Skip to playerSkip to main content
A two-day-old baby being sold online by his own mother for P30,000 was rescued in Angeles, Pampanga.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Two sanggol na ibinibenta sa pamamagitan ng social media
00:04ang nasagit ng mautoridad sa magkahiwalay ng operasyon sa Pampanga at Bulacan.
00:09Ang isa sa mga sanggol, dalawang araw pala.
00:12Saksi, Sivona Quino.
00:16Walang inaksayang panahon na maoperatiba ng PNP Women and Children Protection Center
00:21at City Social Welfare and Development Office.
00:24Ang kanilang misyon, sagipin ang dalawang araw na gulang na sanggol na lalaki sa tapat ng isang simbahan sa Angeles, Pampanga.
00:32Ayon sa PNPW CPC, tinangkang ibenta ang baby boy ng sariling ina gamit ang social media sa halagang 30,000 pesos.
00:41Ang alok, kunwaring kinagat ng kulis na nagpanggap na buyer.
00:45At nang iaabot na ang sanggol, agad siyang nirescue.
00:48Yun ang nakakalungkot kasi as it appears, para lang siyang commodity na ino-offer.
00:53So, very crucial na pag nakapag-engage kami nito, dapat mabilisan.
00:59Kasi paano akong mapunta sa maling kamay itong mga batang ito?
01:03Inaresto naman ang ina ng sanggol at nasa kustodiyan na ng mga pulis.
01:07Katwira ng ina ng bata.
01:09Hindi niya planado ang pagbubuntis at gagamitin daw sana ang pera para ipagamot ng isa pang anak na may karamdaman.
01:16Bakit mawag sila?
01:17Sa isang fast food branch naman sa Baliwag, Bulacan, sinagip ng PNP WCPC at City Social Welfare Office ang tatlong buwang gulang na sanggol na babae.
01:28Ayon sa WCPC, tinangkaring ibenta ng kanyang ina ang sanggol sa halagang 130,000 pesos gamit din ng social media.
01:37Bukod sa ina, inaresto rin ang lola at iyahin ng sanggol.
01:41Allegedly, ito yung pampiyansa doon sa tatay ng sanggol dahil nakakulong and then pampaggamot o pampaopera ng lolo ng sanggol.
01:52Kaya medyo malaki yung demand money nila.
01:54Limang bata na ang nare-rescue sa pagbibenta online ngayong wala pang dalawang buwan ng 2026.
02:00Kapantay na yan ang lahat ng sinagip sa buong taon ng 2024.
02:03Dahil lumano sa talamak na bentahan ng sanggol online, isinama na ng PNP WCPC sa kanilang advokasya
02:10ang pagpapalaganap ng impormasyon sa mga komunidad kaugnay sa tamang proseso ng pag-aampo ng bata.
02:17Maharap ang mga inaresto sa mga reklamong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022,
02:23Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at Cybercrime Prevention Act of 2012.
02:31It-turn over naman ang mga sanggol sa National Authority for Child Care, isang attached agency ng DSWD.
02:38Kami po ay masusing mag-iimbestiga, manguhuli at magkakasok sa mga taong nagbibenta ng sanggol o ng bata na ginagawang kalakal ang mga ito.
02:49Tandaan po natin, ang bawat sanggol, buhay yan. Hindi po siya pareho ng isang bagay o isang hayop na pwedeng ibenta.
02:58Para sa GMA Integrated News, Bon Aquino ang inyong saksi!
Comments

Recommended