00:00The Department of Foreign Affairs
00:30At nakataas ang Crisis Alert Level 4 sa Gaza, Syria at Yemen.
00:35Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng mga Crisis Alert Levels?
00:39Inilalabas ang Alert Level 1 sa isang bansa kung mayroong internal disturbance o kapag mayroong external threat na limitado sa
00:46isang spesipikong lugar.
00:47Dito ay pinapayuhan ang ating mga kababayan na magingat at iwasan ang paglabas kung hindi naman kinakailangan.
00:54Para sa mga planong bumiyahe patungo sa bansang nakataas sa Alert Level 1 ay pinapayuhan rin na magingat at umiwas
01:00sa mga apektadong lugar.
01:02Nakataas naman ang Alert Level 2 sa isang bansa kung ang kaguluhan ay kumakalat na sa mga kalapit na lugar
01:08at kung umiigting na ang pag-atake mula sa labas ng bansa.
01:12Dito ay pinapayuhan ang mga kababayan natin na magtago at iwasan ang mga delikadong lugar.
01:17Inihimok rin ang mga nagpaplanong bumiyahe sa partikular na bansa na nakataas sa Alert Level 2 na doblehin ang pag
01:24-iingat dahil sa matinding banta sa siguridad.
01:27Kapag nakataas naman ang Alert Level 3 sa isang bansa ay dito na pinapayuhan ang ating mga kababayan na poluntaryong
01:34lumikas sa pamamagitan ng relokasyon o repatriation.
01:38Dito ay pinapayuhan rin na huwag na bumiyahe patungo sa bansang na sa Alert Level 3 dahil sa matinding banta
01:44sa siguridad at kaligtasan.
01:46At kapag nakataas na ang Alert Level 4 sa isang bansa, dito ay inihimok ang ating mga kababayan na lumikas
01:53at sumama sa repatriation efforts na ginagawa ng pamahalaan at bawal na ang pagbiyahe patungo sa bansang apektato.
02:00Dito ay ipinapatupad na ng ating embahada o konsulado ang kanilang contingency plan at nakikipag-ugnayan para sa evacuation at
02:08repatriation operations.
02:10Gabumil de Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments