00:00Sugata ng isang babae sa Maynila matapos aksidente raw mabaril ng kanyang kapatid na mamaril noon ng daga.
00:09Patuloy pa ang investigasyon at inaalam kung lisensyado ang baril.
00:13Mayunang balita si Jomera Presto.
00:17Tumatakbo ang tatlong lalaking yan habang buhat-buhat ng isa sa kanila.
00:21Ang isang babae sa barangay 867 sa Pandacan, Maynila, mag-aalas 6.30 kagabi,
00:26ang babae isusugod sa ospital matapos mabaril sa kanyang kaliwang paa ayon sa barangay.
00:33Inakala pa raw noong una naligaw na balang tumama sa biktima.
00:36Pero sa pangatlong balik ng mga pulis, dalawang baril umano ang narecover sa bahay mismo ng biktima.
00:43Isang airsoft at isang caliber .45.
00:46Sa kuha ng CCTV, may kita pa ang isang pulis habang may bit-bit na plastic kung saan nakalagay ang mga baril.
00:52Ayon sa barangay, tinitignan nila kung kamag-anak ng babae ang nakabaril sa kanya.
00:57Wala akong idea kung sino eh.
00:58Kuya ata or kamag-anak eh.
01:01Pero yung pamilyang yan, maayos naman, hindi naman din magulo.
01:07Ayon naman sa isang residente, kuya mismo ng biktima ang aksidente ang nakabaril sa kanya.
01:13Mamaril daw talaga ng dagayon.
01:15So gabi-gabi ata, ganoon ang nangyayari.
01:19Pagka-uwi na daw ng bahay, so parang tayo nga, namaril daw yata ang taga.
01:25Tapos eh, hindi sinasaya dyan na tama niya tayong kapatid.
01:30Base naman sa salaysay ng babae sa mga pulis, katatapos lang niyang maglaba noon at kumakain na siya ng hapunan
01:36nang bigla siyang makarinig ng putok ng baril.
01:39Bigla ro siyang natumba doon niya nanapansin na dumudugo na ang kanyang paa.
01:43Patuloy ang imbesigasyon ng Pandakan Police Station.
01:45Inaalam din nila kung lisensyado ba ang baril na ginamit ng lalaki.
01:49Sa oras na mapatunay na iligal, posibleng maharap sa patong-patong na reklamo ang lalaki.
01:55Sinubukan namin makipag-ugnayan sa pamilya ng biktima pero tumanggi na silang sumagot sa tanong kung sino ang nakabaril sa kanya.
02:02Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
Comments