00:00Mainit na balita po, overloading ang isa sa mga tinitingnang posibleng dahilan ng paglubog ng MV Trisha Kirsten III noong January 26 sa Basilan ayon sa Department of Transportation.
00:12Sa initial findings sa Maritime Industry Authority at Philippine Coast Guard na tinalakay ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ngayong umaga,
00:21may nakita rin silang poor seamanship at safety violations ng barko.
00:25Pasado alas 7 kaninang umaga, isa pang bangkay ang nakita ng mga taga-PCG sa dagat malapit sa Balok-Balok Island.
00:33Dahil dyan, 52 na ang death toll sa paglubog ng barko.