00:00Mas matatag na supply ng enerhya, yan ang inaasahan sa transition ng pamamahalan ng Kaliraya Botokan Kalayaan Hydroelectric Power Plants o CBK HEPP.
00:10Ibinida pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pinagtitibay nito ang kakayahan ng Luzon Grid na makapagbigay ng tuloy-tuloy na daloy ng kuryente.
00:18Ang detalye sa report ni Denise Osorio.
00:21Tila isang dangbuhalang baterya ng Luzon Grid ang Kaliraya Botokan Kalayaan o CBK Hydro Complex sa Kalayaan, Laguna.
00:31Sa kakayanan nitong mag-imbak at maglabas ng kuryente depende sa pangangailangan ng Luzon Grid.
00:37Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., matutulak nito ang energy system na maging mas maasahan at mas handa sa pangangailangan sa mga susunod na taon.
00:46Kinilala rin ng Pangulo ang papel ng Pumped Storage Technology sa pagpapanatili ng grid stability, lalo habang dumarami ang intermittent renewables tulad ng solar at wind.
00:57With this privatization completed through the successful bid of over P36.27 billion, the government is able to unlock significant resources while ensuring the continued operation of a strategically important energy asset.
01:14In doing so, the government can invest where it matters most, in our people.
01:21Particularly, these resources can be directed towards the immediate needs of the public, such as for classrooms, for roads, and for hospitals.
01:29Dagdag ng Pangulo, mababawasan ang makakaranas ng brownout at bababa ang antas ng abala sa servisyo sa mga paaralan at ospital.
01:37Isang 797-megawatt hydroelectric power complex ang CBK na binubuo ng tatlong pasilidad sa Laguna, ang Caliraya HPP, Botocan HPP na siyang pinakamatandang hydro plant sa Pilipinas,
01:50at ang pinakamalaki, ang Calayaan Pumped Storage Power Plant na kinomisyon noong 1984 at unang pump storage facility sa bansa.
01:59Kapag mababa ang demand, gumagamit ang pumped storage plant ng kuryente para ipump ang tubig mula Laguna, Debay, paakyat sa Lake Caliraya.
02:08At kapag mataas ang demand, ibinababa naman ang tubig para magpaikot ng turbines at tumutulong sa peak shaving at frequency regulation.
02:16Binigyang din ni Department of Energy Secretary Sharon Garin na mahalaga ang CBK sa National Power Grid,
02:22lalo kapag tumataas ang konsumo at kailangan ng extra support para sa reliability.
02:27For sure, CBK will be a big help kung may kulang tayo.
02:31Kasi ito nga yung ano natin eh, pang-regulate natin, pang-reserva natin.
02:36Ito lang actually ang nag-iisa sa buong bansa na pump storage natin.
02:41So talagang this is a national treasure.
02:43Dagdag pa ng DOE, habang dumarami ang demand tuwing tag-init at sabay na may seasonal constraints ang ilang hydro,
02:50mas nagiging kritikal ang mga pasilidad na mabilis mag-respond para mapanatiling stable ang supply.
02:57Nangako ang Aboytis Power na aalagaan nila ang CBK at mag-i-invest para mas mapahusay at ma-maximize ang operations.
03:05Dito sa apat na transformer na ito, tatlo lang ang kasalukuyang gumagana.
03:10Target ng Aboytis Power na maayos yung isang sirang transformer sa loob ng tatlong buwan mula ngayong araw
03:16para tuluyang magamit ng full force ang apat na generator para masupplyan ng maayos ang buong Pilipinas on demand o pagkinakailangan.
03:25Hindi rin kasi ito tulad ng ibang mga renewable energy, tulad ng solar, na nakadepende sa liwanag ng araw o ng hangin,
03:33na nakadepende sa lakas ng hangin.
03:36Pwede rin kasi nitong kontrolin ang paglikha ng energy.
03:39Ipinaliwanag naman ni Aboytis Power President Danel Aboytis na sa spot market may trade-off sa pagitan ng off-peak at peak periods
03:48at doon pumapasok ang pump storage para bawasan ang sobrang taas na presyo sa peak hours.
03:54So off-peak, you know, at like 3 in the morning, 4 in the morning, if your western price is at say 2 pesos, this will make it 2.10, 2.20.
04:02Sa peak naman, if your peak prices are like 10, 12 pesos, this will bring it down to 6.
04:07You are taking excess off-peak supply when it's not priced and you're adding generation to the peak.
04:17Dagdag pa ng Aboytis Group of Companies, strategic asset ang CBK dahil nagbibigay ito ng flexibility, stability, at resilience para masalo ang peak demand,
04:28suportahan ang reserves, at makatulong sa pag-integrate ng mas maraming renewables nang hindi naaapektuhan ang reliability.
04:35Binigyang diin din ng Aboytis Power na energy security is economic security,
04:40kaya't ang mga pasilidad na tulad ng CBK ay mahalaga para sa reliable at resilient power para sa mga Pilipino.
04:48Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.