Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong August 1, 2025


- First Friday Mass sa Quiapo Church


- 10-day voter registration, sisimulan ngayong araw | Iloilo City Comelec: Nasa 800 hanggang 1,000 ang inaasahang magpaparehistro kada araw | Comelec: Bukas ang voter registration kahit weekends o holidays


- LTO, hinihimok ang mga motorista na online na lang mag-renew ng driver's license


- Panayam kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo kaugnay sa missing sabungeros case


- Draft resolution na layong linawin ang magiging tugon ng Senado sa SC decision sa impeachment vs. VP Duterte, ipinaiikot sa Senado| Sen. Hontiveros: Dapat hintayin ng Senado ang paghahain ng motion for reconsideration ng Kamara at ang desisyon dito ng Korte Suprema


- Ilang mambabatas, pinuna ang Dept. of Tourism sa hindi umano pagtupad nito sa kanilang mandato | DOT Sec. Frasco: I strongly disagree that the tourism sector has not delivered | Sec. Frasco, kinuwestiyon ang timing ng pagpuna ng 2 kongresista; baka raw may kinalaman ito sa pag-abstain ng kaniyang asawang si Rep. Frasco sa botohan sa pagka-Speaker | Sec. Frasco: Malaki ang epekto sa pagkabawas ng budget ng DOT sa turismo ng Pilipinas


- Zack Tabudlo at Ben&Ben twins Paolo and Miguel Guico, bagong coaches ng "The Voice Kids Philippines" | Julie Anne San Jose at Billy Crawford, nagbabalik as coaches sa "The Voice Kids Philippines"


- Special guests, makikisaya sa ''Family Feud'' birthday episode ni Dingdong Dantes | 3-part episodes para sa 7th anniversary ng "Amazing Earth PH," mapapanood na simula ngayong araw


- GMA Gala 2025, bukas na!


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Good morning.
00:29Mas marami sa pangkaraniwa ng mga deboto na nagtungo ngayon dito sa Quiapo Church ngayong First Friday ng August.
00:39Maagang pumadyak patungo sa simbahan ng Quiapo ang 67 years old na si Tatay Victor.
00:44Galing raw siya ng binondo at dalawang taon ng deboto ng poong Jesus Nazareno.
00:49Lagi raw siyang nagsisimba tuwing una at huling biyernes ng buwan para ipagpasalamat ang himala na nangyari sa kanyang buhay.
00:55Last year po nang kasakit po ako sa heart. Magdasal lang po ako sa kanya.
01:01Ano po, parang lumaling po ako na wala na po yung hingal ko. Nakakapag-bike na po ako. Dati hindi po ako nakakapag-bike.
01:08Ipinagdarasal niya rin daw ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang 12 years old na apo na may problema sa kidney.
01:14May ano po siya yung kidney, ano po yung mali pa po. I'm born po yun. Pero aman ng Diyos man po. Magaling na po siya.
01:22Ang 24 years old naman na si Simon, sumaglit muna sa simbahan bago sumabak sa kanyang board exam.
01:27Kung makapasaman po ako, magsusundalo po ako ngayong taon. Giso ko po makapagservisyo sa bayan po natin at makatulong din po sa ibang mamaya.
01:41Sana po pala rin ngayong taon at kung di naman po, may susunod na taon pa naman po.
01:50Dahil unang biyernes ng buwan, mas marami ang nagsimbarito sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno.
01:57Bawat isa may bit-bit na panalangin para sa mga pagsubok na kanilang sinusuong at pasasalamat para sa bawat tagumpay.
02:09Igan para sa first Friday, mas oras-oras ang misa dito. Magwala pa kaninang 5am hanggang mamayang 12.15pm.
02:15Magkakaroon din ang banal na misa pagsapit ng 5pm hanggang 7pm.
02:20At yan ang unang balita mula dito sa Maynila. Ako po si Dromer Aprasto para sa GMA Integrated News.
02:26Simula na ngayong araw ang voter registration para sa 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
02:31Sa Iloilo City, inaasahang aabot ay isang limong magpaparehistro kada araw.
02:36At live mula sa Iloilo City, may unang balita si John Sala ng GMA Regional TV.
02:42John, good morning!
02:45Ivan, alas 8 ngayong umagay magsisimula ang voter registration dito sa Iloilo City
02:52at ilang oras bago ito ay nakahanda na ang Comelect Iloilo City.
02:57May mga nakalagay ng signage ng step-by-step na proseso bilang gabay ng mga magpaparehistro simula ngayong araw
03:03para sa 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
03:07Mayroon ding lane para sa mga PWD, senior citizens at mga buntis.
03:12Ang mga upuan ay tiniyak na naayos na upang maging mabilis at organisado ang proseso ng pagpaparehistro.
03:19Tinitiyak din ng mall management ang kaligtasan ng lahat sa pamamagitan na pagtatalaga ng mga security personnel.
03:26Ayon sa Iloilo City, Comelect, nasa 800 hanggang 1,000 ang inaasahang magpaparehistro kada araw hanggang sa August 10.
03:33Mula naman August 3 linggo hanggang sa August 10 ay magpapatuloy ang registration sa iba pang malls sa Iloilo City.
03:41Bukod sa registration ay maaari ding iproseso ang change of name and status, correction of entries, reactivation at updating of records.
03:50Wala namang isasagawang transfer of voter registration.
03:53Ivan, paalala ng Comelect, Iloilo City sa mga first-time voters na magpaparehistro na siguraduhing magdala ng kanilang birth certificate na issued ng PSA o local civil registrar.
04:05Magpapatuloy din ang registration kahit weekends o holidays.
04:09At paalala din ng Comelect, Iloilo City na walang isasagawang mga transaksyon sa kanilang opisina dahil lahat ng ito ay isasagawa sa mga malls.
04:17Yan ang latest dito sa Iloilo City. Balik sa inyo, Ivan.
04:20Maraming salamat, John Sala, ng GMA Regional TV.
04:25Ginhawa raw para sa mga motorista na pwede nang mag-renew na driver's license online.
04:31May una balita live si EJ Gomez.
04:34EJ!
04:38Igan, hinikayat ng Land Transportation Office o LTO ang publiko na gamitin ang online platform para mag-renew ng kanilang driver's license.
04:50Kaya e-expire lang daw ng lisensya ni Erickson noong Mayo.
04:55Kagagaling lang din daw niya sa aksidente, kaya pansamantala muna siyang tumigil sa pagmamaneho ng motorsiklo.
05:01Ngayong Agosto, plano niyang mag-renew ng kanyang driver's license.
05:05Mabuti nga raw at pwede na sa online ang renewal, iwas hassle at pagpila.
05:10Balak din ang tricycle driver naman na si Eugenio na online na lang din mag-renew na lisensya kapag na-expire na ito.
05:16Puspusan ang pag-ihikayat ng Land Transportation Office o LTO sa mga driver's license holders na mag-renew ng kanilang lisensya sa pamamagitan ng online platform na ma-access sa egov.ph app.
05:28Alin sunod yan sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na magkaroon ng digital shift sa mga transaksyon sa pamahalaan para mapabilis ang pagbibigay serbisyo sa publiko.
05:38Available ang online driver's license renewal sa buong bansa.
05:42Kamakailan, inulunsan ito ng pamahalaan sa Taiwan at Japan para sa mga OFWs doon.
05:47Nakatakda rin itong ilunsan sa ibang bansa sa Middle East, Europe at North America.
05:52Plano ko mag-online, magre-renew ng online driver's license para at least less hassle na rin eh kahit pa paano.
06:06Ayun, more on pila tapos more on yung mag-aantay ka imbis na matutulog ka na lang, magpapahinga ka na lang sa bahay niyo.
