Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Arestado po ang 6 na Chinese dahil sa pagpapatakbo umano ng iligal na pabrika ng sigarilyo sa Pampanga.
00:07May ulat on the spot si Darlene Cai.
00:10Darlene?
00:13Connie, nakakordo na itong bodega sa likuran ko.
00:16Nandyan kasi yung mga ebidensya ng umano'y iligal na pagawaan ng sigarilyo dito sa Mexico, Pampanga.
00:226 na Chinese nationals ang inareso at mahigit 60 Pilipino ang narescue ng mga otoridad.
00:30Ilang makinang gamit sa paggawa ng pagpapak ng mga sigarilyo, bulto-bultong mga sigarilyo, fake BRR stamps at packaging materials.
00:38Yan ang nasam-sam na mga otoridad sa dalawang warehouse dito sa isang compound sa Barangay Panipuan sa Mexico, Pampanga.
00:45January 28, sinalakay ng mga otoridad ang compound na ito na ayon kay DILG Secretary John Vic Remulia ay nagpapatakbo ng iligal na operasyon ng paggawa ng sigarilyo.
00:54Dito ina-assemble, pinapak at tinatatakan pa rao ng peking BRR stamps sa mga pakete ng sigarilyo.
00:59Arestado ang 6 na Chinese nationals ang uminang nagpapatakbo sa paggawaan.
01:03Narescue ng mga otoridad ang mahigit 60 na Pilipino o 60 na Pilipino na mga biktima rao ng human trafficking.
01:10Sabi ni Remulia, pinangakuhan daw sila ng mahigit 15,000 pesos kada buwan na sweldo pero pinagtrabaho rao sila sa inhumane conditions o hindi makataong kondisyon at hindi pa rao sinuswelduhan.
01:23Isang buwan daw tumakbo ang operasyon at humigit kumulang 4.5 billion pesos ang halaga ng iligal na sigarilyong nagawa na rito.
01:31Karamihan daw dyan ay nasa merkado na.
01:34Ayon sa PNP, may pagkakapareho sa stamps na nakita rito at sa mga naunang nasamsam ng PNP Highway Patrol Group noong December 31, 2025.
01:43At sa Balete, Batangas noong January 1 sa Malabon.
01:47Kaya kasama sa embesigasyon ng otoridad ay kong konektado ang mga ito.
01:51Sabi ni Remulia, base sa kanilang intelligence information, dalawang congressman mula sa Luzon ang mastermind sa operasyon ng iligal na paggawa ng mga sigarilyo.
02:01Tumanggi muna siyang pangalanan ang dalawa.
02:04Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng mga suspect at tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga narescue na Pilipinong manggagawa.
02:13Connie, human trafficking at agricultural sabotage ang ilan lang sa mga asuntong haharapin ng mga suspect at patuloy yung investigasyon at follow-up operation sa mga polis.
02:23Yan ang latest mula rito sa Mexico, Pampanga. Balik sa'yo, Connie.
02:27Maraming salamat, Darlene Kai.
Comments

Recommended