00:00Mag-asawang may hawak na posisyon sa New People's Army sa Bico Region sumuko sa mga otoridad kasama ng ilang mga armas.
00:08Iba pang ang miyembro ng grupo inaasahang tatalikod na rin sa ilang taon ng pakikibaka laban sa gobyerno.
00:15Si Connie Calipay ng Philippine News Agency sa Sentro ng Balita.
00:21Nagbalik loob ang mag-asawang rebelde na kinilalang si Napots at ang kanyang asawa na gumagamit ng mga alias na Luis, Harali at Sab.
00:30Ayon sa report ni 9th Infantry Division Spokesperson, Major Frank Roldan,
00:34nagsilbi silang kalihim at instruktor sa politika para sa isang prenteng gerilya na nag-ooperate sa ilang mahagi ng Kamarines Norte at Kamarines Sur.
00:43Sumuko ang mag-asawa sa 42nd Infantry Batalyon noong Martes at isinuko ang isang 30-caliber rifle at isang 60-caliber machine gun na may mga bala.
00:53Sinabi ni Roldan na sinabi ng mag-asawa sa mga opisyal ng hukbo na tinalikuran na nila ang armadong pakikibaka para itaguyod ang isang mapayapang buhay para sa kanilang pamilya.
01:06Nabanggit niya na labing walong rebelde, taga-suporta at pinuno na ng NPA ang sumuko sa rehyon simula noong Enero.
01:13Sinabi ni Major General Aldwin Almase, commander ng 9th Infantry Division sa isang pahayag na ang pagsuko ay inaasahang maghihikayat ng karagdagang mga pagtalikod lalo na mula sa mga nasa ilalim ng dating pamunguno ng mag-asawa.
01:28Nasaksihan natin ang patuloy na pagkagapi ng ating mga kalaban dito sa rehyon ng Kabikulan.
01:35Hindi naman lingid sa kalaman ng lahat na patuloy ang pagbabalik loob ng napakaraming mga armadong grupo dito sa rehyon ng Kabikulan.
01:45At yun ay mga mataasang katungkulan hanggang sa kanilang mga membro na armado at mga taga-suporta.
01:52Ania pa ng opisyal, simbolo ng pagtitiwala sa pamahalaan ang pagsuko ng mga rebelde.
01:58Magandang senyales ito ng unti-unting pagtatamo ng katahimikan ng bansa.
02:02At ito ay indikasyon lamang ng patuloy na tagumpay ng ating pamahalaan at ng ating pamayanan laban sa terorismo dito sa rehyon.
02:11Mula rito sa Albay para sa Integrated State Media, Konika Lipay ng Philippine News Agency.