06:13Eh, siyempre, mag-online na po ako para maging hawa, di ba? Kasi sa ano eh, pipila pa doon eh, matagal eh doon sa online, pwede ka po magtanong-tanong sa kapitbahay mo para madali ang proseso.
06:25Mas maganda pa rin kung online kasi kahit nasa bahay ka, magagawa mo.
06:29Maraming pila, matagal, inaabot ako ng ilang oras.
06:34Ngayon ko marananasan na ano na pag-renew ko sa 2026 yung sa online, iwas sa abala.
06:42Maganda yung sa online kasi maiwasan yung mga fixer sa labas at saka siguro mas madali.
06:52Igan, sabi pa namang nakausap natin no, napipilitan daw sila noon na magbayad na lang sa fixer para mauna sila sa pila
07:04o di kaya naman eh, mas mapibilis yung pagproseso sa kanila.
07:08Kaya ngayon naman yung online na mas maganda raw para iwas korupsyon.
07:12At yan, ang unang balita mula rito sa Mandaluyong City.
07:16EJ Gomez, para sa GMA, Integrated News.
07:20Awak na rin ng pulisya ang dalawang kapatid ni Julie Dondon Patidongan na malaki rawang maitutulong sa missing sabongero case.
07:29Ay sa PNP, ang isa sa kaila, ang lalaki na akunan sa CCTV na nag-withdraw gamit ang ATM card na isa sa mga nawawalang sabongero.
07:37Ang isa raw at ang lalaking na akunan ang ine-eskortan ang isa pang nawawalang sabongero habang nakaposas.
07:44Isa lang sa mga yan, ang kinumpirma ni Patidongan na kapatid niya.
07:48May unang balita si Emil Sumangil.
07:54Ang lalaking ito na nakunan ng CCTV na nag-withdraw gamit ang ATM card ng nawawalang sabongero na si Melbert John Santos,
08:01kapatid daw ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan ayon sa Philippine National Police.
08:07Kapatid din daw ni Dondon ang isa sa dalawang lalaking nakuhanang ine-eskortan ang nakaposas na missing sabongero na si Michael Bautista.
08:15Hawak na sila pareho ng PNP.
08:17Itong dalawang tao po na ito, hindi niya po binanggit na mga kapatid niya.
08:25Yan po ang totoo dyan.
08:27Si Laraw ang missing link sa kaso ayon sa PNP.
08:30Itong tao po na ito, si Jose Patidongan, ay merong pong outstanding warrant of arrest.
08:35At yung isa po na si Elakim Patidongan, nung makuha po yan ni General Macapas mismo na napakatahimik, walang ingay, hindi natin pinapotok sa media,
08:48kasi nga gusto natin makuha itong dalawa na ito dahil naniniwala tayo ito yung mga missing link doon sa mga kaso ng missing sabongero.
08:57Nakakulong na si Jose Patidongan habang si Elikim Patidongan sinampakan ng reklamo kaugnay ng paggamit ng alias sa password.
09:04Ayon sa PNP, kailangan din kasuhan si Dondon Patidongan.
09:07Kailangan po silang sampahan ng kaso bilang mga accused kasama po si Julie Patidongan who himself admitted na alam po niya itong mga nangyayari po na ito.
09:20The only way para po sila maging witness at madischarge a state witness.
09:26Pagkumpirman ni Dondon, ang kapatid niya niyang si Elakim ang nakuha na na CCTV na nag-withdraw gamit ang ATM card ng nawawalang sabongero.
09:33Yung ATM na nag-withdraw ay isa kong kapatid niya dahil inutusan ng mga polis na check-in yung account kung malaki ba ang panalo.
09:45Kung malaki ang kinita doon sa laban at fotos daw ni Mr. Atong Ang na check-in kung totoo na malaki ang panalo nila.
09:57Kaya pinaano doon sa ATM na pag-utusan yung aking kapatid.
10:04Yung polis na ito na nag-utos doon sa kapatid mo, kasama rin sa kinasuhan niyo sa Napolcom?
10:09Yes, kasama, kasama.
10:11Pero itinanggi ni Dondon ang sinabi ng PNP na ang kapatid niyang si Jose, ang isa sa mga nahulikam na bumitbit sa nawawalang sabongero na si Bautista.
10:20Si Rogelio Roger Burican at saka si Rodilo Anigig, yun yung bumitbit. Bakit na-twist na nila ngayon?
10:28Ang height ng kapatid ko, 5'5 or 5'6, ang binitbit nila, yung si Bautista, 5'5 ang height noon.
10:38Tingnan nyo yung video, anong height nung bumitbit?
10:42Ayon kay Dondon, naging tauhan din ng isa mong tycoon na si Atong Ang, ang mga kapatid na sina Jose at Ella Kim.
10:48Marami raw silang alam kaya noong 2022 ay inutusan umano sila ni Ang na magtago sa Cambodia.
10:55Minasaksiyan siya sa patayan. Kaya yan na pinaalis ni Mr. Atong Ang dito sa bansa.
11:00Pero iba rawan pa kay umano ni Ang nang ipagawa niya ito sa dalawa.
11:04Pinapapatayan sa grupo.
11:06Tututo lang. Aming tatlo ang asusik talaga nito para malasas tong problema na to.
11:11Malaki ang may tulong dito.
11:13Itinanggi rin ni Dondon na inaresto ang kanyang mga kapatid sa Cambodia.
11:16Inayos anya ng DOJ ang pagpapauwi sa kanila.
11:19Hindi totoo yan. Alam ni Suji Rimulya. Wala, wala karistuhan.
11:24Pinatakas ko mismo yung dalawang kapatid dahil pinapapatayin niya itong Ang doon.
11:29Wala pang payag ang kampo ni Ang.
11:31Pag-uusapan pa raw ito ng kanyang legal team ayon sa isa niyang abogado.
11:35Ayon sa PNP, nahuli ang dalawa ng PNP, CIDG, noong si Police Brigadier General Romeo Macapas pa ang namumuno.
11:42Nilinaw ng PNP na hindi si Dibak bilang CIDG Director si Macapas,
11:46kasunod ng pahayag ng ilang kaanak na mga lawawalang sabongero
11:49na pinapadiin ng ilang police CIDG si Patidongan bilang mastermind sa kaso.
11:54Si Macapas umano ang nag-request na mailipat ng assignment kaya nasa Police Regional Office 12 na.
12:00It would be very, very unfair po na sabihin na mayroong pong nag-utos kay Chief PNP para katanggalin po siya sa CIDG.
12:09It was the personal request of General Macapas na mailipat po siya sa region.
12:14Ang bagong upong CIDG Director na si Police Brigadier General Christopher Abracano dumating sa undisclosed location kung saan nagsama-sama ang mga kaanak na mga mising sabongero.
12:24Kasama si Don Don para kumplituhin ang kanilang mga affidavit.
12:27Malinaw para sa amin ang mensahe ng ating General Abrahano na magkakaroon ng hostisya at sila ay tututok at ang direksyon ay papunta sa hostisya.
12:39Kami po ay natutuwa dahil very clear, may clarity po doon sa pinag-uusapan namin.
12:43Kami nagpapasalamat po sa dalawang witnesses.
12:48Ito ay magkakorobrate sa mga magiging statements ni Don Don Patidongan.
12:53Ang abogado naman ni Police Senior Master Surgeon, Joey Encarnacion, isa sa mga polis na kinasuhan ng Napolcom,
13:00kaugnay sa mising sabongeros, itinanggi ang mga aligasyon ni Don Don Patidongan.
13:04Wala anyang legal na basihan ang mga aligasyon ni Patidongan laban sa kanyang kliyente.
13:07Kung makikita natin yung mga affidavit ng mga complainant, wala pong minimension na pangalang Encarnacion.
13:16Wala po siyang interaction, in other words, sa mga nag-aakusa.
13:20Kahit po kay Don Don Patidongan, wala pong interaction si Mr. Joey Encarnacion, si Master Surgeon.
13:30Yung mga panahon na dinadawit ang aking kliyente ay meron kaming pagpapatunay na siya po ay nasa schooling.
13:38Isa si Encarnacion sa mga kinasuhan ng Napolcom ng anim na counts ng grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.
13:46Patuloy pang sinusubukan ng GMA Integrated News na makuha ang payag ng iba pang polis na sinampakan ng reklamo.
13:53Ito ang unang balita, Emil Sumagil, para sa GMA Integrated News.
13:57Pumirma ang ilang senador sa isang draft resolution na layong linawin ang magiging sunod na hakbang ng impeachment court.
14:13Tog na ito ng desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
14:20May unang balita, si Mav Gonzales.
14:22Nagpapaikot ngayon ang draft resolution sa Senado na layong linawin ang magiging tugon ng Senado sa ruling ng Korte Suprema sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
14:36Ayon kay Sen. Risa Ondiveros, apat na senador na silang nakapirma noong lunes.
14:41Kabilang sina Senat Minority Leader Tito Soto, Sen. Kiko Pangilinan at Bam Aquino.
14:45Sa draft na ipinadala ni Pangilinan, ipinapahayag ng resolusyon ang sense of the Senate na dapat ibase ng Korte Suprema ang anumang aksyon nila sa impeachment sa mga dati ng depinisyong legal.
14:57Anumang bagong interpretasyon ay dapat lamang i-apply sa mga susunod na impeachment case.
15:02Draft pa rin siya sa ngayon eh, pero nagsasight po siya ng mga references sa ilang mga dating justices na nagbibigay ng payo, kung paano ilang mga gabay, kung paano pwedeng mag-move forward.
15:18Magbe-benefit po kami dyan kahit sa parating na debate sa August 6.
15:23Nire-respet raw ng Senadora ang Korte Suprema, pero obligasyon din aniya ng Senado na bigyan ng accountability ang publiko.
15:30Hindi pa raw nakikita ni Senate President Chief Escudero ang resolusyon, pero hihintayin na lang daw niya ito para desisyonan ng buong Senado.
15:39May maghain man o wala, napagkasundoan naman na raw ng mga senador na magdebate at aksyonan ng impeachment sa August 6.
15:46Nauno nang sinabi ni Escudero na maaaring magka-constitutional crisis kung hindi susundin ang Senado ang desisyon ng Korte Suprema.
15:54Pero tingin niyong Tiveros, nakaconvene pa rin ang Senate Impeachment Court ngayon.
15:58Wala namang may gustong magkaroon ng constitutional crisis ni political gridlock or deadlock.
16:05Binubuno namin these days, these weeks kung papaano tamang dapat kumilos ang Senado.
16:12At lahat nito ay pinag-aaralan namin.
16:16Mas mainam aniya kung hintayin muna ng Senado ang motion for reconsideration na ihahain ng Kamara,
16:22pati ang magiging desisyon ng Korte Suprema rito.
16:25Common sense lang o wise lang na sana hintayin namin yan dito sa Senado bago kami mag-desisyon.
16:33Napagkasundoan namin August 6.
16:36So doon namin ilalabas at doon ko rin ilalabas yung aking mga argumento at opinion at kung talagang pipilitin, boto.
16:43And hopefully by that time may marereferan na kami na motion for reconsideration ng House.
16:50Wala para usapan sa Senado kung maghahain sila ng bukod na MR.
16:53Sabi ni House Prosecution Panel Spokesperson Atty. Antonio Bucoy,
16:58ihahain nila ang MR sa August 9 deadline o mas maaga pa.
17:01Ito ang unang balita.
17:03Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
17:07Pumalag si Turism Sekretary Christina Frasco sa puna ng ilang kongresista na hindi raw nagagampanan
17:12ng Department of Turism ang mga tungkulin nito.
17:16Kuresyon ni Frasco ang motibo ng mga puna.
17:19May unang balita si Darling Kai.
17:23Nakukulangan daw ang ilang kongresista sa mga ginagawa ng DOT o Department of Turism.
17:29Pagkatapos ng ikaapat na SONA o State of the Nation address si Pangulong Popong Marcos,
17:34pinuna ni Tingog Party List Representative Jude Asidre,
17:37ang hindi pagbanggit sa sektor ng turismo sa tulumpati ng Pangulo.
17:41Malinaw daw itong mensahe na hindi nagde-deliver ang DOT.
17:46Anya, dapat may managot at magwasto nito.
17:49Uminit din si Deputy Speaker at La Union First District Representative Paolo Ortega.
17:55Biguraw ang DOT na gawin ang trabaho nito sa kabila ng anya'y massive funding
17:59o malaking pondo at malawak na promotions.
18:02Pumalag si Turism Sekretary Christina Garcia Frasco.
18:05I strongly disagree that the sector has not delivered for it has.
18:13It has delivered returns to the nation.
18:17Kiit niya, tabaggit ng Pangulo ang turismo sa SONA sa kontekso ng pagpaparami ng trabaho
18:22at pag-ayos ng supply ng kuryente sa Siquijor.
18:25Magpuporsige ang DOLE, DTI, DSWD, kasama pati ang DOT at mga kaugnay na ahensya
18:32sa paghahanap ng paraan at ng mga oportunidad
18:36para sa natitirang apat na porsyento ng ating kwersang manggagawa na hanggang ngayon ay walang trabaho.
18:43Napapaisip daw si Garcia Frasco sa timing ng mga pahayag ng dalawang kongresista.
18:48But the timing of the remarks that were broadcasted by the good gentleman
18:58from the House of Representatives, Asidre and Ortega, is quite suspect
19:05considering that my husband, Congressman Duke Frasco,
19:10declared his stance as an independent member of the House of Representatives
19:14only two days before, or rather only a day before their remarks.
19:23Nag-abstain o hindi bumoto ang asawa ng kalihim
19:26na si Cebu 5th District Representative Duke Frasco sa butohan sa House Speaker
19:31kung saan nanalo ulit si Lete 1st District Representative Martin Romualdez.
19:36Hinimok ng kalihim ang mga kongresista na suriin ang lahat ng impormasyon
19:40dahil tuloy-tuloy naman daw sa pagtatrabaho ang DOD.
19:43Kung titignan ang mga datos, malinaw na hindi patuluyang nakababawi
19:48ang sektor ng turismo kumpara sa mga numero noong bagong magpandemia.
19:52Kabilang dyan ang bilang ng mga dumarating na turista sa bansa
19:55at ambag ng sektor ng turismo sa ekonomiya ng Pilipinas
19:59na kasalukuyang nasa 2.35 trillion pesos.
20:03Pati rin sa share o bahagi ng mga manggagawa sa Pilipinas
20:06na nasa sektor ng turismo.
20:07Paliwanag ni Frasco, malaki ang epekto ng natapyas na budget ng ahensya.
20:12You get back what you give.
20:15Since we're talking about funding,
20:17pre-pandemic funding for tourism promotions
20:21were easily over a billion pesos.
20:25You cannot expect a full recovery to 100%
20:29by investing only 100 to 200 million pesos
20:34and expect the same numbers.
20:36Mula 1 bilyong piso noong 2019,
20:39100 million pesos na lang ang branding campaign budget ng DOT.
20:43Gayunman, nakuha pa rin daw ng DOT
20:45ang all-time high nakita noong 2024
20:47na mas mataas pa kumpara noong 2019.
20:51Para sa 2026,
20:52hihingi raw ang DOT ng mahigit 3 billion pesos.
20:56Kasama rito ang 500 million pesos
20:58na hihingin para sa turismo promotion.
21:00Sinusubukan pa ng GMA Integrated News
21:02na makuha ang reaksyon ng mga kongresista sa mga sinabi Frasco.
21:06Ito ang unang balita.
