- 10 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga Kapuso, ngayong Febrero ang inaasahang release ng titulo ng Condominium Unit nang dumulog sa inyong Kapuso Action Man.
00:09Pero ang pangakong bigay ng dokumento ng Land Registration Authority, abe, napako, idinulog yan sa inyong Kapuso Action Man.
00:17Problemadong dumulog sa inyong Kapuso Action Man si Maureen na nagpatitulo ng Condominium Unit sa Land Registration Authority, Disyembre ng nakaraang taon.
00:31Naipasa na raw niya lahat ng mga kailangang dokumento at nakapagbayad na rin ang processing fee.
00:37Noong mismong araw, noong December 18, binigyan ako ng tinatakan po nila na February 5 daw po nga ang release.
00:44Pero ang inaasahang release ng titulo ngayong Febrero, biglang napurnada.
00:51Napasa naman po, tapos biglang sinabi na lang na may aayusin na yung Certificate of Management, kailangan daw po yung latest.
01:01Chinek naman po yun dito sa may information lahat.
01:06So chinek naman po, kaya nagtataka po ako kung bakit biglang may gano'ng ano dahil chinecheck naman po yun bago i-process sa loob.
01:14Kahit dala pa ni Maureen ang kulang na dokumento, daraan pa umano ito sa panibagong proseso ng pag-aproba na baka abutin daw ng siyam-syam.
01:24Yun nga po yun, yun po yung pinagtataka po.
01:27Bakit kailangan ng approval pa o na-submit po namin na kompleto ang dokument?
01:34May kinausap ko sa loob, yung sabi niya baka pwedeng madi-deny pa daw.
01:38Sumangguni ang inyong kapuso Action Man sa Land Registration Authority at personal silang nagpaliwanag kay Maureen.
01:49Pinasok po natin yung transaction niyo December 12, 2025.
01:55Yung binigay po niya kasing management certificate is June 2025.
01:59Dapat po kasi updated to, it's either November or December din po dapat.
02:03Kasi po, dito po sa RD kasi, pag ang condominium, kailangan namin ang management certificate saying na wala na kayong juice dun sa kondo.
02:11At nagpapatunay po nun yung management certificate.
02:14However, yung binigay po kasing management certificate is June 2025 po.
02:18Pero hindi naman namin ito din yung disregard yung transaction niyo.
02:20However, kailangan lang natin maging updated sa system na kayo.
02:23Yun kasi po ang ano sa akin kanina, sabi baka madi-deny daw po yung binayad ko.
02:28Bang madi-deny siya if ever kung ipupush natin na hindi ninyo mapoprovide.
02:32Ito ito po, dala ko po.
02:34Ayan, meron na pala eh. Kailangan lang natin ito pa notarize.
02:37If ever naman mapanotarize mo ito ngayon, matatapos naman natin ito. By tomorrow, pwede mo na naman po po.
02:42Kaya today?
02:43Kering naman natin, sige po, push natin.
02:46Alamat po. Sige pa.
02:47Kasi hayang po yung pamasayin.
02:49Agad na naproseso ang kulang na dokumento at nakuha na ni Maureen ang titulo.
02:58Mission accomplished tayo, mga kapuso.
03:00Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner sa Maravinyo, Diliman, Quezon City.
03:09Daan sa alamang reklamo, pang-abuso o katawaliya.
03:12Tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
03:15Kapwa itinanggi ng mga negosyanteng sina Jonathan Payawal So at Carlito Makadangdang ang kanilang pagkakaugnay sa umunay-maanumalyang flood control scandal.
03:26Naglabas ang mga negosyante ng pahayag matapos sabihin ng Department of Justice na kasama sila sa iniimbestigahan kaugnay ng flood control scandal.
03:36Sa social media, sinabi ni Naso at Makadangdang na wala silang kinalaman sa anumang ghost flood control project.
03:44Habang iginagalang nila ang mga otoridad at ang proseso, naniniwala rin anila sila na dapat bigyan ang bawat Pilipino ng due process at ng pagkakatoong marinig.
03:56Dagdag pa nila, haharapin nila ito, sasagutin sa tamang forum at kumpiyansa silang lalabas ang katotohanan.
04:03Ngayong buwan na mga puso, muli na naig ang pagmamalasakit ng mga blood donor na nakiisa sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project sa Ever Commonwealth ng GMA Kapuso Foundation at sa Nationwide Bloodletting Day ng GMA Regional TV.
04:26Taos puso po kami nagpapasalamat, talot halos 2,500 blood bags ang nalikom natin mula sa ating mga bayaning kapuso.
04:37Dahil sa inyo, maraming buhay pa ang ating maililig.
04:41Kada taon, inaabangan ng construction worker na si Dondon ang ating Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project sa Ever Commonwealth.
04:56Sa ikatatlongpong taon ng ating pagdudugtong buhay, tatlongpong beses na rin siyang nakapag-donate ng dugo.
05:05Medyo masaya rin at saka parang nakakatulong na rin ako kahit hindi ko kilala yung taong natutulungan ko.
05:10Simula 1996, mahigit 228,000 na ang ating pasyenteng natulungan sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project.
05:23Dahil yan, sa matatag ng pagsasamahan ng GMA Kapuso Foundation, Philippine Red Cross at Ever Commonwealth.
05:32Kaya bilang pasasalamat, pinigyan parangal natin ang mga partners, ang ating volunteer na banda, ang volunteer hosts, at iba pang mga volunteer na buong pusong tumulong para maging matagumpay ang ating bloodletting project sa loob ng tatlong dekada.
05:51At nakakatawang patuloy ang kabayanihan ng blood donors.
05:56Kayo po ay modern na bayani. Sa itong programa, 200,000 lives were saved.
06:03So isang bag po na dugo na dinodonate nyo ngayon, pwede po yan maging 2, 3, 4 bags of blood.
06:10Kasi may ibang-ibang mga sakit, ibang-ibang component lang ng dugo ang kailangan mo.
06:16Yung dugo na dinodonate nyo. Simot na simot po yan sa ating mga cancer children at saka meron hong kumakatok sa GMA Kapuso Foundation.
06:28Nagbigay rin tayo ng pagkain at marami pang freebies.
06:31Nakisaya rin ang ilang sparkle artists at volunteer performers.
06:37Taos puso po ang aking pasasalamat sa lahat na nakiisa dahil kayo ang naging tulay sa ating pagsagip ng buhay ng tatlong pong taong.
06:50Samantala mga kapuso, naghahandaan na rin po ang GMA Kapuso Foundation para sa isasagawa nating Operation Bayanihan sa mga sinalantanaman ng Bagyong Basyang.
07:04Kasama mga volunteer ng Mindanao State University, nakapag-repack na tayo ng relief goods sa 2nd Mechanized Infantry Brigade ng Philippine Army.
07:14Ipapamahagi natin ito bukas sa mga apektadong barangay sa Iligan.
07:18Magtutungo rin tayo sa Camarines Norte at Surigao del Sur.
07:26Sugatan ang isang binatilyo matapos siyang pagtulungang saktan ng dalawang gwardya sa Maynila.
07:31Sabi ng mga gwardya, hindi a nila sumunod ang biktima at pumalag ng sitakihin dahil sa pagbibisikleta sa bawal na lugar.
07:39Nakatutok si Salima, refran.
07:41Linggo ng gabi sa Intramuros, Maynila.
07:49Kitang nagkakagulo sa May Riverside Esplanade.
07:52Isang babae ang pumapagitna sa mga gwardyang nakauniforme ng gwardya civil at sa kinukuha nilang lalaking nakaputing t-shirt.
08:00Hawak ng isang gwardya ang damit ng lalaki at hinahatak ito habang sinusubukang makipag-usap ng babae.
08:06Hinampas ng gwardya ang lalaki.
08:08Ang isa pang gwardya...
08:14Biglang sinuntok ng malakas sa muka ang lalaki.
08:18Ang gwardyang unang humampas, nagpakawala ng sunon-sunod na suntok sa tagiliran ng lalaki.
08:24Hinampas ito sa ulo at pinagsisipapa.
08:26Dito na kumawala ang lalaki at nakipambuno sa dalawang gwardya.
08:33Ang lalaking nakaputi, napag-alamang edad 17 anyos.
08:37Agad inireport sa tourist police ang insidente at inaresto ang mga gwardya.
08:43Iniharap sila kay Manila Mayor Isco Moreno.
08:45Ayon sa mga gwardya, ilang beses na lang sinita ang minor de edad dahil sa pagbibisikleta na bawal sa lugar.
08:52Pero hindi umano nakinig.
08:54Nung time po na lalaglag yung cellphone ng bata, hindi ko po alam kung kukunay niya po o hindi kasi nakita ko po yun eh.
09:02Pagtango po ng kasama ko, sinuntok po ng bata yung kasama ko.
09:06Nung marapit na po akong, malapit ko na po yung mahawakan yung bata para mahol po sana.
09:13Ang nangyari po, pinalog po ako ng matigas na bagay po sa muka.
09:18Kaya po nagkaroon po po ng damage.
09:21Dito na raw sila naghabulan hanggang sa mga kainan at nakuna ng insidente.
09:27Nagsalita po yung bata na gusto ko pa daw makaisa ang pahalo sa kanya.
09:33Kaya doon na po ako ng galaite na nasaktan po po yung bata.
09:37Tanong ng alkalde, bakit hindi na lang daw tinawag ang mga polis?
09:41That time po talaga yung nagawa ko lang po talaga yung dahil po sa bugso ng damdamin.
09:46Inutos na ni Moreno ang imbisigasyon sa mga gwardya.
09:50Guards should be guarding property.
09:54They are not policing the streets.
09:56They are not allowed.
09:57Streets, always boulevards or any public places is under the PNP for peace and order situation.
10:08Humarap rin kay Moreno ang pamilya ng minor de edad na kasalukuyang nasa ospital dahil sa mga tinamong sugat.
10:14Kakon, nahihilot yan. At alam niyo yung hiru, yung bata niya, hindi ba saguliro yan.
10:21Pakala kaibigan niya, bumayaway man, umaalis na yan.
10:24Na-inquest na ang mga gwardya sa Manila Prosecutor's Office para sa reklamong physical injuries.
10:30Ang Intramuros Administration sinabing iteterminate ang kontrata sa security agency ng mga sangkot na gwardya.
10:37Sinusubukan pa namin kunin ang kanilang panig.
10:40Para sa GMA Integrated News, Sany Marafran, Nakatutok, 24 Oras.
10:50Mabilis na tsukahan tayo para updated sa Showbiz Happenings.
10:54Kinumpirma ni na Sparkle star Kate Valdez at boyfriend na si Fumia Sangkay, nahiwalay na sila.
11:03Sa isang joint statement, kinumpirma ng dalawa na ginawa nila ang desisyon ng may respeto, pangunawa at pangangalaga sa isa't isa.
11:12Kasunod nito, umaasa sila ng kindness and understanding mula sa lahat.
11:16Nagpasaya sa isang music festival ang PBB Big Winner duo na si Namika Salamangka at Brent Manalo.
11:26Spasyal ito sa Big Brent dahil first time nila itong gawin.
11:30Aabangan din si Namika at Brent sa upcoming series na The Secrets of Hotel 88.
11:35Sakto ngayong love month, get ready na pakiligin ni The Clash 2023 Grand Champion John Rex sa kanyang first solo concert.
11:47This February 15 na yan sa Quezon City.
11:51Abiso sa mga motorista, may panibagong oil price hike simula po bukas.
11:56Piso, kada litro ang taas presyo sa diesel.
11:59Habang 60 centimo sa gasolina, 60 centimo kada litro rin ang dagdag presyo sa kada litro ng kerosene.
12:07Wala pang alusyo ang ibang kumpanya ng langis.
12:11Dumalaw at nakiramay si Vice President Sara Duterte sa mga kaanak ng mga nasawi sa paglubog ng MV Trisha Kirstin III sa Zamboanga City.
12:20Bukod sa tulong pinansyal na 2,500 pesos, namahagi rin ang kanyang opisina ng bigas at grocery items kada pasahero.
12:30Patuloy ang operasyon ng mga otoridad para mahanap ang iba pang nawawala.
12:35Ang TCG Technical Divers, napasok na ang loob ng barko at naiangap ang bangkay ng isang lalaki.
12:42Napansin ko, natanggap na nila na patay na. Ang gusto lang nila ay makita yung bangkay.
12:52Meron namang hanggang ngayon ay nag-hopeful sila na makitang buhay yung kanilang mga kamag-anak.
13:01At yung sa mga survivors ay yung trauma noong nangyari sa kanila.
13:12Nagka-ainitan ng DSWD at National Commission of Senior Citizens.
13:17Nang punahin ni Secretary Rex Gatchalian ang komisyon dahil sa isyo sa mga AITA na maygit isandaang taong gulang na
13:24na hindi pa raw nakatatanggap ng sandaang libong pisong cash gift mula po sa gobyerno.
13:29Nakatutok si Oscar Oida.
13:34Usap-usapan ngayon ang video ito patungkol sa ilang AITA centenarians na bagaman lagpas sandaang taong gulang na
13:41e hindi pa raw nakatatanggap ng sandaang libong cash gift mula sa gobyerno.
13:46Sila po yung mga 102 years old na, 103 years old o higit isandaang taon na.
13:52Kaso wala pa silang nakukuha centenial.
13:56Sa ilalim kasi ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act,
14:03lahat ng senior citizens kapag tumuntong sa isandaang taong gulang makatatanggap ng 100,000 pesos.
14:09Katulad ni tatay, naging sundalo pa siya ng mga Amerikano noong araw.
14:14Pinanganak siya noong November 15, 1923.
14:17102 years old na siya pero wala pa siyang nakuha ang centenial, yung 100,000.
14:23Ang sitwasyon ng mga AITA centenarian,
14:26nakarating na sa National Commission of Senior Citizens o NCSC
14:31na siyang responsable sa pamamahagi ng Expanded Centenarian Cash Gift Program.
14:36Kaagad, pinaready na namin yung matatanggap na nila.
14:40So, this morning, this morning lang,
14:43natanggap namin yung endorsement coming from the mayor of Kapas Tarlac.
14:48Kasi may endorsement eh.
14:50Application, titignan ng mga papeles,
14:52tapos i-endorse sa amin sa komisyon.
14:55Kanina lang namin natanggap.
14:56Ang programang ito,
14:59dating hawak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
15:04Bago ito inilipad sa NCSC noong 2025
15:08sa visa ng Executive Order No. 96,
15:12si DSWD Sekretary Rex Gatchalian,
15:15pinupo na ngayon ang NCSC.
15:17Hindi kami dapat umabot ng 101, 102, or 103
15:21nang wala silang natatanggap.
15:22Dapat by 100, may natanggap na sila.
15:25Sa amin kasi, ganun kami noon.
15:27Without the need of a demand or an application,
15:30we give it to you.
15:31But sa NCSC, binago nila.
15:33May proseso.
15:35At ang proseso nila, even during that time,
15:38eh mag-apply ka sa OSCA.
15:41At mag-apply mo, titignan na OSCA,
15:43andito ba lahat?
15:44Yung mga papeles na kailangan namin matanggap.
15:47At pagkatapos, ipapadala sa komisyon.
15:50At sila din ganun noon.
15:51Walang pagbabago.
15:53Yung sinabi nila na nagbago ang komisyon,
15:55no way, hindi kami nagbabago.
15:58Pareho pa rin.
15:59Noong 2024, na nakakuha sila ng Certificate of Live Birth.
16:04Sino ba nang nagdidistribute ng centenarian gift na ito?
16:09Eh di DSWD.
16:11Ang sabi ni Sekretary Gatchalian,
16:13eh pag sa amin yan, alam na namin.
16:16Masamaro ang loob ni Gatchalian
16:17dahil ang departamento niya
16:19ang nabugahan ng mga netizen
16:21na hindi alam na nilipat na sa NCSC
16:24ang responsibilidad dito.
16:27Sabi ni Gatchalian,
16:28nagpapasaklolo na siya
16:29kay ngayoy Executive Sekretary Ralph Recto
16:32para ibalik na sa DSWD
16:35ang cash gift program
16:36sa mga senior citizens.
16:38Bagay na pinapalagan ni Gutierrez.
16:41Because of what's happening, people are suffering.
16:43The setup is very confusing.
16:46People are getting confused.
16:47Senior citizens will go to DSWD
16:49thinking it's us, but it's not us.
16:51I'm very upset with this.
16:52Balik niyo sa amin,
16:53para kami ang may responsibilidad,
16:55kami ang mananagot.
16:56Ang nangyari ngayon,
16:57kami ang pinasasagot,
16:58pero hindi naman kami ang may responsibilidad
17:00kasi ayaw ibigay sa akin.
17:02Kunin mo kung hindi namin nagaganap
17:04yung aming tungkulin.
17:06Eh kung napapamahagi naman namin
17:08ng maayos.
17:10Bakit?
17:11I can't help but be emotional about this.
17:15Ikaw ba naman eh,
17:16sasabihan ng
17:17na hindi mo ginagawa yung tungkulin mo.
17:20Despite everything that we're doing
17:22here in the Commission,
17:23despite the little budget that we have,
17:25despite the kukunting personnel
17:28that we have,
17:29we want to serve them well,
17:31tatanggalin pa sa amin,
17:33parang hindi na yata patas yun, ano?
17:36Hindi na yata makatao.
17:38Para sa GMA Integrated News,
17:40Oscar Oida,
17:42nakatutok,
17:4324 oras.
17:46Sinusubukan pa ng GMA Integrated News
17:48na makuha ang panig na Malacanang
17:49sa bangayan ng DSWD at NCSC.
17:52Briliyante o Buhay?
17:59Yaya ni Gina
18:00ng mga nakakagulat na tagpo
18:02ang mga Encantadix
18:03dahil sa labanan ni Natera at Gargan
18:05sa Encantadia Chronicles Sangre.
18:08Ang gumaganap bilang Tera
18:10na si Bianca Umali
18:11ikinwento kung paano
18:12pinaghandaan ang eksenang ito.
18:15Yan ang chika ni Athena Imperial.
18:16Gagawin ni Sangre Tera ang lahat
18:23para maproteksyonan niya
18:24ang briliyante ng lupa
18:26laban kay Gargan.
18:28Aminado si Bianca Umali
18:30na gumaganap na Tera
18:31sa Encantadix Chronicles Sangre
18:33na intense ang naging paghahanda
18:35at collaboration niya
18:37para ma-pull off
18:38ang matinding labanan ito sa serye.
18:40Talagang pinaghirapan namin lahat
18:43at naging hands-on ako sa eksenang ito
18:46na kami ng action team
18:48ko ang nag-choreo
18:49ng buong fight namin.
18:51Grateful po ako
18:51sa production po ng Sangre
18:53kasi they gave me the opportunity
18:56to actually be part of the process
18:58sa pagsusulat ng script,
19:01sa paggawa po ng action scene,
19:06sa pag-edit,
19:07sa pag-supervise po sa VFX.
19:09May ilang buwan na rin ka-eksena ni Bianca
19:11si Tom Rodriguez
19:12na gumaganap bilang si Gargan.
19:15Nakatulong daw ang kanilang
19:16rapport para sa execution
19:17ng kanilang fight scenes.
19:19Sabi ko,
19:20kung kailangan man namin
19:21ng tulong ng isa't isa
19:22ay sinet namin yun
19:24na makakapagtulungan kami.
19:25Napakabait niyang tao
19:27at napakasarap din
19:28ang katrabaho
19:29at naka-inspire actually
19:30yung dedication niya.
19:33Hirit pa ni Bianca,
19:34dapat ihanda ng Encantadix
19:36ang kanilang mga sarili
19:38para sa mga nakakagulat
19:40pang mangyayaring
19:41ngayong linggo sa serye.
19:43Excited po kami
19:44na maipalabas
19:45kung ano po ang mga
19:47na-shoot namin
19:48at kung ano yung mga
19:49mangyayari,
19:49lalo na sa mga
19:50characters namin.
19:52At ako,
19:52specifically,
19:53excited ako
19:54para sa mga
19:55mangyayari kay Tera
19:56kasi
19:56meron kaming
19:58mga ginawang
19:59mga eksenang
20:01kaabang-abang.
20:03Siguro,
20:03ganun na lang.
20:04Hindi,
20:04hindi aakalain
20:06na mangyayari.
20:07Athena Imperial
20:08updated
20:08sa Showbiz Happenings.
20:10Patay ang isang rider
20:13sa salpukan ng motorsiklo
20:15at SUV
20:15sa Paranaque.
20:17Nakatutok si Bam Alegre.
20:21Dead on the spot
20:22ang lalaking ito
20:23matapos maaksidente
20:24sa panulokan
20:25ng Dr. A. Santos Avenue
20:26at C5 Extension
20:27sa barangay
20:28San Dionisio, Paranaque.
20:29Pasado alas tres
20:30na madaling araw.
20:31Sa mga kuwang ito
20:32ng isang rider
20:33na saksi sa insidente,
20:34luguan ang rider
20:35sa banketa
20:35habang wasak
20:36ang kanyang motorsiklo.
20:38Sa hindi kalayuan naman,
20:39may isang SUV
20:39na wasak din ang harapan.
20:41Dinala ng mga polis
20:42sa presinto
20:42ang driver ng SUV
20:43na tumangging humarap
20:45sa kamera.
20:45Aniya,
20:46sa korte na lang siya
20:47magsasalita.
20:48Iniimbestigahan pa ng polisya
20:49kung paano nangyari
20:50ang aksidente.
20:51Kaninang madaling araw,
20:52mga past 3 o'clock
20:53na po yun eh.
20:54Ang sabi po nila sa akin
20:55is kailangan po nila
20:57ng ambulance
20:57kasi daw po may
20:58naaksidente
20:59at namatay
20:59sa harap po
21:00ng presinto po nila.
21:01Hindi po ata
21:02pwedeng kunin
21:03ng ambulance
21:04kasi patay na po
21:05kasi yung pasyente.
21:07Hinatakang mga wasak
21:08na motorosiklo
21:09pati ang SUV
21:10na may bangga sa harapan
21:11para dalhin
21:12sa impounding area
21:13ng lungsod.
21:14Para sa GMA Integrated News,
21:16Bam Alegre,
21:16nakatutok 24 oras.
21:19Tumaas ang tensyon
21:21at nauwi sa sagutahan
21:22ng pagtalakay
21:23ng mga senador
21:24sa resolusyong
21:26kumukondina
21:27sa mga pahayag
21:28ng Embahada ng China
21:29ang laban
21:30sa mga opisyal
21:31at institusyon
21:32ng Pilipinas.
21:34Si Sen. Rodante Marcoleta
21:36na umani ng batikos
21:37dahil sa pahayag
21:39na i-give up
21:40o bitawa na lang
21:41ang Kalayaan Island Group,
21:43hinamon
21:44ng mga opisyal
21:45at eksperto
21:46sa isang friendly debate
21:48bago anila sumama
21:50sa imbintasyong
21:52Maritime Domain Awareness Flight
21:54sa West Philippine Sea.
21:57Nakatutok si Ian Cruz.
22:04Sa pagtalakay
22:15ng Resolusyon
22:16256
22:16o ang resolusyon
22:18na kumukondina
22:18sa mga pahayag
22:20ng Embahada
22:20ng China
22:21laban sa mga opisyal
22:22at institusyon
22:23ng Pilipinas
22:24at muling
22:24iginiit
22:25ang karapatan
22:26ng bansa
22:26na ipagtanggol
22:27ang soberanya nito
22:28alinsunod
22:29sa international law.
22:31Nagkainitan
22:31ang sponsor nito
22:32na Sen. Kiko Pangilinan
22:34at Interpellator
22:35na si Senate Minority Leader
22:37Alan Peter Cayetano.
22:39Nagsimula ito
22:39na kukati ni Cayetano
22:40ang karikasyon
22:41ni Chinese President Xi Jinping
22:43na inilabas
22:44ni Commodore J. Tariella.
22:45We cannot pass
22:47this resolution
22:47saying that
22:49Commodore Tariella
22:49is correct
22:50because he's wrong.
22:51If he just simply stated
22:53I love the Philippines
22:54I will fight
22:55for our territory
22:56I'll fight for
22:57our sovereignty rights
22:58I will do my duty
23:00but sorry
23:00dahil uminit ulo ko
23:02nilabas ko ito
23:03pero hindi official yan
23:04tapos tayo.
23:05We beg to disagree
23:07Mr. President
23:07that Mr. Commodore Tariella
23:09is mistaken.
23:10We would not have put
23:11this resolution
23:13and authored it
23:14if we failed
23:14Mr. Tariella.
23:15So that's what I want
23:15to elicit.
23:16So the authors
23:17of this resolution
23:17is saying
23:18pwede
23:19so kung ang official
23:21ng presidente
23:22is to
23:23have certain decorum
23:25sa presidente
23:26ng China
23:26pwede yung isang general
23:28hindi sumunod
23:30ang sa kanya
23:30bastusin natin
23:31Mr. President
23:32that is his
23:33interpretation?
23:33No, no, no
23:34bastus yun.
23:35No, that is your
23:35interpretation.
23:36No, no, no.
23:36So if I ask them
23:37Mr. President
23:38we beg to disagree.
23:40Nasuspend ng sesyon
23:42sa init ng debate
23:43pero nagpatuloy pa rin
23:44matapos ang ilang minuto.
23:46Buling uminit
23:47ang diskusyon
23:48na itanong naman
23:48ni Kayetano
23:49kung anong statement
23:50daw ba
23:51ang kanilang
23:52pinag-uusapan
23:53na paksa
23:53ng resolusyon.
23:54will you supply us
23:56or will we
23:57annex or add
23:59ware asses
23:59so that
24:00we will see
24:02ano ba tong
24:03statements na to?
24:04It's specified
24:05the nature
24:06of the statements.
24:07So a little bit
24:08of research
24:09malalaman mo muna
24:11which statements
24:12were these
24:12because this refers to
24:13Point of order
24:13Mr. President
24:14Point of order.
24:16What is the point of order?
24:17The statements
24:18of Senator Pangilinan
24:19the nature
24:20of his statements
24:21kayo na mag-research
24:22kung ano statements
24:22na yun Mr. President
24:23sabi niya
24:24pwede daw yun eh.
24:25Mr. President
24:26I'm not yet done.
24:28No that's why
24:29I give you
24:29Philippine officials
24:30including members
24:31of the Senate
24:33May I just be
24:33I am still
24:34It's a point of order
24:35Mr. President
24:36a point of order
24:37precedes your
24:38precedence.
24:38Where is the point
24:39of order Mr. President?
24:41Where is the point
24:42of order?
24:42Session suspended.
24:45Habang suspendido
24:46ang sesyon
24:46nakita ang kinausap
24:48si Kayetano
24:48ni na Senate
24:49President Ito Soto
24:50at Senate Pro Tempore
24:51Ping Lakson
24:52pagbalik ng sesyon
24:54na pagkasundoan
24:55ang mga senador
24:56na i-amend
24:57ang resolusyon
24:58at ilagaya
24:59mga statements
25:00na hinahanap
25:01ni Senador Kayetano.
25:03Matapos ang halos
25:04atlong oras
25:04sa debate
25:05walang tumutol
25:06sa pag-adopt
25:07ng resolusyon.
25:08I move to approve
25:09or adopt
25:10proposed
25:10Senate Resolution
25:11No. 256.
25:12I so move.
25:14Any objection?
25:15Hearing none.
25:17PS Resolution
25:18256
25:18is hereby adopted.
25:19Thank you very much
25:20Mr. President.
25:22Sinagot naman
25:22ni Senador
25:23Rodanti Marcoleta
25:24ang imbitasyon
25:25ni Commodore
25:25Jay Tariela
25:26na sumama siya
25:27sa isinasagawang
25:28Maritime Domain
25:29Awareness Flight
25:30sa West Philippine Sea.
25:32Git ni Marcoleta
25:33magkaroon muna
25:34ro sila
25:34ng friendly debate
25:36ni Natariela
25:36dating Supreme Court
25:37Associate Justice
25:38Antonio Carpio
25:39at Maritime Security
25:41Expert Professor
25:42Jay Batongbakal.
25:43Bago yun
25:44kasabi nyo kay
25:46Commodore Tariela
25:47kasama si
25:48Justice Carpio
25:49and
25:51sino ba yung
25:53professor sa'yo?
25:54Si Batongbakal.
25:56Para sa isang
25:57friendly
25:58debate
25:59bago
26:00bago pa yung
26:01pagpunta doon
26:02para sa ganun
26:02maayos natin
26:03para sa kapakanan
26:04ng atin.
26:05Salamat.
26:06Matatandaang
26:07umani ng batikos
26:08ang sinabi ni Marcoleta
26:09sa pagdinignan
26:10Commission on Appointments
26:12na i-give up
26:13o isuko na lamang
26:14ang Kalayan Island Group
26:15dahil
26:16nabas naman ito
26:17sa Exclusive Economic Zone
26:19o EEZ
26:19ng bansa.
26:21Nilinaw naman ni Marcoleta
26:22na hindi niya
26:22intensyon
26:23na isuko ang
26:24KIG
26:25at ang kanyang
26:26mga nasabi
26:26ay na-misinterpret
26:28lamang
26:29matapos na mabas
26:29sa mga balita.
26:31Inilahad niya rin ito
26:32sa plinaryo
26:32sa pagtalakay
26:34sa Resolution 256.
26:36Sumama na nga po
26:37yung napakaraming tao
26:39na sinasabi ko
26:39Ro,
26:40i-give up natin
26:41ang KIG.
26:42Mr. President,
26:43kahit kailan
26:43hindi ko sinabi yun.
26:46Teritoryo po yun,
26:47land features po yun,
26:49hindi sakup po
26:50ng arbitral tribunal.
26:52Ang sinasakup lang po
26:53ng tribunal
26:54yung tubig po.
26:55Kaya lang magkaintindihan tayo.
26:57Hindi ko sinasabing
26:58hindi atin yun.
26:59Teritoryo na natin yun
27:00dahil occupied na po
27:01natin yun.
27:03Ngunit ang pinag-uusapan lang po
27:04yung tubig nila
27:06hindi natin pwedeng
27:07i-connect
27:08dun sa ating
27:09exclusive economic zone.
27:11Kasalanan po yun.
27:12I really wanted to bring
27:13Senator Marcoleta
27:14and Congressman Marcoleta,
27:16the Marcoleta
27:17father and son
27:18Luo
27:18para malaman nila
27:20na sa pag-asa
27:21may mga kamataang
27:23Pilipino rito,
27:24may komunidad
27:24ng mga Pilipino.
27:25Sabi ni Carpio,
27:27payag sa debate
27:27pero
27:28ang topic daw
27:29ay kung legal ba
27:30ang West Philippine Sea
27:32at kung ang mga isla
27:33at pahura
27:34sa Kalean Island Group
27:35ay bahagi
27:36ng West Philippine Sea.
27:38Sagot naman
27:38ni Batong Bakal,
27:39hindi pang debate
27:40ang soberanya
27:41ng Pilipinas
27:41at ang mga
27:42karapatan
27:43natin dito.
27:44Wala raw magandang
27:45idudulot
27:45ang debate
27:46ni Marcoleta
27:46kundi ipakita
27:48sa buong mundo
27:49na hindi
27:50tiyak ang soberanya
27:51at karapatan
27:52ng Pilipinas
27:53dahil
27:54mga opisyal
27:54mismo nito
27:55nag-aalinlangan
27:56at kailangang
27:57pagdibatihan pa.
27:59Para sa GMA
28:00Integrated News
28:01Ian Cruz
28:02nakatutok
28:0224 oras.