Skip to playerSkip to main content
  • 3 weeks ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 16, 2025


- Operasyon ng LRT-2, limitado dahil sa nasirang bahagi ng riles; ilang papasok sa trabaho at eskuwela, stranded sa Santolan Station


- Dept. of Agriculture: P20/kilong bigas, puwede na ring mabili ng mga nasa sektor ng transportasyon simula ngayong araw


- Dept. of Agriculture: P20/kg bigas, puwede na ring mabili ng transport sector sa Tagum, Davao del Norte


- Sen. Estrada, handa raw pabuksan ang kaniyang bank accounts sa gitna ng pagdawit sa kaniya sa kuwestiyunableng flood control projects | Dating DPWH Engineer Brice Hernandez, humarap sa Pasay RTC para sa inihain niyang Writ of Amparo petition | Ilang senador, kinuwestiyon ang pagtrato ng Senado kay Hernandez na tila VIP witness | Senate Minority, pinuna ang hindi umano pagprotekta ng Senate Majority sa kanila | Sen. MArcoleta, umalma sa hinala ni Senate Pres. Sotto na in-edit ang affidavit ng mga Discaya | Senate Majority, nagpasyang kailangan ng mas maayos na koordinasyon sa Senate Minority


- Mga reklamong kidnapping, arbitrary detention, atbp, inihain vs. Justice Sec. Remulla at iba pang opisyal kaugnay sa pag-aresto kay FPRRD | Reklamong arbitrary detention, inihain din laban kay Justice Sec. Remulla at NBI Director Jaime Santiago, kaugnay sa pag-aresto kina Cassie Ong at Shiela Guo | Hiling ni Sen. Imee Marcos: Mag-inhibit si Acting Ombudsman Vargas at panel of investigators sa pagdinig sa kaniyang motion for reconsideration sa reklamo vs. Sec. Remulla | Justice Sec. Remulla, tinawag na "forum shopping" ang mga reklamo laban sa kaniya para pigilan ang kaniyang aplikasyon sa pagka-Ombudsman


- 4 na bagong tagapangalaga ng mga brilyante, nakompleto na sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre" | Memen, humingi ng tawad kay Mitena; ilang Mine-ave, may nilulutong kudeta laban kay Mitena


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00LRT 2
00:30LRT 3
01:00At ngayon naman, Igan, minakita tayo dito na libreng sakay mula sa LRT.
01:04Ayun yala, limitado lamang yun.
01:05Ilang pasero lamang yun na isakay patungo dun sa area ng Pubao.
01:09Yung many latest mula dito sa Santolan Station ng LRT 2 sa Pasig, balik sa iyo, Igan.
01:14Salamat, James Agustin.
01:15Simula nga po ngayong araw ay ipinatutupad na rin yung pagwebenta ng 20 pesos kada kilong bigas para sa sektor ng transportasyon dito sa ating bansa.
01:29Kaya naririto po tayo ngayon sa ADC Kadiwa, dito po sa Elliptical Road, dito po sa Quezon City para sa programa ng Department of Agriculture na BBM o 20 bigas meron na.
01:39At ito nga po ay para sa mga transport sector, gaya na nabanggit ko, ibig sabihin kapag kayo po ay registered na miyembro ng TODA ng inyong local government unit,
01:52ay maaari po kayong makabilang dito sa mga pagbibilhan ng 20 pesos kada kilong bigas.
01:59At kasama po dito yung mga driver ng tricycle, ng pampublikong jeep, bus, pati na rin po yung mga transport operator.
02:05Ang mga kabili po niyan, gaya na binanggit ko, yung recognized din ng LTFRB at LGU.
02:11At sa ilalim ng programa, hanggang 10 kilo ng bigas kada buwan ang maaaring bilhin po ng isang miyembro na magpapakita po ng ID nila.
02:22Ayon sa Department of Agriculture, tinatayang aabot sa mahigit 57,000 na public transport workers mula sa limang pangunahing lungsod ang mahikinabang sa programa ngayong araw.
02:32Ipinatutupad din ng DA ang programa sa pakipag-ugnayan sa Department of Transportation, Department of Interior and Local Government at Land Transportation Franchising and Regulatory Board
02:41na tumulong sa pagtukoy sa mga benepisyaryo mula sa transport sector.
02:46Makikita po natin dito si Ate, ready na po siyang magbenta nitong 20 pesos kada kilong bigas para sa mga darating na mga miyembro ng mga TODA registered sa LTFRB pati sa LGU.
02:59Ito po mga nakasupot-supot na rito ay tig limang kilo po yan.
03:05Oo, so nakalagay dito bring your own eco bag para hindi na sila magpaprovide pa ng karagdagang plastic.
03:12Kung gusto nyo naman po, talagang 10 kilo na kagad ang inyong bibilhin na dito rin po yan.
03:17So marami pa po rito na kanina nakita tayo na kinikilo talaga nila rito.
03:22Ayan, at ito po yung mga sako-sako na mga bigas.
03:27So marami pa naman po supply dahil galing po yan mismo sa NFA warehouse para of course masupplyan yung mga kababayan natin na miyembro ng transport sector na sila po'y bibili simula po ngayong araw.
03:42So mga kapuso, bukod po sa Metro Manila, may rollout na rin po ng 20 pesos kada kilong bigas para sa transport sector sa Tagum, Davao del Norte.
03:52At may unang balita live si Jandy Esteban ng GMA Regional TV.
03:57Jandy?
03:57Yes Maris, ngayong araw nga ay ilulunsad yung tag-20 pesos per kilo na bigas para sa mga tricycle drivers dito sa Tagum City, Davao del Norte.
04:12Dito sa multi-purpose gym, Rotary Park, sa barangay Poblasyon, isasagawa ang pagbebenta ng murang bigas.
04:19Ayon sa Public Information Office ng Department of Agriculture, Region 11, nasa 200 bags o 10,000 kilos na bigas ang ibebenta.
04:29Hanggang 10 kilo lang ang pwedeng mabili ng kada driver.
04:33Kailangan nilang ipresenta ang kanilang transport ID.
04:38Nasa mahigit 1,000 ang makaka-avail ng programa.
04:41Ang problema, nasa mahigit 3,000 ang drivers dito sa Tagum City.
04:46Mamayang hapon naman, magsasagawa ng maikling programa para sa ceremonial selling upang opisyal na ilunsad ang 20 pesos per kilo na bigas para sa transport sector dito sa lungsod.
04:58Maliban dito sa Tagum City, Davao del Norte Maris, ay ilulunsad din ito sa Panabo City, Davao del Norte.
05:05May inihandang 100 bags o 5,000 kilograms ng bigas para ibenta sa mga tricycle drivers doon sa Panabo City.
05:16Handa raw si na Sen. Jingo Estrada at Joel Villanueva na pabuksan ang kanika nilang bank accounts kasunod ng pagdawid sa kanila sa mga maanumalyang flood control projects.
05:31Pinabulaan na naman ni Sen. President Tito Soto ang pahayag ng Sen. Minority na tila itinuturing na VIP Witness si dating Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez.
05:41May unang balita si Rafi Tima.
05:46Para patunayan daw na walang katotohanan ng aligasyong kumikbak siya ng 30% sa mahigit 300 milyong pisong flood control project, may handang gawin si Sen. Jingo Estrada.
05:56Ako, I'm open to any investigation. In fact, Mr. President, ngayon pa lang kahit hindi pa nagko-comment sa Blue Ribbon Committee ni Sen. Lacson.
06:05Ngayon pa lang, I'm willing to sign a new waiver to open my bank accounts. I don't know with Sen. Joel, maybe we'll also conform with my idea.
06:15Ang aligasyon, binitawan ni Engineer Bryce Hernandez, dating Assistant District Engineer ng Bulacan 1st District Engineering Office, sa pagdinig ng kamara nitong Martes.
06:25Nakontemps sa Senado si Hernandez noong pagdinig ng Blue Ribbon Committee noong lunes.
06:29Noong Martes, inilipat siya sa PNP Custodial Center matapos siyang umapailan ng proteksyon sa kamara dahil sa pangambaraw sa kanyang siguridad.
06:36Pero kinabukasan, nagmosh siya sa Estrada na ilipat si Hernandez sa Pasay City Jail, bagay na inuprobahan sa plenario.
06:43Matapos malipat sa Pasay City Jail si Hernandez, naghahain ng petisyon ng kanyang kampo para sa Rito Famparo para may sa ilalim siya sa Witness Protection Program at may ibalik sa PNP Custodial Center.
06:55Humarap sa Pasay RTC Branch 112 si Hernandez para sa inihahain niyang petisyon.
07:00Sa sulat naman ng Legal Counsel ni Hernandez, umapailan sila na ibalik siya sa Senado.
07:04Ngayong may bagong tiwalaro sila sa ilalim ng liderato ni na Senate President Tito Soto at Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Ping Lakson.
07:11Kung papayagan doon nila si Hernandez na manatili sa Senado, patuna ito na handa ang Senadong Harapi ng mahirap na katotohanan.
07:18Agad din naprubahan ni Soto ang hiling ng kampo ni Hernandez at inaasang maaharap siya ulit sa Blue Ribbon Committee.
07:23Hirit naman ang Senador Joel Villanueva na inakosahan din ni Hernandez ng pagtanggap ng kickback, nakapagtataka dahil plenario ang nagdesisyon na ilagay siya sa Pasay City Jail.
07:45Si Bryce na naman na anya ang nasunod. Dagdag ni Sen. Rodante Marcoleta na dating Blue Ribbon Committee Chairman,
07:50ang naturong committee lang ang pwedeng magtalaga kung saan ididetain na isang witness na cited in contempt.
07:56Dagdag ni Sen. Minority Leader Alan Peter Cayetano, tira naging VIP witness si Hernandez.
08:01Yung oras ay nag-google din doon sa pag-uusap na bakit parang naging Senate VIP itong si Assistant D. E. Bryce na pinag-usapan na sa Senado at meron pong motion na in-approve ng buong Senado na sa Pasay City Jail.
08:18Pero walang konsultasyon ay nandito na ulit.
08:21Paano siyang nasunod sa PNP custodial? Paano siyang nasunod sa Pasay City Jail? Puro ayaw niya ngayon eh.
08:28Di ba? So it's a maling opinion. It's their opinion.
08:34Sa sesyon, muling binualtahan na Estrada si Hernandez.
08:37Why are we giving so much importance or credence to this person who is a liar, who is the number one suspect of this corruption what is happening in our country today?
08:54Bakit? Bakit? Meron ba nagpur-protection sa House of Representatives?
09:03Naglabas din ang hinihing ang minorya na nakadirekta mismo kay Soto dahil tila hindi ro sila pinuprotektahan ng bagong mayorya.
09:09Puna ng Sen. Bato de la Rosa, tida nilaglag ni Soto ang minorya sa pagsasabing gumigimik lang sila ng kwesyonin ng minorya ang naunang pagdetain kay Hernandez sa PNP custodial Center sa halip na ibalik sa Senado.
09:21Ang Senado po, hindi po ito noontime TV show na puro gimmick ang ating tinitikap dito.
09:28Kami po ay nag-rease dito ng legitimate issues which requires legitimate atensyon.
09:33Ang pahayag na ito ng de la Rosa, hindi pinalagpas ng Senate President.
09:37Just because I mentioned that Martin Romualdez called me, does not mean that ako'y sumunod sa kanya.
09:44The request was coming from the House of Representatives and the request was to retain Hernandez in the Congress.
09:54At dun ako hindi pumayag. Is that being tuta?
09:58Si Marco Leta, pino na rin ang mga pahayag ni Soto sa affidavit ng mag-asawang Sara at Curly Diskaya at sa pagtanggi niyang termahan, ang rekomendasyong gawing state witness ang dalawa.
10:08Ang sabi po ninyo with reference to the affidavit of the Diskayas, may suspect siya kami na inedit yung affidavit.
10:17Mr. President, ito po ay indirect affront to the integrity of this representation.
10:31Yun lamang pong pagsuspechohan ninyo na inedit yung affidavit.
10:37Paano kayo nagsuspecha?
10:40Ano po ang ginamit ninyong batayan at pagsuspechohan ninyo na maring inedit yung affidavit?
10:46Para masagot ang mga tanong, bumaba si S.P. Soto mula sa rostrum. To the rescue din ang ibang miyembrang ng mayorya.
10:53Kung gagawin silang state witness, kinakailangan buo, hindi edited. And when I've referred to edited, sila bilang mga testigo, tine-edit nila.
11:07Kung opinion ko hiningi, binibigay ko opinion ko, hindi ko tinatago. So if you don't like my opinion, I'm sorry Mr. President. But that's how it is.
11:16Sa huli, pansamatalang sinuspindi ang sasyon para mag-usap-usap ang mga senador tungkol sa pinakaugat ng isyo.
11:22Ano ba ang kapangyarihan ng Senate President sa mga petisyong pinagbutuhan ng buong plenaryo?
11:26I believe we have reached the consensus. Mukhang hindi naman po siguro tayo mag-aaway na yun. No need for a vote with the minority leader and the group.
11:36I believe that better coordination na lang po. And we agreed to coordinate better with the minority floor leader.
11:42Ito ang unang balita. Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
11:49Kidnapping, arbitrary detention, at iba pa.
11:53Ang iniaing reklamo ni Davao City Acting Mayor Sebastian Baste Duterte
11:57laban kay Just Secretary Jesus Crispin Remulia
12:00at iba pang opisyal ng gobyerno.
12:04Kauna ito sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
12:07na ngayon nakadetain sa International Criminal Court o ICC.
12:12Tingin ni Remulia, may kinalaman ng mga reklamo sa aplikasyon niya sa pangka-ombudsman.
12:16May unang balita si Salimare Fran.
12:23Ilang araw matapos mabasura ang mga reklamo laban sa Kenya sa Office of the Ombudsman,
12:28may panibagong mga reklamong kinakaharap si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia
12:33kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa visa ng ICC warat.
12:39Nag-hai ng patong-patong ng mga reklamong kidnapping, arbitrary detention, at iba pa.
12:44Ang kampo ni Davao City Acting Mayor Baste Duterte sa Office of the Ombudsman for Mindanao.
12:50Bukod kay Remulia, damay sa mga reklamo ang kapatid niyang si Interior and Local Government Secretary John Vic Remulia,
12:57Defense Secretary Gilbert Chudoro, National Security Advisor Eduardo Año,
13:01mga dating PNP Chief Romel Marbil at Nicola Storey III,
13:05at iba pang opisya na ng patupad ng warrant laban kay Duterte noong Marso.
13:09We have talked to Acting Mayor Baste Duterte
13:13and he has willingly accepted the call to file a case
13:20and obviously all those involved, including me, have actually supported him.
13:25May substantial difference po itong kaso namin doon kay sa kaso po na ipinile ni Senator Aimee Marcos.
13:33Ang substantial difference po nito, yung mga tao mismo na nandun po sa incident noong March 11, 2025,
13:41generals, former generals who were there, including Attorney Martin Delgra and myself,
13:47we all executed affidavits as to what transpired really during the incident.
13:52Nag-ha-in rin ng reklamong arbitrary detention laban kay Remulia at kay NBI Director Jaime Santiago,
13:58si Atty. Ferdinand Topacio, para sa pag-aresto kinakasi Ong at silagwo mula sa Indonesia noong Agosto 2024.
14:07Sinusubukan namin kunin ang pahayag ni na Remulia at Santiago hinggil dito.
14:11Si Senator Aimee Marcos, na chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations na nagsagawa ng pagdinig sa pag-aresto kay Pangulong Duterte
14:19at nagsampa ng mga binasurang reklamo, naghahain naman ang motion for reconsideration sa ombudsman.
14:26Hinihingi rin niya mag-inhibit sa acting ombudsman Dante Vargas at ang panel of investigators dahil may kinikilingan umano.
14:33O, O, I see ko na rin na dapat huwag mong pakialaman dahil O, I see your true colors.
14:42Nalulungkot ako kasi talagang umaasa tayo sa ombudsman, lalong-lalo na sa mga panahon ito,
14:49na umiira lahat ng report tungkol sa korupsyon.
14:52Dapat lang protektahan naman nila ang imahen at manatili ang dangal ng ombudsman.
14:59Mahiya naman sila, mahiya naman silang lahat.
15:03Sinusubukan namin kunin ang pahayag ni Vargas hinggil dito.
15:07Tinawag namang forum shopping ni Remulia ang mga reklamo para pigilan ng kanyang aplikasyon bilang susunod na ombudsman ng bansa.
15:14May nakahain na rin daw na petition for certiorari sa Korte Suprema si dating Pangulong Duterte at Sen. Bato de la Rosa.
15:21Bukod pa yan sa nakahain ring habeas corpus petitions ng magkakapatid na Duterte sa SC.
15:26It's really forum shopping. They want to make it impossible for the JBC to get the requirements that they have to submit.
15:35And ganun talaga yan. It's really an organized effort for them to shoot down my candidacy as ombudsman.
15:43Haharapin rao ni Remulia ang mga reklamo at tumaasang bakikita ng JBC ang totoo.
15:49Ito ang unang balita sa Lima Refran para sa GMA Integrated News.
15:54Sinisika pa namin kuna ng pahayagay pang opisyal na inireklamo ni Acting Bayer Duterte.
16:11Esta secto! Finally, magkakasama na ang apat na mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante sa Encantadio Chronicles Sangre.
16:20Yay!
16:21Hindi ba ay?
16:22Si Dea.
16:33Si Dea ang bagong tagapangalaga ng brilyante ng hangin.
16:37Kasunod ng paglitaw ni Dea Angel Guardian sa kampo ng mga sangre ay ang pagpapakita rin ng mga sagisag na mga brilyante.
16:44Si Adamos ang nakatakdang mga laga sa brilyante ng tubig.
16:47Si Flamara Faith na Sylvia sa brilyante ng apoy at si Tera Bianca Umali sa brilyante ng lupa.
16:53Tila naguluhan sila pati si Pirena Glyza de Castro nang si Dea na isang mini-ave ang napiling tagapangalaga ng brilyante ng hangin.
17:01Samantala si Mitena, Rian Ramos, nagkaroon ng heartfelt reunion sa kanyang ama na si Memen, Wendell Ramos.
17:08Humingi ng tawad si Memen sa nagawa kay Mitena.
17:11Dapat naman abangan ang nilulutong pag-aaklas ng mga mini-ave laban kay Mitena.
17:16Abangan yan sa GMA Prime pagkatapos ng 24 oras.
17:20Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended