Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umakyat sa 151 patay sa malagim na sunog sa residential complex sa Hong Kong.
00:08At kabilang sa nasawi ang isang Pilipino na ayon sa kanyang pamilya,
00:12ay may plano pa sana umuwi ngayong Desyembre para makatiling ang kanyang 10 taong gulang na anak at insaksihan.
00:22Umabot ng mahigit isang kilometro ang pila ng mga nag-aalay ng bulaklak
00:27para sa mga biktima ng malagim na sunog sa pitong tore ng Wang Fook Court residential complex sa Hong Kong.
00:33Kanya-kanyang dala ng mga bulaklak, stuffed toy at maging pet food ang mga nakiramay.
00:38Marami ang umaasang magkakaroon ng hustisya para sa 151 nasawi sa trahedya.
00:44Ilan sa nasawi natagpuan sa mga hagdanan at sa mga bubong.
00:48May git-apat na pong individual ang nawawala pa rin.
00:51Sa gitna ng investigasyon sa pinakamalalang sunog sa Hong Kong,
00:54sa loob ng halos 80 taon, labing tatlo na ang inaresto para sa manslaughter.
01:00Iniimbestigahan pa ang sanhinang sunog,
01:02pero kabilang sa silusuri ang mga materyales na nakadagdag umano sa mabilis na pagkalat ng apoy,
01:08gaya ng mesh na ibinalot sa bamboo scaffolding na diraw akma sa standard,
01:13gayon din ang foam insulation na ginamit ng mga kontraktor at ang pumalyaumanong fire alarms.
01:18Ayon sa kanilang labor department, may mga residente nang naglabas ng agam-agam noong September 2024
01:24na madaling magliyab ang mesh na ginamit ng mga kontraktor,
01:28pero sinabihan umano sila ng mga otoridad na mababa ang tsansa ng sunog sa lugar.
01:33Sa gitna ng trahedya, umusbong din ang kabayanihan.
01:36Hinahangaan ngayon ang pagsagip ng OFW na si Rodora Alcaraz.
01:40Sa tatlong buwang gulang na anak ng kanyang employer, ginagamot pa rin si Rodora sa ospital.
01:45It's so like her to put her life on the line for someone else.
01:50Kasi talagang very caring talaga siya.
01:53When you're in that time din, yung desperation mo, syempre gusto mong mabuhay, you're in survival mode.
01:58Pero the fact na hindi niya binitawan yung, like hawak niya yung bata, eh hindi niya naman anak yun.
02:05So, I commend her. I'm so proud of her.
02:10Ayon sa Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong, 80 siyam na Pilipino ang nakaligtas sa insidente.
02:17Bugod sa relief goods, magbibigay ang Konsulado ng Counseling at tutulungan ng mga OFW na nasunugan ng papeles.
02:24Magbibigay rin ng cash na ayuda ang DMW at ang OWA.
02:28Ayon pa sa Konsulado, dalawang Pilipino ang bineberipika kung ano ang lagay.
02:32Isa ang nasawi ang 40 taong gulang na si Mary Ann Esteban na tubong Jones Isabela.
02:38Natuntun ng GMA Integrated News ang kanyang pamilya sa Jones.
02:43Sampung taon daw nagtrabaho sa Lebanon si Mary Ann, bago lumipat ng Hong Kong, kung saan mag-aapat na taon naman siyang nag-OFW.
02:50Uuwi sana sa December 16 si Mary Ann para makasama ang pamilya sa Jones.
02:55At kunin ang kanyang sampung taong gulang na anak na nasa Rizal.
02:58Kaarawan ng ama ni Mary Ann na si Jaime, pero hindi sila makapaghanda dahil sa nangyari.
03:17Mas mabilis kong mga mayawit at ibang payment ko.
03:21Pag nakita na meet ka rin, ay baka umabot ito.
03:25Inang 3 weeks, inang ko na nga.
03:27Nagpabot na ng tulong ang OWA at DMW sa anak ni Mary Ann sa kainta.
03:31Pagtitiyak ng dalawang ahensya, maiuuwi agad sa Pilipinas ang labi ng OFW.
03:36Makatatanggap din ang kanyang anak ng tulong pang edukasyon hanggang sa kolehyo.
03:40Ayon sa OWA, hinikayat din ang bata na magtapos ng pag-aaral, gaya ng gusto ng kanyang ina.
03:46Nang tanungin kung anong gusto niyang maging sa kanyang paglaki,
03:49ang sagot ng bata, bumbero, para wala nang mamatay sa sunog.
03:54Para sa GMA Integrated News, ako po si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
Comments

Recommended