00:00Binisita ni Public Works Secretary Vince Dizon ng ilang hospital sa Bicol.
00:04Mga proyekto kaugnay sa rehabilitasyon ng pagamutan, tiniyak na matatapos ayon sa plano.
00:10Ang iba pang detalhe sa report ni Connie Calipay ng Philippine News Agency.
00:16Malugod na tinanggap ng Direktor ng Bicol Regional Hospital and Medical Center,
00:21ang pangako ni Public Works Secretary Vince Dizon na ang isang 10-story building ng hospital sa Albay
00:26ay matatapos sa 2027 o unang bahagi ng 2028.
00:30Sinabi ni Dr. Eric Raymond Raburar noong biyernes na ang proyekto bahagi ng Legacy Hospital Initiative
00:36ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay magdaragdag ng 800 kama at mga espesyal na serbisyo na kasalukuyang kulang sa rehyon.
00:45Maganda ko, bumisita siya. Unfortunately, katabi ko rin naman si Secretary on that day, Secretary of Health po.
00:51Kaya natutuwa kami doon sa pagbisita niya. Alam niyo naman po, project nila yan eh.
00:56Ang kagandahan po noon is naibitaw nila na ma-assure na mapapabilis yung pagkatapos na itong building na ito
01:06para ma-turnover po at magamit namin kagad po. Yan po yung natutuwa kami doon sa pagbisita niya.
01:12Sinabi niya na ang mga bagong pasilidad ay magbibigay ng advanced care para sa cancer, cardiovascular disease, trauma at kidney transplant.
01:20Bukod sa iba pang mga espesyalidad, kaya hindi na kailangan maglakbay ang mga pasyentes sa Maynila.
01:25Sinuri ni Dizon ang lugar ng nakaraang linggo at binanggit na ang konstruksyon na nagsimula noong 2023 ay 36% ng kumpleto.
01:34Mas mababa sa inaasang 50%, gayonman tiniyak niyan na matatapos ang gusali ayon sa plano.
01:40Mula rito sa Albay para sa Integrated State Media.
01:43Conicalipay ng Philippine News Agency.
01:45Terima kasih.
Comments