00:00Nakumpiskan ang mga otoridad ng higit 12 milyong pisong halaga ng mga refurbished laptops at mobile phones sa isang joint operation sa Subic Bay, Freeport Zone.
00:11Sa naturang operasyon, limang individual ang naaresto at patuloy naman ang pagtugis sa Chinese National na sinasabing may-ari ng pasilidad.
00:20Ayon sa PNP, ang mga suspect ay iligal na nagbebenta ng refurbished laptops na hindi lang isang uri ng pag-iwas sa pagbabayad ng buwis kundi banta rin sa mga lehitimong lokal na negosyo.
00:34Batay sa imbestigasyon, walang legal approval mula sa National Telecommunications Commission ang naturang grupo para magbenta ng mga electronic devices sa bansa.
00:44Mahaharap ang mga suspect sa mga reklamong paglabag sa Consumer Act of the Philippines, Unfair Competition at Ecological Solid Waste Management Act.
Comments