00:00Baja at landslide ang naitala sa ilang lugar sa Bicol Region dahil sa masamang panahon.
00:10Sa Viga, Catanduanes, may sinagip ng mga residenteng na trap sa Rumaragasang Baja.
00:16Ang maiinit o mainit na balita hatid ni E.J. Gomez.
00:22Gamit ang lubid at mga pampalutang, tulong-tulong na nerescue ng mga otoridad
00:27ang lalaking na trap sa kanyang bahay sa gitna ng pagragasan ng baha sa Viga, Catanduanes.
00:32Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office,
00:36hindi agad nakalikas ang residente dahil bigla ang tumaasang tubig sa barangay Asuncion.
00:42Tagumpay namang nahila mula sa baha ang residente at ngayon iligtas na.
00:46Tagumpay din na-rescue ang ilan pang stranded na mga residente sa iba pang barangay.
00:50Patuloy ang monitoring ng mga otoridad.
00:53Dahil naman sa pag-apaw ng tubig, bumigay ang dike sa barangay Sabangan sa Karamoran, Catanduanes.
01:00Nalubog din sa baha ang maraming bahay dahilan para lumikas ang maraming pamilya.
01:04Binahanaman ang ilang lugar sa barangay Kamburo dahil sa pag-apaw ng Hilakan River.
01:09Ang ilang pamilya, hindi na nagawang maisalba ang kanilang gamit.
01:13Sa bayan ng Bato, nagtulungan ang Philippine Coast Guard at MDRRMO para tanggalin ang makapal na putik at malalaking bato na humarang sa kalsada sa barangay Tilis.
01:23Apektado naman ang matinding pagbaha ang ilang bahagi ng barangay Sipi dahil sa pag-apaw ng Bato River.
01:30Ayon sa mga otoridad, possible namang kalsada roon at inaabisuhan ng mga motorista na mag-ingat sa paglusong sa baha.
01:38Sarado naman at hindi na madaanan ang kalsadang yan sa panganiban katanduanes dahil sa matinding baha.
01:44Pinayuhan ng mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.
01:48Nagsagawa na ng evacuation at rescue operations ang mga otoridad para sa mga residenteng stranded sa baha roon.
01:57Mudflow naman ang namerwisyo sa ilang kalsada sa bayan ng Baras.
02:01Sa muning National Road, stranded sa putika ng isang ambulansya at kinailangang hilahin gamit ang rescue vehicle.
02:08Naialis na sa lugar ang ambulansya. Ligtas din ang mga sakay nito.
02:12Kabi-kabilang landslide naman ang nangyari sa ilang kalsada sa bayan ng Bagamanok, dulot ng pag-ulan.
02:18Dahil dyan, limitado ang pwedeng dumaan sa ilang kalsada.
02:23Inabisuhan na ang mga motorista na mag-ingat sa biyahe.
02:26Nagsagawa ng forced evacuation sa ilang barangay doon dahil din sa baha.
02:31Isa na ang naiulat na nasawi sa pagbaha sa lalawigan ng Katanduanes habang mahigit isang libong residente na ang lumikas.
02:39Inanod ang bahay na yan dahil sa pagtaas ng tubig sa isang ilog sa Labo Camarines Norte.
02:45Ayon sa uploader ng video, walang tao sa loob ng nasabing bahay.
02:49Sa Basud naman, tulong-tulong na nereskyo ng mga residente ang isang binatilyo na natrap sa isang bahay matapos ang landslide na iligtas siya matapos ang halos isang oras.
03:01Abot-bindib na baharin ang naranasan sa ilang lugar doon dahil sa pagtaas ng tubig mula sa Basud River.
03:08Pinalikas na ang mga residente sa apektadong lugar.
03:11Tuloy-tuloy din ang rescue operations sa mga stranded.
03:14Hindi na rin madaanan ang Maharlika Highway doon dahil sa taas ng tubig.
03:19Ayon sa pag-asa, shearline ang nagdudulot ng pagulan sa maraming bahagi ng Camarines Norte at Katanduanes.
03:27EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments