00:00Mga ka-RSP, dahil po sa naranasan nating community lockdown at trauma sa COVID-19 pandemic,
00:13natural lamang na muling bumalik yung takot kapag may mga naririnig tayo ng mga bagong virus.
00:18At ngayon, lamang po ng balita itong tungkol sa Nipah virus na kasalakuyang may outbreak sa bansang India.
00:25Ayon po sa World Health Organization na WHO, ito po ay classified bilang high-risk pathogen.
00:31Ibig sabihin, mataas po ang fatality rate at wala pang specific tagamot o bako na laban dito.
00:36Kaya ngayong araw, pag-uusapan po natin ang virus na ito at kung gaano nga baka laki ang chance ito na maging pandemic.
00:41Makakasama po natin live via Zoom ang infectious disease specialist at si Dr. Maria Fe Cruz.
00:46Doc, magandang umaga po sa inyo.
00:48Morning, Doc.
00:49Hi, Paul. Good morning.
00:51Thank you for joining us, Diana at Audrey po ito.
00:53Alright, Doc, saan po ba nagmula ang Nipah virus?
00:57At paano po ito naiba doon po sa COVID-19?
01:02So, ang Nipah virus po ay unang nadetect noong 1998 po sa Malaysia.
01:07Ito ay mula po sa fruit bats na ito po ay ang natural reservoir po po ng virus natin.
01:13Nadetect din po ito taon-taon sa mga bansang Bangladesh at India.
01:17Sa Pilipinas naman po, una itong nadetect noong 2014 po sa may bandang Mindanao na nagkaroon po tayo ng konting outbreak nang dahil po sa pagkain ng hindi lutong karne po ng kabayo po.
01:30Sa pagkakaiba naman po, ang COVID po ay galing sa pamilya ng coronaviruses, samantalang ang Nipah virus naman po ay galing po sa pamilya ng henipah viruses po.
01:43Ang Nipah virus po ay mataas po ang fatality rate o mas nakakamatay pero mabihira ang transmission.
01:51Hindi po katulad ng COVID na mabilis ang transmission pero mas hindi po nakakamatay o mababa po ang fatality rate.
01:58Well, Doc, sinabi nyo, bihira po yung transmission ito.
02:04Posible po ba yung human-to-human transmission?
02:07Paano po ito may tatransmit o paano po ito nakakahawa ng tao?
02:13Yes, sir. Posible po ang human-to-human transmission natin.
02:18Posible po ito sa direct contact po, glaway sa dugo po natin o mga respiratory secretions.
02:25Mas prone po dito yung mga tao po na nagbabantay po sa mga may sakit ng Nipah viruses po.
02:32Lalo na po kung hindi nag-wear ng tamang mask o mga PPEs po natin.
02:37Kapag po bang isang tao ay nagkaroon na po nitong Nipah virus, ano po ba yung organ na ina-atake po nito, Doc?
02:44Ang Nipah virus po ay isang neurotropic virus.
02:50Ang ibig sabihin po nito, may affinity po ito sa ating brain.
02:54Nagiging sanhi po ito ng mga tinatawag nating seizures o yung mga pangingisay
03:00or mga encephalitis, meningitis, pamamaga po ng brain which can lead po to comatose po.
03:06Kaya po mas nakakamatay po siya.
03:09Pwede rin po ito pumunta sa ating lungs na nagkakospo ng mga severe pneumonia o mga respiratory distress.
03:15Well, Doktora, ano po ba yung mga sintomas ng Nipah virus na dapat bantayan ng publiko?
03:24Okay po.
03:25Ang mga sintomas po natin ay katulad ng mga nararamdaman po usually
03:29o yung mga influenza-like symptoms, ito po ay ang pag-uubo, lagnat po, pananakit ng ulo, mga sore throat po.
03:37Pero dahil nga po, ang ating Nipah virus po ay may affinity sa ating brain,
03:42ito po ay mahirap gamutin.
03:44Kaya rin po ito, pag pumasok sa ating utak,
03:48nakaharoon po tayo ng mga encephalitis, meningitis o yung nga pong pamamaga ng brain
03:53which leads to comatose at pagkamatay po.
03:55Well, nabanggit mo, Doktora, na ito ay mas nakamamatay pero lesser transmission than COVID.
04:02But then again, with that, nakakahawa pa rin ito.
04:05May posibilidad ba na kumalat ito tulad ng COVID-19?
04:10Posible naman po na ito ay kumalat katulad ng ating COVID-19
04:14pero hindi ganun kabilis po.
04:16Tandaan po natin, ang COVID po ay through respiratory secretions or droplet po natin.
04:22Samantalang po ang Nipah ay kailangan po ng close contact para po ma-transmit
04:28kaya po ang outbreak nito ay more localized po o mas localized po.
04:32Sakali pong kumalat po ito, gano'n po kahanda ang health facilities dito sa Pilipinas?
04:38Handa po ba tayo sa ganitong uri ng virus?
04:42Yes.
04:42Sa ngayon po, sa aking palagay po, is mas handa na tayo dahil may eksperyensya na po tayo ng COVID.
04:48Meron na po tayong mga isolation facilities, meron na rin po tayong maayos sa surveillance
04:53at contact tracing na nagawa po natin ng COVID na ipagpatupad po natin sa pamagitan ng DOH po.
05:01And meron na rin po tayong mga sapat na PPE na alam na natin gamitin
05:05at mga infection control trainings po.
05:08Alright. And with that, we thank you, Dr. Maria Fe Cruz,
05:11sa mga impormasyong ibinahagi po ninyo sa amin tungkol po dito sa Nipah virus.
05:15Thank you, Doc.
05:16Maraming salamat, Doktora.
05:17Keep it all up.
Comments