Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Samantala, pinagbawalan ng China ang 16 lokal na opisyal ng Kalayaan Palawan na makapasok sa China, Hong Kong at Macau.
00:10Kabilang po dyan ang Mayor at Vice Mayor ng Bayan.
00:13Sabi ng Chinese Embassy, dahil yan sa resolusyon ng municipalidad noong 2023 at ngayon 2026 para ideklarang persona non grata ang dalawang Chinese ambasador.
00:23Noong 2023, idiniklarang persona non grata si Nooy Chinese Ambassador to the Philippines, Wang Xilian, dahil sa kanyang pagdepensa sa harassment ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas.
00:36Nitong Enero naman, pinagbawalang makapasok sa Kalayaan si Chinese Ambassador to the Philippines, Jing Chuan, dahil sa umano'y paglabag sa diplomatic protocol at hindi pagrespeto sa mga opisyal ng bansa.
00:48Kasunod po ng pagbabawal ng China sa mga opisyal ng Kalayaan LGU, sinabi ni Vice Mayor Maurice Philip Albaida na kahit kailan daw ay karangalan ang maging Pilipino.
01:00Para naman kay Konsihal Francis Polizon, hindi nila mapapangunahan ang embahada ng China sa desisyong ito tulad ng hindi mapipigilan ng China ang ipinasang resolusyon ng Kalayaan LGU.
01:13Sinusubukan pa namin kunan ng reaksyon ang iba pang opisyal ng Kalayaan LGU.
Comments

Recommended