Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong February 6, 2026
- Malakas na ulan, hangin, at alon, naranasan sa Tagbilaran City dahil sa Bagyong Basyang | Ilang pamilya sa landslide-prone areas, pinalikas | PCG: Hindi bababa sa 632, stranded sa Cebu dahil sa mga kanseladong biyahe | Blue Alert status, itinaas sa ilang bayan bilang paghahanda sa Bagyong Basyang
- PPA: Mahigit 1,500 biyahero, stranded sa iba't ibang pantalan dahil sa Bagyong Basyang
- Sen. Zubiri: Sen. Legarda, posibleng maupo bilang Senate President kapag lumipat na ang Senado sa bagong building | Sen. Lacson: Bigo ang Senate Minority na makakuha ng sapat na numero kaya hindi natuloy ang pagpalit ng Senate President | Sen. Legarda, wala raw ideya tungkol sa usap-usapang "power sharing" | Sen. Lacson: Posibleng may kinalaman sa tangkang kudeta sa Senado ang nag-leak na draft report ng Blue Ribbon Committee
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:001.
00:302.
00:313.
00:32Mula kagabi hanggang kaninang madaling araw, walang tigil ang ulan sa Tagbilaran City sa Bohol dahil sa Bagyong Basyang.
00:42Kahapon pa lang makulimlim na ang langit sa lungsod.
00:49Malakas na rin ang alon at hangin kaya wala na making isdang pumalaot.
00:53Iniangat din nila ang kanilang mga bangka para hindi mapinsala.
00:56Itinabi muna ang traffic barrier sa Carlos P. Garcia Avenue para hindi liparin ang hangin.
01:06Itinupiri ng ilang billboard para hindi masira.
01:11Sa bayan ng Kandihay, sapilit ng pinalikas ang ilang pamilya nakatira sa landslide prone areas.
01:17Binigyan sila ng pagkain at tubig ng lokal na pamahalaan habang nananatili sa evacuation center.
01:23Sa Cebu City, kansilado ang mga biyaheng pandagat bilang pag-iingat sa Bagyong Basyang.
01:28Sa tala ng Philippine Coast Guard sa Cebu, mahigit anim na rang pasahero ang stranded.
01:32Ang iba, sa gym muna nagpalipas ng gabi.
01:36Meron ding iba na naglatag ng folding bed malapit sa pier.
01:39Sa Mandawi City, nag-empake at nag-akyat na ng gamit ang isang residente.
01:47Naranasan daw kasi nila ang hagupit ng Bagyong Tino nitong Nobyembre at nangangamba ngayon sa efekto ng Bagyong Basyang.
01:53Maula na rin sa Esperanza Agusan del Norte, nakataas ang Blue Alert status bilang paghahanda sa Bagyong Basyang.
02:10Sa ilalim ng Blue Alert, magdamagang nakamonitor ang mga otoridad sa sitwasyon sa bayan.
02:15Inihanda ang mga rescue boats at emergency vehicles.
02:18At mas pinaigting ang koordinasyon ng iba't ibang ahensya.
02:21Nasa Blue Alert status din ang tubay Agusan del Norte kasama sa kanilang paghahanda ang maagang papapalika sa ilang residente.
02:28Ito ang unang balita, Bama Lagre, para sa GMA Integrated News.
02:32Dahil sa Bagyong Basyang, mahigit 1,500 biyahero na ang stranded sa iba't ibang pantalan sa bansa.
02:39Base sa tala kagabi ng Philippine Force Authority, mahigit 600 ang stranded sa Negros Occidental
02:45at mahigit 200 sa Misamis Occidental o Samis Area.
02:49Mayroon naman mahigitig isandang stranded na pasahero sa mga pantalan sa Misamis Oriental, Cagayan de Oro, Panay-Gimaras at Negros Oriental, Siquijor area.
02:58Apat naman ang stranded sa masbate.
03:00Muling paalala ng PPA, makipag-ugnayan muna sa mga shipping line bago pumunta sa pantalan para maiwasan ang anumang abala.
03:08Naniniwala si Senate President Potemporary Ping Lakson na posibleng konektado sa tangkang kudita sa Senado
03:15ang nag-leak na draft report ng Blue Ribbon Committee kung saan pinakakasuan ng ilang miyembro ng minorya.
03:22Gitni Lakson, matatag ang Senate majority at balak nilang paupuin si Senadora Loren Legarra bilang Senate President sa pamamagitan ng power sharing.
03:31May unang balita si Ian Cruz.
03:33Matatag, nagkakaisa at di natitinag na Senate Majority.
03:42Yan ang caption ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri nang ipost ang larawang ito sa ex.
03:49Kuhayan pagkatapos ng sesyon ng Senado kung saan ang umupo sa upuan ng Senate President ay si Senadora Loren Legarda
03:58imbes na si Senate President Tito Soto. Kinumpirma ni Soto na may planong paupuin si Legarda bilang Senate President bago matapos ang 20th Congress.
04:08Idinitalya naman ni Zubiri ang napag-usapan nila noong magpulong sila sa Senate Lounge.
04:15When we were discussing inside the lounge, I made a joke na sabi ko, baka pwede naman end term ni Sen. Soto.
04:24So, pwedeng siya din ang maging Senate President, the first woman Senate President.
04:29And he gladly agreed and he said, yes, why not?
04:32Better that way so that the majority remains solid, solidly behind each other.
04:37Sabi ni Zubiri, baka mangyari ang pagpapalit ng Senate President kapag nakalipat na sila sa new Senate Building.
04:44Maging si Zubiri raw ay magpaparaya para maupo naman si Sen. JV Ejercito bilang bagong majority leader.
04:53We're looking at possibly after the transfer to the new building.
04:58I think late 2027 nilipat na tayo sa bagong building.
05:01After which, of course, before the 2028 elections, of course, the good Senator Lory McGarney would sit as Senate President.
05:09We have an agreement. Let's put it this way.
05:11We have an agreement that there will be a change in leadership within the majority members
05:20if we still have the support of all the majority members.
05:24Noong unang umugong ang Senate coup, matunog na si Legarda ang iluluklok na bagong Senate President
05:30kung babaligtad siya at aanim sa grupo ng minorya.
05:34Sabi ni Senate President Pro Tempore Ping Lakson na bigo ang tangka ng minorya
05:39dahil bigo silang makakalap ng sapat na numero.
05:42Let's put it this way. Hindi siya na nakakuha ng 13 kaya nag-establish.
05:47Kaya na-uwi kami sa biruan. Kasi nung nasa lounge na kami,
05:50nandoon Sen. Loren, ito naman Sen. Keiko, nag-groupie.
05:54Yung nga, nag-selfie. Nag-post.
05:57Pinos, nagtatawa nang kami, anong hashtag? Anong hashtag?
06:01So sabay-sabay kami. Eh di power sharing.
06:03O di yung hinastag niyang power sharing.
06:06Ang ending, si Legarda rin pala, ang iluluklok ng mayorya
06:11ang bagong leader ng Senado matapos pandayin ang isang power sharing agreement.
06:16Si Legarda, di ko mong bibig sa sinasabing power sharing agreement.
06:21Hindi rin niya sinagot kung totoong kinausap rin siya ng minorya
06:38para umanib sa kanila kapalit ng Senate presidency.
06:41But the Senate presidency, was it offered to you, ma'am?
06:44Could you confirm that po? Was it offered to you?
06:48When?
06:50Recently.
06:52Recently daw.
06:54Recently daw.
06:55Kasi yung sabi ko ni Sen. Soto and Sen. Lacson,
06:58tinap daw po kayo for to be Senate president.
07:01Kasi gusto niya magkastorya.
07:04Paniwala ni Lacson, maaring may kinalaman sa tangkang kudita sa Senado
07:08ang nag-leak na draft report ng Blue Ribbon Committee
07:11na nagrekomendang kasuhan si na Minority Senators
07:15Chis Escudero, Jingo Estrada at Joel Villanueva
07:19kaugnay ng flood control scandal.
07:21Siyempre, nagkaroon na rin ng, sabi natin,
07:25vulnerabilities yung iba namin kasama sa majority.
07:28Kung na-appel sa kanila yung to their emotions,
07:32madaling sabihin, nakita nyo na hindi kayo kayang proteksyonan,
07:35hindi tayo kayang proteksyonan ng leadership.
07:38Kung natuloy ang kudita,
07:40maalis kay Lacson ang pagiging chairman ng nasabing komite.
07:43Sinisika pa nating makuhang panig ng minorya ng Senado.
07:47Ito ang unang balita.
07:49Ian Cruz para sa GMA Integrated News.
07:52Gusto mo bang mauna sa mga balita?
07:55Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
07:58at tumutok sa unang balita.
08:00Mo based upon analysis.
08:05Everybody has yang lu,
08:06thank you.
08:08Much Tanpa.
08:09I Allah.
08:17You.
08:19Nang.
Comments

Recommended