Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nauwi sa pananakit ang pagsita ng dalawang gwardya sa isang binatilyong nagbibisikleta raw sa isang lugar na bawal sa Intramuros, Maynila.
00:09May report si Darlene Kai.
00:13Linggo ng gabi, nagkagulo sa Riverside Esplanade sa Intramuros, Maynila.
00:18Dalawang nakauniforme ng gwardya si Bill ang humahatak sa damit ng kinukuha nilang lalaki.
00:23Isang babae ang pumagitna at nagmamakaawa sa mga gwardya.
00:28Hinampas ng gwardya ang lalaki. Ang isa pang gwardya, sinuntok naman siya.
00:36Ang gwardyang unang humampas, nagpakawala ng sunod-sunod na suntok sa tagiliran ng lalaki.
00:44Hinampas ito sa ulo at pinagsisipapa.
00:49Dito na kumawala ang lalaking 17 anyos at nakipambuno sa dalawang gwardya.
00:53Sa pagharap nila kay Manila Mayor Esco Moreno,
00:58sinabi ng mga gwardya na ilang beses nilang sinita ang minor de edad
01:02dahil sa pagbibisikleta sa bawal na lugar pero hindi umano na kinig.
01:06Noong time po na lalaglag yung cellphone ng bata,
01:09hindi ko po alam kung kukunay niya po o hindi. Kasi nakita ko po yun eh.
01:14Pagtango po ng kasama ko, sinuntok po ng bata yung kasama ko.
01:18Noong marapit na po akong, malapit ko na po yung mahawakan yung bata para ma-hold po sana.
01:24Ang nangyari po, pinalog po ako ng matigas na bagay po sa muka.
01:30Kaya po nagkaroon po po ng damage.
01:34Dito na raw sila naghabulan hanggang sa mga kainan at nakuna ng insidente.
01:38Nang tanongin ni Moreno kung bakit hindi na lang tumawag ng pulis.
01:41That time po talaga yung nagawa ko lang po talaga yun dahil po sa bugso ng damdamin.
01:47Inutos na ni Moreno ang investigasyon sa mga gwardya.
01:50Guards should be guarding property. They are not policing the streets. They are not allowed.
01:58Streets, alis, boulevards or any public places is under the PNP for peace and order situation.
02:09Kasalukuyang nasa usupitalang binatilyo dahil sa mga tinamung sugat.
02:13Magka ako naihilot yan. Saka alam niyo yung hiru, yung bata niya, hindi ba sa guliro yan.
02:20Pakala kaibigan niya. Kung may away man, umaalis na yan.
02:23Na-inquest na ang mga gwardya para sa reklamong physical injuries.
02:27Ang Intramuros Administration sinabing iteterminate ang kontrata sa security agency ng mga sangkot na gwardya.
02:33Sinusubukan pa namin kunin ang kanilang panig.
02:36Darlene Kay nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:39Isang peking dentista ang naaktohang nagsasagawa ng teeth whitening sa Makati.
02:46Habang sa Kamarines Sur, peking pa rin naman ang naaresto.
02:50May report si John Consulta.
02:54Tilan na pangangasagulat ang lalaki ito sa isang dental clinic sa Makati na pinasok ng mga otoridad.
03:01Nagsasagawa ng teeth whitening procedure ang lalaki.
03:03Pero ayon sa Philippine Dental Association, hindi siya dentista.
03:06Ang sabi niya sa amin, ito daw po ay normal na ginagawa sa ibang bansa.
03:13Ay dito po, meron po tayong batas na naglilimit na ang mga procedure ay ginagawa lang po ng isang lisensyadong dentista.
03:21Delikado ito ayon sa PDA.
03:24Dahil pwedeng maapektuhan ang ngipin at gilagid, oras na sumablay, lalo't hindi marunong ang may hawak ng procedure.
03:30May mga solutions na hindi alam ng ibang pasyente na it can damage oral cavity.
03:37Matapang talagang solution na yan.
03:39Pag natamaan yung gilagid or yung gums, ayun, mayroong burning sensation.
03:46Hindi po sila gumagamit ng machine na suction machine na tagahigop para po hindi po nalulunok ng pasyente yung kanyang gel.
03:56Number two, hindi rin po nilalagyan ng proteksyon ng mga gums.
04:01Yung gums barrier po para po ang mga solusyon na ginagamit as bleaching ay hindi po napupunta sa mga soft tissue.
04:10Kaya imbis na yung kaganda ng ngiti, sakit ang abutin ng mga pasyente.
04:14Ayon sa Philippine Dental Association, naglipa na ang mga teeth whitening center na hindi lisensyadong dentista ang humahawak ng procedure.
04:22Sinampahan ng reklamang paglabag sa Philippine Dental Act of 2007 ang mga nasa likod ng klinika.
04:28Patuloy namin silang sinisikap na makuna ng pahayag.
04:33Isang nagpanggap na pari naman ang inaresto sa Kamarinas Sur.
04:36Gamit niya ang larawan ng isang legitimang pari para makahingi ng donasyon online.
04:41Yung Facebook account na yun ay ginagamit para mangingi ng donasyon.
04:45When that parish priest saw the Facebook account, sinabi niya, hindi kanya.
04:52Nagpapakita at nagpapadala siya ng mga pictures, ng mga activities in the parish.
04:57Kung kaya naman na makita ang mga pictures na ito, talagang naging kapanipaniwala.
05:01Saktong nagpapahingkas ito ng perang ipinadala sa kanya ng kanyang mga niloko ng arestuhin.
05:08Narecover ang pera at cellphone na ginagamit niya sa paniloko.
05:11Ang kasong i-finile natin sa kanya, staff up at identity theft under Republic Act 10175.
05:18Wala pang pahayag ang suspect na nakakulong sa NBI Naga.
05:22Nanawagan ng NBI sa ipapagnabiktima na maghain ng karagdagang reklamo.
05:27John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:31Kiniling ni dating Senador Bong Revilla na mag-inhibit ang maestrado ng Sandigan Bayan na didinig
05:43sa kaso niyang malversation, kaugnay ng maunamalyang ghost project sa Bulacan.
05:49Para naman sa prosekusyon, isa yung delaying tactic.
05:52May report si Maki Pulido.
05:54Kasama dapat sa mga babasahan ng sakdal ngayong araw,
06:01sinadating Senador Bong Revilla at dating Bulacan 1st District Engineering Office Finance Section Chief Juanito Mendoza,
06:08kaugnay sa kasong malversation na may kinalaman sa ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
06:14Naghahain ng not guilty plea sa kasong malversation ang limang iba pang kapwa-akusado,
06:19kabilang si dating Assistant District Engineer Bryce Hernandez.
06:22Pero ang arraignment ni Revilla at Mendoza iniurong muli ng Sandigan Bayan 3rd Division sa February 16
06:29dahil nakabinbinpang resolusyon sa mga inihain nilang mosyon.
06:33Bukod sa mosyon nilang ibasura ang kaso,
06:36hiniling din ni Revilla na mag-inhibit o huwag umupo si Sandigan Bayan 3rd Division Chairperson Carl Miranda
06:42sa pagdinig ng kaso niyang malversation.
06:45Sa unang pagdinig noong January 20,
06:46inihayag na ni Miranda na kapatid niya ang abogado ni dating DPWH Yusek Roberto Bernardo
06:52nang humarap ito sa Senate Blue Ribbon Committee at idinawit sa flood control kickback si Revilla.
06:58Dati na rin inamin ni Miranda sa open court na kaibigan niya si Atty. Mones Guerra,
07:03na isa sa mga abogado ni Revilla.
07:05Tingin ng prosekusyon, delaying tactic lang ito ng kampo ni Revilla.
07:09Punto naman ng korte at ng kampo ni Revilla, karapatan ito ng akusado.
07:14Si former Senator Ramon Bong Revilla ay giragamit niya lang ang mga remedies na available para sa isang akusado.
07:21Nanindigan naman si Miranda na walang basihan para mag-inhibit siya sa malversation case ni Revilla.
07:26Mahigpit daw siyang tumatalima sa code of conduct ng kanilang profesyon.
07:30Gayunman, pag-aaralan pa rin ang korte kung kailangan niya mag-inhibit
07:33at re-resolvahin ito forthwith o sa lalong madaling panahon.
07:37Sa 4th Division ng Sandigan Bayan kung saan dinidinig naman ang kasong graft,
07:42tumangging mag-high ng plea si Revilla kaya korte ang nagpasok ng not guilty plea para sa kanya.
07:48Tinatanong niyo bakit? Kasi nag-file nga kami ng motion to quash information.
07:54So we are just maintaining that position.
07:56Not guilty naman ang plea ng kapo akusado niyang sina RJ Dumasig at Mendoza.
08:01Makipulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:04Inihain ngayong araw ang ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
08:11Inihain niya ng mga pari, madre at grupo ng mga abogado
08:15at inendorso ni mamamayang Liberal Partylist Representative Laila De Lima.
08:20Kabilang sa basihan ng reklamo,
08:21ang maliumanong paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
08:27Umano'y panunuhol sa mga opisyal ng DepEd.
08:30Pagkontrato umano sa gunman para ipapatay ang Pangulo,
08:33unang ginang at dating House Speaker at iba pa.
08:37Sabi ng kampo ni Duterte,
08:39inasana nila ang paghahain ng reklamo.
08:42Nakamonitor daw sila sa development ng mga reklamo
08:44at sasagot sa pamamagitan ng tamang proseso.
08:48Samantala, nai-transmit na sa tanggapan ni House Speaker Boji D.
08:53ang naunang dalawang impeachment complaint laban kay Duterte.
08:56Pinagtibay naman ang House Justice Committee ang pagbasura nito
08:59sa dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos.
09:03Tatlong putsam na kongresista ang bumoto pabor sa committee report
09:07na nagkasabing insufficient in substance ang mga reklamo.
09:11Apat ang tumutol.
09:12Punaan ng ilang kongresista, may di na isama sa committee report.
09:16Sabi naman ni Congressman Edgar Irise,
09:19may grave abuse of discretion sa Justice Committee
09:21na pwedeng idulog sa Korte Suprema.
09:24May mga seryosong allegation daw na na-dismiss ng hindi dinidinig.
09:29Ipinasana sa Committee on Rules ang resolution
09:31para pagbatohan ng plenaryo kung tuluyang ibabasura ang mga reklamo.
09:43Mag-debate muna.
09:44Yan ang tugon ni Sen. Rodante Marculeta matapos imbitahang sumama
09:48sa Maritime Domain Awareness Flight sa West Philippine Sea.
09:52Nagkaignita naman ang ilang senador habang tinatalakay
09:55ang resolusyong Kumokundina sa mga pahayag ng Chinese Embassy
09:59laban sa mga opisyal at institusyon ng Pilipinas.
10:02May report si Ian Cruz.
10:03Sabi nyo kay Commodore Tariel, kasama si Justice Carpolo.
10:12And, sino ba yung progresor sa iyo?
10:16Si Batong Bakal.
10:18Para sa isang friendly debate.
10:22Bago po yung pagpunta doon.
10:24Hinamon ni Sen. Rodante Marculeta
10:26ng debate si na Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea,
10:31Commodore J. Tariela,
10:33retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio
10:36at maritime security expert Professor J. Batong Bakal.
10:41Tugod niya ni Marculeta sa imbitasyon sa kanya ni Tariela
10:44na sumama sa Maritime Domain Awareness Flight
10:47kasunod ng kontrobersyal na pahayag ni Marculeta
10:50na i-give up o isuko na lang ang Kalayaan Island Group.
10:55Ang gawin natin po para madali,
10:56i-give up natin yung KIG.
10:58I really wanted to bring Sen. Marculeta
11:01and Congressman Marculeta
11:02para malaman nila
11:04na sa pag-asa may mga komunidad ng mga Pilipino
11:07at ito ang pinaka-importanting dahilan
11:10kung bakit ito tinitindigan ng Armed Forces of the Philippines
11:13at ng Philippine Coast Guard
11:15at hindi ito dapat ipamigay.
11:18Kumasa si Carpio sa hamon ni Marculeta
11:20pero dapat ang topic tao ay kung legal bang may WPS
11:24at kung ang mga isla at pahura sa Kalayaan Island Group
11:28ay bahagi ng WPS.
11:31Pareho namang naniniwala si Natariela at Batong Bakal
11:34na hindi pang debate ang soberania at sovereign rights ng Pilipinas.
11:40Sabi ni Tariela,
11:41tungkuli ni Marculeta bilang senador na itaguyod
11:44ang mga karapatang ito
11:46at nanumpa siyang magiging tapat sa Pilipinas
11:49at susuportahan ang konstitusyon
11:51para kay Batong Bakal.
11:53Ipapakita lang ng debate sa buong mundo
11:56na hindi tiyak ang soberania at karapatan ng Pilipinas
11:59dahil mismo ang mga opisyal nito
12:02ay nagde-debate kaugnay rito.
12:05Sa plenaryo kanina,
12:06muling iginiit ni Marculeta
12:08na na-misinterpret lang ang kanyang sinabi.
12:11Hindi ko sinasabing hindi atin yun.
12:13Teritoryo na natin yun dahil occupied na po natin yun.
12:17Ngunit ang pinag-uusapan lang po,
12:19yung tubig nila,
12:21hindi natin pwedeng i-connect
12:22dun sa ating exclusive economic zone.
12:25Kasalanan po yun.
12:26Sinabi yan ni Marculeta
12:28habang tinatalakay ang Resolution 256
12:30o ang resolusyon na kumukondina
12:33sa mga pahayag ng Embahada ng China
12:35laban sa mga opisyal at institusyon ng Pilipinas.
12:40Nagkainitan ang sponsor na resolusyon
12:42na si Sen. Kiko Pangilinan
12:44at Interpellator na si Senate Minority Leader
12:47Alan Peter Cayetano
12:48nang ungkati ng huli
12:50ang paggamit ni tariela ng karikature
12:52ni Chinese President Xi Jinping.
12:54We cannot pass this resolution
12:56saying that Commodore Tariela is correct
12:59because he's wrong.
13:00We beg to disagree Mr. President
13:01that Mr. Commodore Tariela is mistaken.
13:04We would not have put this resolution
13:07and authored it if we failed Mr. Tariela.
13:09So that's what I want to elicit.
13:10So kung ang official ng Presidente
13:13is to have certain decorum
13:16sa Presidente ng China,
13:17pwede yung isang general
13:19hindi sumunod.
13:20Ang sa kanya,
13:21bastusin natin yung Pangulo ng Bansa.
13:22Mr. President, that is his interpretation?
13:24No, no, no. Bastus yun.
13:25No, that is your interpretation.
13:26No, no, no.
13:27So if I ask them now,
13:28Mr. President, we beg to disagree.
13:30Tinanong ni Ketano
13:31kung anong statement
13:32ang kanilang pinang-uusapan
13:34na paksa ng resolusyon.
13:36Will you supply us
13:37or will we annex
13:39or add wear asses
13:41so that we will see
13:43ano ba tong statements na to?
13:45It's specified,
13:47the nature of the statements.
13:48So a little bit of research,
13:51malalaman mo na
13:52which statements were these
13:53because this refers to...
13:54Point of order, Mr. President.
13:56Point of order.
13:57What is the point of order?
13:58The statements of Senator Pangilinan.
14:01The nature of his statements.
14:02Kayo na mag-research
14:03kung ano statements na yun,
14:04Mr. President.
14:05Sabi niya, pwede daw yun eh.
14:06Mr. President.
14:07I research na lang daw.
14:08I'm not yet done.
14:09No, that's why I give you...
14:11Philippine officials,
14:11including members,
14:12members of the Senate.
14:14May I just be...
14:15I am still speaking,
14:16Mr. President.
14:17Kinausap si Kayetano
14:27ni na Senate President Tito Soto
14:28at Senate President Pro Tempore Ping Lakson.
14:31Pagbalik ng sesyon,
14:32nagkasundo ang mga senador
14:34na i-amend ang resolusyon
14:35at ilagay ang mga statements
14:37na hinahanap ni Kayetano.
14:39Inadapt ang resolusyon,
14:41kalaunan.
14:42Ian Cruz,
14:43nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:47Level up pa ang Kapuso Viewing
14:49sa GMA Play.
14:50One tap away lang
14:51ang pag-binge watch
14:52ng paboritong Kapuso Shows,
14:54News and Public Affairs Programs,
14:56Asian dramas at movies.
14:58Kahit saan at kahit kailan,
15:00madaling makasubaybay sa GMA Network
15:02ng live via Kapuso Stream.
15:05Para sa mga may GMA App
15:07o GMA Network App na,
15:09i-update lang ito
15:10para maging GMA Play.
15:12Pero kung wala,
15:13i-download ang GMA Play
15:14sa App Store
15:15at Google Play Store.
15:17Pwede rin bisitahin
15:18ang website
15:19na gmanetwork.com
15:21slash gmaplay.
15:23Kung gusto manood
15:23sa bigger screen,
15:24hanapin lang ang GMA Play
15:26sa Google Play Store
15:27ng inyong TV.
15:33Extra sweetness
15:34ng ex-PBB housemates
15:36na sina Ralph De Leon
15:37at AZ Martinez.
15:38Totohanan na nga ba
15:39ang say-chan ni Bianca Devera?
15:42What you see
15:43is really what you get.
15:46Sparkle artist Kate Valdez
15:48at Fumia Sankai
15:49kinumpirma
15:50ang kanilang hiwalayan.
15:52Sa kanilang joint statement,
15:54mutual decision daw
15:55ang kanilang paghiwalay.
15:57Wala rin daw bitterness
15:58sa pagitan nila.
15:59Nagpasalamat sila sa fans.
16:00For the first time,
16:04pumayag magpa-interview
16:05si Dr. Reginald Santos,
16:07ang mister ni Carla Abeliana.
16:09I'm a very private person.
16:12Even sa hospital,
16:14there are a few people
16:15na nakakakilala sa akin.
16:18It'll take some time
16:20before I get used to it.
16:21Kumusta naman kaya
16:22ang newlywed life
16:23ng dalawa?
16:24May mga adjustments
16:25pa ng konti,
16:27pero ano pa rin kami,
16:28yung medyo on high pa din
16:30from the wedding.
16:31Tsaka gusto-gusto ko
16:31yung tinatawag ko siyang
16:32asawa ko or my husband.
16:36Bad Bunny,
16:37gumawa ng kasaysayan
16:38bilang first male solo
16:40Latin artist
16:41na nag-headline
16:42sa The Super Bowl
16:43Halftime Show
16:44and in full Spanish.
16:46Sa gitna ng performance,
16:48nag-officiate
16:48ang Grammy-winning
16:49Puerto Rican singer
16:51ng kasal.
16:53Athena Imperial
16:54nagbabalita
16:54para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended