Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Isinailalim na sa iba't ibang crisis alert level ang mga apektadong lugar na apektado ng tensyon sa Middle East | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng nangyayaring kaguluhan ngayon sa Middle East is nailalim sa iba't ibang crisis alert level ang mga apektadong
00:07lugar.
00:08Anong ibig sabihin ng mga alert level na ito? Yan ang ulat ni Gav Villegas.
00:14Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs sa ating mga embahada at konsulado
00:20sa gitna silangan para alamin ang kalagayan ng ating mga kababayan sa regyon.
00:24Sa kabila nito, hindi pa rin nagbabago ang crisis alert level sa ilang bansa sa Middle East.
00:30Sa ngayon, naranatili pa rin sa crisis alert level 1 sa Jordan.
00:34Habang nakataas naman ang crisis alert level 3 sa Iraq at Lebanon
00:43at nakataas ang crisis alert level 4 sa Gaza, Syria at Yemen.
00:47Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng mga crisis alert levels?
00:52Inilalabas ang alert level 1 sa isang bansa kung mayroong internal disturbance
00:56o kapag mayroong external threat na limitado sa isang espesipikong lugar.
01:00Dito ay pinapayuhan ang ating mga kababayan na mag-ingat at iwasan ang paglabas
01:05kung hindi naman kinakailangan.
01:07Para sa mga planong bumiyahe patungo sa bansang nakataas alert level 1
01:11ay pinapayuhan rin na mag-ingat at umiwas sa mga apektadong lugar.
01:15Nakataas naman ang alert level 2 sa isang bansa
01:18kung ang kaguluhan ay kumakalat na sa mga kalapit na lugar
01:21at kung umiigting na ang pag-atake mula sa labas ng bansa.
01:25Dito ay pinapakababayan natin na magtago at iwasan ang mga delikadong lugar.
01:30Iniimok rin ang mga nagpaplanong bumiyahe sa partikular na bansa
01:33na nakataas sa alert level 2 na doblehin ang pag-ingat dahil sa matinding banta sa siguridad.
01:39Kapag nakataas naman ang alert level 3 sa isang bansa
01:42ay dito na pinapayuhan ang ating mga kababayan na voluntaryong lumikas
01:47sa pamamagitan ng relokasyon o repatriation.
01:50Dito ay pinapayuhan rin na huwag na bumiyahe patungo sa bansang nasa alert level 3
01:55dahil sa matinding banta sa siguridad at kaligtasan.
01:58At kapag nakataas na ang alert level 4 sa isang bansa
02:02dito ay inihimok ang ating mga kababayan na lumikas at sumama sa repatriation efforts
02:07na ginagawa ng pamahalaan at bawal na ang pagbiyahe patungo sa bansang apektado.
02:12Dito ay ipinapatupad na ng ating embahada o konsulado
02:16ang kanilang contingency plan at nakikipag-ugnayan para sa evacuation and repatriation operations.
02:22Gabo Mil de Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Kaipinas.
Comments

Recommended