00:00Sa iba pang balita, nakatakdang tumanggap ng parangal bilang Executive of the Year
00:04si Philippine Sports Commission o PSC Chairperson John Patrick Gregorio
00:09sa gaganaping Philippine Sports Writers Association o PSA Awards Night sa February 16
00:15sa isang hotel sa Maynila.
00:18Kasabay ni Gregorio, paparangalan din si na Filipino Gendas Carlos Lulo
00:22at tennis star Alexandra Ayala bilang Male and Female Athletes of the Year.
00:27Simula ng maitalaga si Gregorio bilang PSC Chief,
00:31noong bulyon ng nakaraang taon, marami na ang naipatupad na reporma sa ahensya.
00:36Ilan dito ang pagtaas ng 5,000 pisong allowance kada buwan
00:40ng mga national athletes at coaches
00:42at ang pagbubukas ng mga track oval sa Rizal Memorial Complex,
00:46Phil Sports at Teachers Camp sa Baguio para sa publiko.
00:50Nakapagsuporta rin ang PSC sa pag-host ng malaking international tournaments
00:55tulad ang FIVB Men's Volleyball World Championship,
00:58FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships,
01:02at FIFA Futsal Women's World Cup.
01:05Sa pamumuno ni Gregorio, sumailalim sa malaking renovasyon
01:08ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila,
01:11kabilang ang tennis center, baseball field, media conference room,
01:16Phil Sports Track Oval at mga training facilities sa Baguio.
01:19Bilang dating POC Secretary General, pinanatili niya ang maayos na ugnayan ng PSC
01:26at ang Philippine Olympic Committee habang pinalalakas ang grassroots sports development
01:30sa labas ng Nacho Manila.
01:32Si Gregorio ay isang dating PBA chairman,
01:35pangulo ng Philippine Rowing Association,
01:37at pinuno ng National Sports Tourism Interagency Committee
01:40na nangasiwa sa pagdaraos ng kauna-unahag WTA 125 events sa bansa
01:46na Philippine Women's Open.
01:49Kilala rin si Gregorio bilang isa sa 10 outstanding young men noong 2003
01:53para sa tourism management,
01:56unang executive director ng Samahang Basketball ng Pilipinas o SBP,
02:00secretary general ng Association of Boxing Alliances in the Philippines o ABAP,
02:05at executive vice president ng MVP Sports Foundation.
Comments