21:07Darlene Kai para sa GMA Integrated News.
21:10May mga bagong coach na makikipag-unahan
21:18sa pagpindot ng red button
21:20sa bagong season ng The Voice Kids Philippines.
21:23Tatlo ang bagong uupo sa iconic red chairs.
21:26Isa sa kanila ang Gen Z singer-songwriter
21:29at dati na rin naging contestant sa The Voice Kids Philippines
21:33si Zach Tabudlo.
21:35Wow!
21:36So, pati ang tweens mula sa folk-pop band
21:38na Ben & Ben na Sina Paolo
21:40and Miguel Guico
21:41na mag-a-act as one sa pag-dedesisyon.
21:44Magbabalik naman as coaches
21:45si Julian San Jose at Billy Crawford.
21:49In production na ang The Voice Philippines Kids
21:51at mapapanood sa GMA Network soon.
21:55Nice!
21:56It's very nostalgic and it throws me back talaga
21:58when I was young.
21:59I feel like I can be the one who can really
22:02justify the feelings of these kids
22:04and what they actually went through.
22:07Since we've been making music together
22:09ever since the beginning of our career,
22:11alam din namin most likely
22:12kung ano yung hinahanap namin
22:14sa mga mag-audition.
22:17Kahit na ngayon lang kami nagkatrabaho,
22:20parang nag-gel kami agad.
22:23So, once na mapanood ninyo yung episodes,
22:28makikita nyo na may,
22:29siyempre may makawala ba yung bardagulan,
22:31ganyan, agawan, asaran.
22:33It's a pleasure for me
22:36nakasama ko si Zach
22:38and Pau and Megs
22:40and also Jules as well.
22:42It's always,
22:43I look forward to having, you know,
22:46new connections every time
22:48and nakaka-inspire.
22:49The Voice Kids.
22:52Special episode lang atin
22:53ni Kapuso Primetime King Ding Dong Dante
22:55sa Amazing Earth at Family Feud
22:57ngayong unang araw ng August.
22:59Special birthday episode ng Ding Dong
23:01ang mapapanood mamaya sa Family Feud.
23:03Isa sa special guests
23:04at manlalaro sa episode
23:06si Senator Bam Aquino.
23:085.40pm yan dito sa GMA Network.
23:11Mapapanood din mamaya
23:12ang una sa three-part special episodes
23:14ng Amazing Earth Philippines
23:16para sa kanilang seventh anniversary.
23:19Aalamin dyan ang mga mangyay
23:20o nangyari sa huling araw ng mga dinosaur.
23:249.35pm yan.
23:27Bukas, August 2, turning 45 na si Ding Dong,
23:30kasabay yan ang GMA Gala 2025
23:32na bahagi ng 75th anniversary celebration
23:36ng GMA Network.
23:38Magdiriwang naman ang 41st birthday
23:40sa August 12,
23:41ang asawa niyang si Kapuso,
23:43Primetime Queen, Marian Rivera.
23:45Oh, magkalapit lang pala.
23:47Wow.
23:47Cute.
23:48And speaking of GMA Gala 2025,
23:50ramdam ng excitement
23:51para sa most spectacular event of the year.
23:55Mangyayari na bukas
23:56ang pagsasama-sama
23:58ng biggest and brightest stars
24:00sa industriya ng showbiz.
24:02Mas special ang GMA Gala
24:03ngayong taon
24:04dahil celebration din ito
24:06ng 75th anniversary
24:08ng GMA Network.
24:10Bukod dyan,
24:11isa rin itong fundraising event
24:12na susuporta
24:13sa GMA Kapuso Foundation.
24:16Bukas na yan mga Kapuso!
24:18Uy, kaabang-abang!
24:21Gusto mo bang mauna sa mga balita?
24:24Mag-subscribe na
24:25sa GMA Integrated News sa YouTube
24:26at tumutok sa unang balita.
24:29Mag-subscribe na
Be the first to comment
Add your comment

Recommended