Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Nasa 20 motorista, nasita ng DOTr-SAICT dahil sa ilegal na pagdaan sa EDSA-Santolan Busway | ulat ni Bernard Ferrer

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, alamin natin ang update sa patuloy na operasyon ng DOTR Saik sa bahagi ng Edsa Santolan Busway.
00:06Ilan na kaya ang mga nasita ngayong umaga?
00:09Si Bernard Ferrer sa Detalye Live. Bernard?
00:13Joshua, umabot na sa 20 driver ang nasita ng DOTR Saik
00:18dahil sa iligal na pagdaan sa Santolan Edsa Busway.
00:23Muling nagpaalala ang otoridad na ang Edsa Busway ay eksklusibo para sa mga bus
00:27at hindi pinapayagan ang pagdaan dito ng mga pribadong motorista.
00:35Pagputok pa lang ng liwanag, nakaabang na sa Edsa Santolan Busway
00:39ang mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation or Saik
00:44sa ilalim ng Department of Transportation.
00:47Target ng operasyon, ang mga motoristang matigas ang ulo at patuloy na dumadaan sa busway
00:52na eksklusibo lamang para sa mga pampaserong bus.
00:55Maya-maya, isa-isa na nilang nasita ang mga motorsiklong iligal na pumasok sa busway.
01:03Nasita rin ang dalawang ambulansya na wala namang sakay na pasyente.
01:07Nagpaliwanag ang isa sa mga driver ng ambulansya na kaya ito dumaan sa busway
01:12ay dahil kailangan niyang gumamit ng palikuran.
01:15Ang mga lumabag ay binigyan ng violation ticket na may kaukulang multa na 5,000 piso.
01:21Sa kasalukuyan, pinapayagan lamang makadaan sa Edsa Busway
01:25ang mga ambulansya, truck ng bumbero at mga sasakyan ng kapulisan na may lihitimong operasyon.
01:34Joshua, sa lagay ng trapiko, mabagal na ang usad na masakyan sa magkabilang lane ng Edsa Santolan.
01:41Paalala naman sa ating mga motorista ngayong biyernes.
01:44Bawal po ang mga plakang nagtatapos sa numerong 9 at 0
01:47mula alas 7 ng umaga hanggang alas 10 umaga
01:50at alas 5 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.
01:53Balik sa iyo dyan, Joshua.
01:55Maraming salamat, Bernard Ferrer.
Comments

Recommended