00:00...nananatiling maganda ang kalidad ng hangin sa paligid ng Bulkang Mayon sa kabila ng patuloy na pag-aalburuto nito.
00:07Samantala, hindi na kailangan magpakita ng ID ang mga evacuee para makatanggap ng tulong mula sa DSWD.
00:14Ganang ulat ni Connie Calipay ng Philippine News Agency.
00:20Pasado o good rating ang resulta ng pagsusuring isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources,
00:27Environmental Management Bureau sa Bicol sa mga polyutant na nag-uugnay sa aktividad ng bulkan.
00:33Sinabi ni EMB Regional Director Jerry Jeronimo Sanez na ang kalidad ng hangin malapit sa Bulkang Mayon
00:39ay nananatiling maganda habang pinaigting nila ang pagsusuri sa antas ng particulate matter at sulfur dioxide.
00:46Sa air, since we have started monitoring, there's no exceedances in this standard.
00:54So, you would note that what we are posting in our Facebook page is green.
01:01So, meaning, the green is good.
01:04Sabi pa ni Sanez na patuloy silang magsasagawa ng mga pagsusuri hanggang hindi binababa ng T-box ang alert level ng Mayon.
01:11Rest assured that the four stations around the circumference of Mayon volcano in Ligaspi, in Ligaw, in Tabako, and in Daraga,
01:21we are continuously monitoring it 24 hours a day and daily.
01:27Bukod dyan, sinusuri rin ang kalidad ng tubig sa ilang ilog linggo-linggo para sa mga posibleng solid phosphate at mabibigat na metal
01:36tulad ng lead at cadium na maaaring idulot ng lava flow o ashfall.
01:40Kabilang sa mga binabantayan ng biuro ang mga ilog ng basud, San Vicente, Nasisi, at Yawa bukod sa iba pa.
01:47Samantala, iginiit naman ang Department of Social Welfare and Development sa Bicol na hindi na kailangan magpakita pa ng mga identification card
01:56para makatanggap ng tulong ang mga evacuies na apektado sa pag-aalboroto ng Mayon.
02:01Sa isang social media advisory, sinabi ni DSWD Bicol Director Norman Lauryo na ang Family Access Card in Emergencies and Disasters o FACED form lamang
02:12ang kailangan para sa mga pamilya na makatanggap ng mga relief items tulad ng family food packs, hygiene kits at kitchen kits.
02:20Ang FACED form ay ginagamit para iprofile ang mga apektadong pamilya, bumuo ng data na pinaghihiwalay sa kasarian at edad,
02:28subaybayan ang ibinigay na tulong at tiyakin ang tumpak na pag-uulat sa Disaster Response Operation Monitoring at Information Center.
02:37Nakatutulong din itong maiwasan ang pagdoble ng pamamahagi ng tulong.
02:41Sinabi ni Lauryo na ang mga ID na ibinibigay ng gobyerno ay kinakailangan lamang para sa mga programa ng tulong pinansyal,
02:48kabilang ang Emergency Cash Transfer, Assistance to Individuals in Crisis Situation at Cash for Work,
02:55bilang bahagi ng Standard Verification Procedures para matiyak ang tamang pagkakakilanlan na mga binipisyaryo.
03:02Ang 59 anyos na si Shirley Bo, isa sa mga evacuies mula sa barangay Kalbayog, Malilipot Albay,
03:08nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa maagap at mas pinadaling tulong ng gobyerno.
03:14Maraming salamit po, napakarami po nito. Malaking tulong na po ito sa amin.
03:17Sa kasalukuyan, nasa halos 8 milyon na ng tulong ng gobyerno ang ipinaabot sa mga apektadong pamilya,
03:24kabilang ang 5,538 family food packs, 1,003 ready-to-eat food packs, 1,127 hygiene kits at 1,127 sleeping kits.
03:36Mula rito sa Albay, para sa Integrated State Media, Honig Kalipay ng Philippine News Agency.
Be the first to comment