00:00Taman sa'yo naman natin ang sitwasyon sa Cebu na naghahanda na rin po sa posibleng epekto ng Bagyong Basyang.
00:07At may ulot on the spot si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
00:11Nico?
00:14Connie, nasa ilalim pa rin ng Storm Signal No. 1 itong buong Cebu province,
00:19kabilang na itong kinatatayuan natin sa Southern Cebu sa bayan ng Santander.
00:24Stranded ngayon sa pantala ng Southern Cebu ang maraming mga pasahero at rolling cargos.
00:30Papuntang Dipolog City at Napitan City ang biyahe ng ilang mga barko dito.
00:35Magdadalawang gabi na nang hindi nakabiyahe ang mga barko,
00:38bunsod ng pagpapasailalim ng Cebu sa Tropical Cyclone Wind Signal.
00:43Sa mainit port sa bayan ng Oslob, nagpalipas ng oras ang mga driver at pahinante dahil hindi sila makabiyahe.
00:49Kung karamihan sa mga truck ay wala ng laman at mga banyera na lang ang naiwan,
00:54may isang truck na may kargang dressed chicken ang sinigurong operational,
00:59ang refrigerated van para hindi masira ang laman nito.
01:03Dito naman sa Liloan Port sa bayan ng Santander, maraming sasakyan at pasahero rin ang stranded sa ngayon.
01:09Ang biyahe dito, papuntang Negros Oriental.
01:12Samantala sa bayan naman ng Bolhoon, ginamit ng MDRMO personnel ang kanilang public address system
01:19para maipaabot ang weather advisory at abiso sa mga residente hinggil sa banta ng Bagyong Basyang.
01:27Mula kagabi, nararanasan sa malaking bahagi ng Cebu ang pagulan.
01:31May ilang lugar na magdamagan ang ulan.
01:34Sa barangay Sangat sa bayan ng San Fernando naman, may bahagi ng highway na binaha pero nadadaanan naman ng sasakyan.
01:43Connie, balik dito sa Liloan Port sa bayan ng Santander.
01:46Kahit may bagyo, patuloy ang pagdating ng mga pasahero na papunta sa anang bayan ng Cebulan
01:51at Dumaguete City sa Negros Oriental, itong isla na tanaw sa aking likuran.
01:57Pero wala pa rin biyahe dahil nakataas pa rin ang cyclone signal dito sa Cebu maging sa Negros Island region.
02:04Patuloy rin sa ngayon ang pag-uulan pero hindi naman ganoon kalakas.
02:09Connie?
02:09Maraming salamat, Nico Sereno.
Comments