00:00Samantala, inasahan na rao ng kampo ni Vice President Sara Duterte na may madaragdag na impeachment complaint laban sa kanya.
00:08Kasunod po yan ang paghahain ng ikatlong reklamo ang ilang abogado, pari at madre.
00:13Ang mga basihan ng kanilang impeachment complaint sa Balitang Hatid ni Chino Gaston.
00:18Mga pare, madre at grupo ng mga abogado ang tumayong komplainan sa pangatlong impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
00:32Isa rin sila sa mga grupong naghahain ng impeachment complaint laban kay Duterte noong December 2024.
00:37Pero na-archive ang kanilang reklamo nang maghahain ng sariling complaint ang one-third ng kabuang miyembro ng Kamara noong Pebrero ng nakaraang taon.
00:46Pareho pa rin ang grounds for impeachment na isinusulong nila laban sa Vice.
00:50Culpable violations of the Constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, and other high crimes.
00:57Nakabase ito sa umano'y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022 at 2023 at Department of Education noong 2023.
01:07Umanoy panunuhol sa mga opisyal ng DepEd pagkontrata sa isang gunman para umano'y ipapatay ang Pangulo, First Lady at dating House Speaker,
01:17hindi pagdeklara ng lahat ng kanyang mga ari-arian sa kanyang salin at pagsusulong ng political disabilization at sedisyon.
01:25Kasama sa mga ebidensya ng reklamong ito, ang testimonya ng mga tauha ng OVP at DepEd sa mga nagdaang house hearing,
01:34gayon din ang affidavit ng umano'y bagman ng si Ramil Madriaga.
01:38Inihambing ng grupo ang pananagutan ni Duterte sa kaso ng isang public school principal na nahatulang makulong ng labing isang taon dahil sa pagnanakaw ng limang libong piso.
01:48Can we give a free pass to the vice president for stealing not one, not two, but 612,500,000 pesos?
02:04Do we give the vice president a free pass just because she has a famous family name?
02:12How do we talk to our kids? We can send somebody for pocketing 5,000 pesos to jail for 11 years?
02:22We are saying to our kids, to our children, it's not right to steal, it's not right to lie, magnakaw at magsinungaling.
02:35Si Mamamayang Liberal Partylist Rep. Laila Delima ang nag-endorso ng reklamong ito.
02:41Ayon kay Delima, lumapit sa kanya ang grupo kamakailan para hilingin na i-endorso niya ang impeachment complaint.
02:47Kasama rin si Delima sa mga nag-endorso ng ikalawang impeachment complaint na inihain naman ng iba't ibang civil groups.
02:55Ang mga grounds po hindi po nalalayo doon sa mga grounds na sinabi doon sa second complaint.
03:02Hindi rin po ito numalayo o nalalayo doon sa pinakamismong grounds ginamit ng more than one-third of the House of Representatives last year
03:13in endorsing and transmitting article, in adopting articles of impeachment and transmitting the same to the Senate.
03:25Mas na-improve pa nga po. It's an improved version actually if I must say.
03:29Inaasahan naman na raw ng kampo ni Vice President Duterte ang paghahain ng panibagong reklamo na ito.
03:36Wala na rin daw silang maidadagdag sa komentong inilabas nila noong nakaraang linggo.
03:41Patuloy ang kanilang pagmomonitor sa development ng mga reklamo at sasagot sa pamamagitan ng angkop na proseso.
03:48Ang naunang dalawang impeachment complaint laban kay Duterte na i-transmit na sa tanggapan ni House Speaker Bojidi.
03:55Chino Gaston nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments