00:00Bumalik na ang sigla ng stock market ng Pilipinas.
00:03Senyales ito na bumabalik na ang investor confidence sa bansa ayon sa mga business group.
00:08Tumaas ang Philippine Stock Exchange Index sa 104.88 points o 1.67%
00:14at nagsara sa 6,401.96 noong February 3.
00:20Pinakamatas ito mula sa January 19 ngayong taon.
00:23Pinuri ni Federation of Philippine Industries Chairman Emeritus Jesus L. Aranza ang Pangulo
00:28dahil sa magandang pamamalaka dito para pakalmahin ang sentimento ng mga investor.
00:34Ayon naman sa British Chamber of Commerce of the Philippines,
00:36positibo ang development na ito para sa paparating ng ASEAN chairmanship ng Pilipinas
00:42dahil mas nakahihikait ito sa trade and investments sa bansa.
00:47Dagdag naman ng mga ekonomista, nakatulong din sa sentimento
00:50ang inanunsyong 1.4 trillion peso government spending program
00:54para sa unang quarter ng 2026 kasabay ng ilang positibong global factors.
Comments