00:00Nakataas ang signal number 2 sa Surigao del Sur kung saan inaasang maglalanfall ang Bagyong Basyang.
00:06Maraming residente na ang lumikas.
00:09Live mula sa Hinatuan, Surigao del Sur, may una balita si James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
00:17James!
00:20Igan, nasa 600 pamilya ang inilikas ng LGU Hinatuan bago pa man dumating ang Bagyong Basyang.
00:28Yan ay para masiguro ang kanilang kaligtasan.
00:31Hindi pa man ramdam sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur ang epekto ng Bagyong Basyang.
00:37Nagutos na ang LGU Hinatuan ng preemptive evacuation bilang pag-iingat sa bagyo na ngayon isa ng tropical storm.
00:43Ayon sa LGU, meron silang limang malalaking island barangays kung saan mahigit 500 na pamilya ang nakatira.
00:51Sa barangay San Juan, siksikan ang mga residenteng lumikas mula sa sityo mahaba.
00:56Ayon sa opisyal ng barangay, nasa 148 na pamilya ang kanilang nailikas simula pakagabi.
01:03Sabi naman ng mga residente ng barangay, sanay na daw sila sa ganitong sitwasyon.
01:07Mas mabuti na raw na nasa evacuation center sila para wala na silang iintindihin pa kung sakaling lumakas ang bagyo.
01:15Igan, sa ngayon ay isinailalim na sa tropical cyclone wind signal number 2 ang malaking bahagi ng Surigao del Sur.
01:23Kabilang na nga ang hinatuan at pinag-iingat ng LGU ang mga nakatira dito sa coastal barangays dahil nga anytime ay pwede magpatupad ng preemptive evacuation ang MDRRMO.
01:36At nakakaranas na rin ang pabugsubugsong pagulan na may kasamang hangin dito sa lugar.
01:42Igan, maraming salamat James Paolo Yap ng GMA Regional TV.