Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umapaw ang mga ilog at nalubog sa baha ang maraming lugal sa Bicol Region dahil sa walang tigil na ulang dala ng shear line.
00:08Nakatutok si Darlene Kai.
00:16Walang bagyo pero halos umapaw na ang ilog na yan sa Labo Camarines Norte dahil sa walang tigil na ulan.
00:23Sa lakas ng ragasan ng tubig, inanod ang isang bahay.
00:30Pero ang mga inakalang tao sa loob, mga naiwang gamit pala.
00:40Sa isa pang video, makikita kung gaano kataas ang tubig sa Labo River.
00:50Nangamba naman ang mga residente sa bayan ng Basud dahil sa taas ng tubig sa Basud River.
00:54Natumba pa ang punong ito na kasamang tinatangay ng tubig.
00:57Halos umaabot sa bubong ang baha.
01:02Ganyan din kataas ang baha sa Barangay Tuwaka kaya inilikas ang mga residente.
01:08Umapaw naman ang Drenage Canal sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.
01:12Sa bayan ng Karamoran, tuluyang umapaw ang Hilakan River.
01:15Pinasok ng tubig ang mga bahay nakatabilang ng ilog.
01:18Sa Barangay Sabanga naman, mabilis na tumaas ang tubig.
01:21Natibag naman ang isang dike sa Barangay Tugli.
01:24Pinalilikas ng mga nakatira malapit sa nasinang dike.
01:27Baharin ang sumalubong sa mga residente sa bayan ng Panganiban.
01:30Agad na nagsagawa ng evacuation at rescue operations ang MDRRMO at BFP Panganiban.
01:36Sa bayan ng Bato, lubog sa baha ang ilang bahay sa Barangay Sipi dahil sa pag-apaw ng Bato River.
01:40Naramdaman din ang sama ng panahon sa Tagkawayan, Quezon.
01:47Umabot hanggang bewang ang baha.
01:49Pinasok ng tubig ang mga classroom sa eskwelahang ito.
01:52Ayon sa pag-asa, shear line ang nagdadala ng malalakas na ulan sa Southern Luzon at Bicol Region.
01:57Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended