00:00Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Telecommunication Summit 2026,
00:05kasabay ng pagtutok sa mas mabilis at mas murang koneksyon.
00:09Layunin ang administrasyon na tulduka ng mga balakid sa digital connectivity
00:13para walang Pilipino ang maiwan sa pag-asenso.
00:17Yan ang ulit ni Denise Osorio.
00:21Nakatutok ang gobyerno at mga malalaking telcos sa Philippine Telecommunication Summit 2026
00:26para itulak ang mas malawak at abot kaya na internet coverage sa buong bansa.
00:33Binigyang din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi lang ito usapin sa bilis ng connectivity,
00:39kundi kung paano ito nakakapagbukas ng mga pagkakataon at oportunidad para sa edukasyon, serbisyo at kabuhayan.
00:47Kasama ang Department of Information and Communications Technology,
00:51isinusulong natin ang mas mabilis na reforma upang maging mas mabilis at abot kaya
00:58ang ating mga binibigay na internet services.
01:02Kasabay nito, patuloy natin pinapalawak ang saklaw na konektibidad sa buong bansa.
01:08Dagdag pa ng Pangulo, malaki na ang inusad ng telecom sector kabilang ang paglawak ng 5G,
01:15pagdeploy ng fiber optic cables, paglakas ng mobile broadband at pagangat ng digital services.
01:21Nakadeploy na rin anya ang mga telecom providers ng mahigit 1.8 million cable kilometers sa buong bansa
01:28na nag-uugnay sa libo-libong kabahayan, silid-aralan, pamilihan at higit sa lahat
01:33mga oportunidad na dati-rati hindi kayang abutin.
01:37Pero aminado ang Presidente na mayroon pa rin mga hadlang sa mas pantay na connectivity
01:41na lalo pang nagpapalawak ng mga gaps sa internet access,
01:45kabilang ang pagbagal sa permits, right-of-way restrictions, fiber cuts at power interruptions.
01:51Kailangan magkaisa ang pamahalaan, ang pribanong sektor at mga lukang na pamayanan
01:58sapagkat walang iisang sektor lamang ang kayang harapin ang mga hamong ito.
02:04Kumilos tayo na may isang hangarin ang maghatid ng pag-asa, ng ginhawa at pagkakataon sa bawat Pilipino.
02:14Ilan sa mga ipinatupad na reforma tulad ng Konektadong Pinoy Act
02:18at ang mas malawak na infrastructure sharing, ang tumulong maiwasan ang dobleng gastos
02:23at mapababa ang deployment costs.
02:25Ang pag-usag naman ng National Broadband Fiber Backbone Project
02:28ay umabot na sa humigit kumulang 670 ahensya ng gobyerno
02:33at halos 17 milyong Pilipino na ang nakikinabang.
02:37Mayroon na rin 9,500 active free Wi-Fi access points
02:41sa humigit sa 5,000 pampublikong mga lugar
02:44at higit sa 89,400 subsidized SIM cards na ang naipamahagi sa mga estudyante,
02:50guro at mga indigent communities.
02:52Ayon naman kay DICT Secretary Henry Aguda,
02:55mahalaga rin ito para sa chairship ng Pilipinas ng ASEAN ngayong taon
02:59dahil dito ipinapakita ng bansa na handa itong maging sentro ng teknoloya sa reyon.
03:05Makita nyo naman yung mga kasama natin from Globe, from PLDT, from SMART, from Converge, from DITO
03:13is to show support na they are answering the call of the president
03:17for more affordable, better quality and faster internet
03:23and pervasive internet connectivity.
03:26This is to tell ASEAN and share with them na the Philippines is open for business
03:33na we can be an ICT hub, both for connectivity and for AI compute.
03:40Layon ng pamahalaan na habang patungo sa digital space ang Pilipinas,
03:45magkaisa ang gobyerno at mga telco companies para mapabilis ang rollout,
03:49mapababa ang gasto sa pagpapalawak ng networks,
03:52at may paabot ang mas malawak at mas maaasahang koneksyon
03:56hanggang sa mga lugar na hindi pa naaabot o kulang sa servisyo.
04:00Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments