00:00I-dinetalyo ni Sen. President Tito Soto ang dalawang posibeng dahilan kung bakit nagkaroon ng banta sa kanyang liderato.
00:08Saksi, si Ian Cruz!
00:13Matapos umugong ang umanoy kudita sa liderato ng Senado kung saan papalitan umano ni Sen. Lauren Ligarda, si Sen. President Tito Soto,
00:22dalawang nakikita ni Soto na dahilan kung bakit nagkaroon ng banta sa kanyang Sen. Presidency.
00:28Una, ang pagtanggal kay Sen. Aimee Marcos bilang pinuno ng Senate Committee on Foreign Relations.
00:58Nauna ng sinabi ni Soto na kaya tinanggal si Marcos bilang chairperson ng komite ay dahil napagkasundoan ng mayorya na dapat pamunuan ito na mga taga-majority rin bilang isang major committee.
01:13Isa si Marcos at siyam na senador sa minority block.
01:17Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Marcos na walang kinalaman ang Senate Foreign Relations Committee sa anumang nangyayari sa Senado.
01:26Ni hindi raw na-refer sa komite ang resolusyong ipinagtatanggol si PCG spokesman for the West Philippine Sea, Commodore J. Tariela.
01:36Kamakailan, labing limang senador ang pumirma sa resolusyon para kundinahin ang mga pahayag ng ilang opisyal ng Chinese Embassy laban sa mga opisyal ng Pilipinas
01:45na bumabatiko sa mga ginagawa ng China sa West Philippine Sea.
01:50Hindi kasama sa pumirma si Senadora Marcos.
01:54Sahalip, naghain siya ng resolusyon na nananawagan sa mga government official na huwag magpadalos-dalos sa mga pahayag tungkol sa foreign affairs.
02:04Si Senador Erwin Tulfo ang bagong chairman ng Committee on Foreign Relations.
02:10Ang inialok na komite kay Marcos, ang Committee on Constitutional Amendments kapalit ni Senador Kiko Pangilinan.
02:18Pero tinanggihan daw ito ni Marcos.
02:21Ang ikalawang dahilan na nakikita ni Soto para sa umugong na kudita ay ang lumabas na draft report ng Senate Blue Ribbon Committee
02:29na nag-recommend ng kasuhan si na Minority Senators Chis Escudero, Chingo Estrada at Joel Villanueva kognis sa flood control scandal.
02:39Nasindak tuloy ng iba doon na akala accurate na yun.
02:43Siguro that's the other reason.
02:46Maliwanag yun. Maliwanag yung sinabing walang problema sa amin.
02:50Ang nabanggit is bakit ganun ang kato ng Blue Ribbon Report na hindi pa nga naman, hindi pa naman final o hindi pa official.
03:03Kaya sinabi ko lang, hindi, unofficial yun.
03:07At saka wala pa yun.
03:08Itinanggi rin ni Soto na may power sharing o term sharing sa pagitan nila ni Ligarta.
03:14There's no such thing na ganun ang pinag-usapan namin.
03:17Ang pinag-usapan namin was a plan, an idea.
03:21It was an idea na bakit nga hindi gawin natin first Lady Senate President si Loren.
03:28Sige, at the proper, siguro sa tamang panahon, anong ganun yung usapan.
03:34Sabi ko naman, no problem with me.
03:35Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
03:41Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:44Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments