Skip to playerSkip to main content
  • 1 week ago
DOTr, inilatag ang mga hakbang para sa mabilis at komportableng byahe ng commuters, alinsunod sa direktiba ni PBBM | ulat ni Cleizl Pardilla

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inilatag ng Transportation Department ang mga ipatutupad na hakbang para gawing komportable at mabilis ang biyahe ng mga commuter.
00:08Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:15Matagal na nga, pahirapan pa ang biyahe ng call center na si Camille mula Kalooka na hanggang Alabang.
00:22Lalo kapag nag-MRT ka, sobrang siksikan. So diba syempre yung mga ano natin, sensitive part, dikit-dikit na talaga.
00:30And then syempre traffic, instead na nasa bahay ka na nasa biyahe ka pa. Roughly parang mga 3 hours yung biyahe.
00:38Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Transportation na pabilisin at gawing komportable ang biyahe ng mga pasahero.
00:48Nagbigay naman ang direktiba si Pangulong Marcos Jr. sa kalihim na gawing prioridad ang kapakanan ng commuters.
00:56Panatilihing malinis at maaliwalas ang mga pasilidad.
01:01At siguruhing reliable at on-time ang mga tren sa lahat ng oras.
01:05Sa pagpupulong sa Malacanang, inilatag ng Transportation Department ang mga ipinatutupad na hakbang at plano ng ahensya.
01:14Kabilang ang rehabilitasyon ng train facilities ng MRT Quezon Avenue Station, umiiral na cashless payments sa MRT na ipatutupad na rin sa LRT 1 at 2 ngayong taon.
01:27Kabilang din ang pagsasayos sa mga natitirang dalyan trains sa MRT 3 para mapabilis ang biyahe ng tren.
01:35Sa susunod na taon, aarangkada na rin ang partial operations ng North-South Commuter Railway mula Valenzuela hanggang Malolos, Bulacan.
01:45At sa 2028 naman, tutulak na ang biyahe mula Malolos hanggang Clark.
01:512027 din ang target ng partial operations ng MRT 7 na magdurugtong sa Quezon City at Bulacan.
01:59Samantala ay nakatakdang magsimula ang demo run ng Metro Manila Subway sa taong 2028 at sa 2033 ay inaasang fully operational na ito.
02:11Aprobado na rin ang presidente ang mungkahin ng DOTR na pahabain ang visa ng registration ng mga bagong sasakyan.
02:19Mula tatlong taon, palalawigin na ito sa limang taon, ang sejia ng ilang motorista.
02:26Okay lang yung mga pabor sa mga busy.
02:31Pero yung...
02:32Pabor pa sa iyo?
02:33Pabor, pabor.
02:34Pero yung maalaga rin yung ano, kung gaano kabilis magpariistro.
02:39Kaleizang Pornilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended