskolan, habang si Giran Davao Regional Director ng NBI,
02:58si Go Longtime Aid at Assistant ni Duterte.
03:00Mula pa noong nagsisilbito sa Davao City LGU.
03:04Batay sa document containing charges mula 2011 noong mayor ng Davao City si Duterte hanggang 2019 na presidente na ito,
03:11nagkaroon umano si Duterte at mga kasabot niya ng common plan o kasunduan
03:15para in-neutralize ang mga kriminal na sangkot sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagpatay.
03:22Noong mayor pa siya, ginamit raw ni Duterte ang mga pulis at ilang civilian hitmen o ang DDS o Davao
03:28Death Squad para pumatay.
03:30Nang maging pangulo, inappoint ni Duterte ang kanyang mga co-perpetrator mula Davao City sa mga high-level national position.
03:38Dito na itaguyod raw nila ang isang network na kasama na ang estado tulad ng law enforcement agencies
03:43gaya ng PNP, PIDEA, NBI at maging Bureau of Corrections.
03:48Pinagalaw raw ang mga ito tulad ng DDS.
03:51Sa February 23 na magsisimula ang naudlot noon na confirmation of charges ni Duterte sa ICC.
03:57Dito tutukuyin kung may sapat bang basihan para litisi na si Duterte.
04:02Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
04:08Kaugnay naman po sa paglalabas ng ICC ng mga pangalan ng mga anilay co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
04:14sa kanyang kampanya kontra-droga.
04:17Itinanggi ni Sen. Bonggo ang paratang.
04:19Sa isang payag, sinabi ni Go na ang mga paratang ay walang batayan,
04:23hindi patas, hindi makatarungan at walang kaugnayan sa kanyang mga tungkulin at responsibilidad
04:30noong siya ay nagsilbing special assistant ng dating Pangulo at na maging executive assistant noong alkalde si Duterte.
04:39Pagdiliin niya, kailanman ay wala siyang pagkakasangkot, kinalama o otoridad hinggil sa aligasyon.
04:47Mali rin daw na tinukoy siya sa dokumento bilang chief of the presidential management staff
04:51dahil hindi naman daw niya nahawakan ang posisyong ito.
04:55Alam daw ng kanyang mga kababayan na ginawa lang niya ang kanyang trabaho na naayon
05:00sa batas ng tao at sa batas ng Diyos.
05:04Mananatili daw siyang nakatoon sa paglilingkod sa Sambayanan.
05:07At patuloy pa rin po namin kinukunan na payag ang iba pang pinangalanan ng prosekusyon
05:13ng International Criminal Court pero wala pa po silang tugon sa ngayon.
05:19Naghahain ng petisyon sa Korte Suprema ng ilang grupo para is-cite ng indirect contempt
05:24si Senate President Tito Soto.
05:27Kagdai po yan ang komento ni Soto sa pagdeklara ng Korte Suprema na unconstitutional
05:31ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
05:35Ayon sa isa sa mga naghahain ng petisyon, lampasan nilang komento ni Soto
05:39sa legitimate commentary at posibleng umanong makasira sa kredibilidad ng Korte Suprema.
05:45Maghahain din umano sila ng ethics complaint laban kay Soto sa Senado.
05:49Sa isang pahayag, tinawang ni Soto na nuisance suit o walang saisay na kaso ang inihahing petisyon.
05:56Anya, wala itong legal o makatotohanang basihan at isa lamang publicity stunt.
06:02Iginiti Soto na ang simpleng hindi pagsangayon o pagbatiko sa desisyon ng Korte
06:06ay hindi maituturing na indirect contempt.
06:09Formalaan niya siyang sasagot sa petisyon kapag hiningan siya ng Korte Suprema.
06:16Lima ang patay matapos mahulog sa bangi ng isang police patrol car sa Victoriano, Misamis, Occidental.
06:22Apat sa kanila, miyembro ng 2nd Provincial Mobile Fars Company ng PNP.
06:26Habang tauhan naman ng Provincial Tourism Office ang isa.
06:30Papunta sa Piduan Falls ang sasakyan para sa ginagawang site inspection ng maaksidente ito.
06:36Lima naman ang sugatan na nagpapagaling pa sa ospital.
06:39Patuloy na inaalam ang naging sanhi na aksidente.
06:44Bahagi ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group.
06:47Yan ay giniit ng Foreign Affairs Department.
06:50Sabay din na hindi nakadepende sa Exclusive Economic Zone ang territorial claim ng Pilipinas.
06:57Nakatutok si JP Soriano.
07:01Tila't tinuldukan na ng Department of Foreign Affairs ang isyo kaungnay sa Kalayaan Island Group.
07:06Giit ng DFA, hindi nakadepende sa Exclusive Economic Zone ang territorial claim ng Pilipinas sa mga isla at rock feature
07:15sa West Philippine Sea.
07:16The maritime zones of the Philippines on the western side of the Philippine Archipelago,
07:23including the Luzon Sea and the territorial seas of Bajo de Masinloc,
07:28and the maritime features of the Kalayaan Island Group shall be collectively called the West Philippine Sea.
07:37The extent of what constitutes the West Philippine Sea as well as our sovereignty over the Kalayaan Island Group
07:47and the territorial sea of its high tide features are already explicitly established
07:56and are not contingent on whether or not they fall within the country's Exclusive Economic Zone.
08:05Sinusugan ito ng maritime expert na si Prof. J. Batong Bakal.
08:09Ang pinag-usapan na natin sa Kalayaan ay yung mga isla, yung lupa.
08:13Sovereignty, na-establish yan dahil nakuha natin siya.
08:19Isang munisipyo, yung EEC came after.
08:22Kaya, tubig yan, hindi lupa. Kaya walang connection yun.
08:25Tignan mo yung US, yung Hawaii, yung Alaska.
08:30Walang relasyon yung kanilang location, yung distance, at yung presence ng ibang bansa nga sa gitna nga.
08:37Doon sa fact na those are still parts of the United States.
08:41Ang issue sa KIG, bahagi lang ng napakahabang diskusyon at palitan ng salita
08:47sa pagitan ng Chinese Embassy at mga opisyal ng gobyerno,
08:50pati na rin sa pagitan ng ating mga mambabatas.
08:53Para kay Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea,
08:57Commodore J. Tariela, bahagi ito ng taktika ng China
09:00para ilihis ang atensyon ng publiko sa mga panghaharas na ginagawa nila sa West Philippine Sea.
09:06Tila nililitulang nila tayo and this is their strategy to counter
09:12how we provide the right information to the Filipino people and to the international community
09:18and also divide public opinion.
09:21Sabi naman ni Batong Bakal, maituturing ng unusual o kakaiba
09:25ang pagalabas ng mga pahayag ng Chinese Embassy.
09:28Lalo't kung tutuusin ay off-limits daw dapat ang mga embahada
09:32sa internal democratic discussions ng isang bansa.
09:35Tila raw hindi lang dagat ang sinasakop ng China,
09:39kundi maging ang opinion ng mga Pilipino.
09:42I don't think this has happened before na ang isang ambasador ng bansa
09:49nakikipagbatbatan pati na sa mga legislators.
09:54At parang sa akin, panghihimasok na yun sa mga domestic affairs ng bansa.
10:00Payo ni Batong Bakal sa publiko manindigan at sagutin din ang Chinese Embassy sa mga pahayag nito.
10:06Para maproteksyonan din yung ating demokrasya at yung independence.
10:11Sa gitna ng palitan ng mga pahayag,
10:13naka-focus daw ang DFA sa Foreign Policy Directive ng Pangulo.
10:17Bagamat lagi daw bukas ang linya na komunikasyon ng gobyerno ng Pilipinas sa China
10:22para sa isang demokratiko at maayos na pag-uusap.
10:26Hindi naman daw ito mag-aatubili na maghain ang protesta kung kinakailangan.
10:31The department will continue to issue protests and make firm representations of serious concern to the Chinese Embassy at appropriate
10:41times.
10:43And we will consistently assert to them and the entire world,
10:49the Philippines' sovereignty, sovereign rights and jurisdiction in the West Philippines.
10:56Pero sa kabila nito, sabi ng DFA, handa raw ang gobyerno ng Pilipinas na makipag-collab sa China
11:02para madaliin na ang pag-uusap at makabuo ng isang COC na target matapos ngayong taon.
11:08Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Comments