00:00Inalmahan ng ilang grupo at kabataan na binitawang pahayag ni Sen. Robin Padilla tungkol sa depression
00:06at ang pagtawag niyang weak o mahina sa mga kabataan ngayon.
00:11Sa isang social media post, sinabi naman ni Padilla na basa sa datos at hinilang opinion ang kanyang pahayag.
00:18Saksisi Dano Timpungko.
00:23Marami ang napareak sa pahayag na ito ni Robin Padilla kahapon ng talakayan sa pinamumunuan niyang Komitiyon Public Information
00:30ng panukalang i-ban sa social media ang mga kabataan.
00:33Ang mga bata po ngayon, sad to say, huwag kayong magagalit sa akin.
00:39Ako, maraming batang magagalit siguro pero pasensya na kayo. You are weak.
00:45Hindi kayo, katulad noong panahon namin, na hindi kami iyakin.
00:53Natuto kami, natuto kami sa kalsada.
00:58Natuto kami na huwag kumupo, kumiyak.
01:01Noong panahon namin, hindi uso yung salitang depression.
01:05Hindi ko nga alam yun eh, kung ano yung depression.
01:08Ngayon, batang maliig, sasabihin, I'm depressed.
01:11Na sabi niya ito matapos maungkat ang tungkol sa mga kaso ng self-harm sa mga kabataan dahil sa cyberbullying.
01:17Pero ang ilang kabataan ang aking nakausap may gustong itama sa mga pahayag ni Padilla.
01:22Ang pagiging vulnerable, for example, sa amin po, hindi naman po siya a sign of weakness for me.
01:29Kakaiba po tayo ng generation, so ibig sabihin, so parang magkakaiba lang din po tayo ng way of coping po
01:37to those situations.
01:40Grabe mahina agad.
01:42Siguro naman at that time, before, yung panahon nila, hindi siya na, tawag dito, nadadiagnosed.
01:49Kasi, ayun nga, mental health nga naman, hindi naman nila pinapahalagahan noon.
01:54As compared ngayon na we're really vocal about those things.
01:58It's not a sign of weakness. It's just, it's, I believe, it's also a sign of strength because the fact
02:04that you are opening about your vulnerability,
02:07it's not easy naman to open up and it takes a lot of courage and strength to speak up about
02:13it.
02:14Pinalagan din ng ilang grupo ang pahayag ni Padilla, lalo't hindi an nila imbento ng bagong henerasyon ng depresyon
02:20na nararanasan nila dahil sa hinaharap nilang krisis araw-araw.
02:24Sinusubukan pa namin makuha ang panig ni Padilla.
02:27Pero sa isang post sa social media, sinabi niyang hindi lambungan ang kanilang mong kahay o opinion
02:31ng sinabing weak ang kabataan ngayon, kundi base sa datos.
02:35Kaya kung nais daw makatulong sa isyo na ito ng mga kabataan,
02:39dapat tugunan ang nakasaad sa datos at harapin ang nangyayari sa kabataan.
02:43Base sa datos ng Public Health Research Institute na Institute for Health Metrics and Evaluation,
02:49nasa mayigit labing isang milyon ang prevalent cases ng mental disorder sa Pilipinas as of 2023.
02:55Sa bilang na ito, mayigit tatlong milyon naman ang prevalent cases ng depressive disorders.
03:00Sabi ng sociologist na si Ash Presto,
03:03maaaring makaranas ng depresyon ang kahit sino, anumang edad o estado sa buhay.
03:08At hindi yan dahil sa mahina sila.
03:10Minsan walang kontrol ang isang tao sa depresyon lalo kung dulot ito ng neurochemical imbalances o iba pang kondisyon sa
03:17katawan.
03:18Minsan ay may ambag din ang lipunan.
03:40Nakababahala raw ang komento ni Padilla kasi tila binabaliwala at minamaliit nito ang karanasan ng ilan.
03:46He also erases the other identities and demographics that do experience depression.
03:52It's very dangerous especially when we are just typifying one specific sector of the population as weak.
03:59And we are reinforcing the stigma of a particular mental condition as a de facto indicator of weakness.
04:12Ayon pa kay Presto, dapat magkaroon ng infrastructure at intervention para sa mga dumaranas ng mental health issues.
04:20Para sa GMA Integrated News, ako si Dano Tingkungko ang inyong saksi.
04:25Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:28Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments