Skip to playerSkip to main content
EXCLUSIVE: Doble-ingat sa mga binibiling mumurahing gadget at baka galing ‘yan sa sinalakay na bodega sa Olongapo.


Bistado ang operasyon ng limang Tsino roon kung saan inaayos ang mga reject at sira-sirang gadget galing China para pagmukhaing bago.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, doble ingat sa mga binibiling mumurahing gadget at makagaling yan sa sinalakay na butega sa Olongapo.
00:07Bistado ang operasyon ng limang chino roon kung saan inaayos ang mga reject at sira silang gadget galing China para pagmukhaing bago.
00:16Tunghayan sa aking eksklusibong pagkupo.
00:22Pangkaraniwang warehouse kung titignan ito mula sa labas.
00:26Pero ang butegang ito na nasa loob ng Subic Bay, Freeport Zone sa Olongapo City, inbakam pala ng reject o pinaglumaan na gadgets mula China.
00:39Kasama ang mga taga-National Telecommunications Commission, nireid ng PNPCIDG ang warehouse na namonitor daw nilang nag-ooperate October 2025 pa.
00:49Bukod sa walang kaukolang mga permit, ito rin ang tindahan o pinanggagalingan ng mga ibinibentang substandard na gadgets kung saan saan.
00:58Nakakuha po tayo ng mga sarisaring laptop, refurbished laptop at assorted cellphone na nagkakahalaga ng P12,195,000.
01:11Ito ay galing sa China.
01:13Mabibili lang yung mga tablet na ito sa halagang 2,000 mga refurbished laptops at mobile phones na ito sa halagang 2,000 hanggang 5,000 pesos.
01:26Ang nasa likod ng operasyon, puro dayuhan.
01:29May nahuli tayong limang Chinese national.
01:33Sila po yung mga nagmamayari, yung manager, supervisor at isang Filipino.
01:43Kung saan, siya naman po sa rin yung nag-as translator ng mga Chinese na ito.
01:52Magka-coordinate din po kami sa Bureau of Immigration para alamin kung ito bang mga Chinese national na ito ay may mga kaukolang papeles.
02:03Ayon sa CIDG, isa-isang binubuo ang mga silang gadgets dito.
02:07Sinasalpakan at pinapalitan ng kung ano-anong pyesa kaya garantisado na kamura nga ang tatangkilik, hindi naman nakatitiyak sa kalidad.
02:15Wala silang permit galing sa NTC, ibig sabihin unang-una hindi silang nagbabayad ng tax.
02:23Pangalawa, pag bumili tayo ng mga ganitong laptop at mga cellphone, wala itong warranty.
02:29So kung masisira, kahit nakamura nga tayo, hindi naman natin sigurado yung kalidad.
02:39Ang mga suspect na sinisikap pa naming makuna ng panig, kakasuhan ng paglabag sa Consumer Act of the Philippines,
02:45Unfair Competition Act at Ecological Solid Waste Management Act.
02:51Para sa JMA Integrated News, Emil Sumangil Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended