• 10 months ago
Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Rodante Marcoleta, mainit ang sagutan sa Senado hinggil sa nasasakupan ng Pilipinas sa West Philippine Sea; Sen. Juan Miguel Zubiri, sinabing may batas nang naipasa tungkol dito | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naging mainit ang diskusyon ng ilang senador nito lunes sa plenaryo ng Senado,
00:05hinggil sa exactong coordinates ng West Philippine Sea at kung hanggang saan lang ang saklao ng Pilipinas dito.
00:11Ayon sa isang senador, may naipasa na umanong batas tungkol dito.
00:15May report si Luisa Erispe.
00:20Naging mainit ang sagutan ni Sen. Rodante Marco Leta at Sen. Kiko Panghilingan kung ano ba talaga ang nasasakupa ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
00:29A pinupunto kasi ni Sen. Rodante Marco Leta, ano ba ang eksaktong sukat na dapat saklao ng Pilipinas sa WPS.
00:37Mahirap kasi ipaglaban kung hindi naman alam kung ano ba talaga raw ang pag-aari ng Pilipinas.
00:42Kaya po nagiging importante na kailangan po natin munang pag-aralan hanggang saan eksakto pong coordinates ba ng ating West Philippine Sea.
00:52Dito po sa binabanggit nating mga batas sa ngayon, kung titignan natin,
00:56hindi po natin sila magagamit, Mr. President.
01:01Kaya napakahirap po ngayon nating sagupain yung mga pananaw na parang may nagaangkin ng atin
01:10pero hindi pa natin ma-define kung ano talaga yung atin.
01:13Pero bumanat si Sen. Kiko. Sa arbitral ruling pa lang noong 2016 ng Permanent Court of Arbitration,
01:21inawardan na ang Pilipinas ng karapatan sa West Philippine Sea.
01:25Kaya ano ba talaga ang pinupunto ng kapwa senador?
01:28Are we trying to say here that the arbitral ruling was erroneous?
01:33And therefore we should stop claiming what was awarded us?
01:40I don't see the logic, Mr. President.
01:43Gihit pa ni Sen. Panghelinan, dapat bang baliwalain ang arbitral ruling o kaya ay muling questionin.
01:50Pero bumanat ulit si Sen. Barcoleta.
01:52Wala namang nasasaad sa ruling ng eksaktong saklaw ng bansa.
01:56Sinubukan naman sagutin ito ng panghelinan at sinabing pwede naman itong ma-define ng batas ng Pilipinas.
02:02Pero sumingit na si Majority Leader Juan Miguel Subiri noong 19 Congress na pag-usapan na raw ito at may napasan na rin batas dito.
02:11Meron na po tayong approved and signed by the President a Republic Act on these two measures.
02:18It was the Philippine Baseline Law and the Philippine Archipelagic Sea Lanes.
02:26So maybe the two gentlemen can look into these two laws to see the exact coordinates that we approved as a law.
02:34Sumingit din si Sen. President Vicente Soto III.
02:37Kine-question naman ang posisyon ng China.
02:40Yung ba China meron silang coordinates?
02:43Yung 9-dash line nila?
02:45Wala.
02:46Wala eh. Tayo nga may baseline eh. May baseline, attend-dash line na. O, big-coordinates ba?
02:52Sa huli, isinarado muna ang diskusyon sa plenario at ang Senate Resolution 256 na kinuakondena ang mga pahayag ng Embahada ng China
03:01laban sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ay hindi muna naaprobahan.
03:06Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended