Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Arrestado po ang isang lalaking Palestino na sangkot sa iba't ibang insidente ng pagnanakaw sa Metro Manila.
00:06Nahuli po siya kasunod ng kanyang panluloob sa isang hostel sa Mandaluyong.
00:11Balitang hatid ni Jomer Apresto.
00:15Tila may-ari ang foreign national na yan na nagpapaikot-ikot sa loob na isang saradong restaurant sa Taguigno on January 26, 2026.
00:24Pero ang dayuhan na isang Palestinian, magnanakaw pala.
00:28Ayon sa NCRPO, natangay noon ang 35-anyos na sospek ang nasa P50,000 na halaga ng mga gadget at cash ng restaurant.
00:37Makalipas ang halos dalawang linggo, nagnakaw naman ang dayuhan sa isang hostel sa Mandaluyong City at kinuha ang P5,000 na nasa kaha.
00:46Nataong nagsesurveillance sa lugar ang mga tauhan ng anti-carnapping section at regional intelligence division ng NCRPO.
00:52Narinig daw ng mga operatiba ang paghingi ng tulong na may-ari ng hostel kaya agad nilang hinabol ang sospek.
00:59Nakuha sa kanyang isang patalim at nabawi naman ang pera.
01:02Nang dalhin sa tanggapan ng NCRPO ang sospek, isang TNVS driver ang lumutang at inereklamo rin ang dayuhan.
01:08Binok siya itong ating Palestinian na ito at matapos na magpaikot-ikot at magpumbasa kung saan saan lugar ay hindi na siya binayaran.
01:182019 na dumating sa Pilipinas ang sospek at mula noon, nasangkot na umano siya sa mga insidente ng pagnanakaw sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.
01:26Parang lulong yata sa sugal itong ating Palestinian na ito.
01:31Talaga ginagawa niya ng habit yung pagnanakaw, pagkapos siya daw ay nauubusan ng pang tuskos sa kanyang pagsasugal.
01:40Ilang beses na rin daw siyang nakukulong pero nakakalaya rin dahil sa kakulangan umano ng ebidensya.
01:46Ang ibang kaso naman, hindi natutuloy dahil siya inaatras ng complainant.
01:50August 2024, nakuanan pa ng GMA Integrated News ang sospek na nagwala sa loob ng tanggapan ng Manila Police District.
01:58Inireklamo naman siya noon ang isang taxi driver dahil sa hindi niya pagbabayad ng 400 pesos na pamasahe.
02:04Mananatili sa custody ng NCRPO ang sospek habang inihahanda mga kaukulang reklamo laban sa kanya.
02:10Tumanggi naman magbigay ng pakayagandayuhang sospek.
02:13Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:20Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended