00:00Alamin naman natin ang mga kaganapan sa mundo ng international sports scene
00:03sa report ni teammate Justin Ilano.
00:09SETANIS
00:10Tinapos ni Kazak 5th seed Elena Ribakina
00:13ang pagre-reina ni World No. 1 Arena sa Balenca
00:16matapos ang isang matinding 3-set finals match
00:19upang masungkit ang kanyang kauna-unahang Australian Open title.
00:23Nahuli pa sa score na 3-0 sa ikatlong set si Ribakina
00:26ngunit hindi sumukong ang 26-year-old Kazak star.
00:30Nananalo ng limang sunod na games
00:31bago tuloy ang selyuhan ng tagumpay sa score na 6-4, 4-6 at 6-4.
00:37Nakabawi rin si Ribakina sa pagkatalo niya kay Sabalenca
00:40sa 2023 Australian Open Finals
00:43at maayos na naisaraang laban sa pamamagitan ng isang ace.
00:47Ito na ang ikalawang Grand Slam title ni Ribakina
00:49matapos ang kanyang tagumpay sa Wimbledon noong 2022.
00:56Sa balit ng basketball naman,
00:58sinuspinde ng NBA ng 25 games si Paul George ng Philadelphia 76ers
01:04matapos lumabak sa mga alituntunin ng Liga kaugnay ng anti-drug program.
01:09Hindi na inilahad ng Liga ang detalye ng paglabag
01:12o ang uri ng ipinagbabawal na substance na sangkot sa kaso.
01:16Ayon sa Collective Bargaining Agreement ng NBA
01:18at ng National Basketball Players Association,
01:21ang 25-game suspension ay itinituri na unang paglabag.
01:24Sinimula ni George ang kanyang suspensyon noong Sabado
01:27sa araw na hinarap ng Philadelphia ang New Orleans.
01:30Dahil sa suspensyon,
01:31mawawalan si George ng tinatayang $11.7 million
01:34mula sa kanyang $51.7 million salary
01:38o halos $470,000 bawat laro.
01:42Bahagi ng halagang ito ay ituturing na tax credit
01:45na magnalagay sa 76ers
01:46ng humigit-kumulang $1.3 million
01:49na lampa sa Luxury Tax Line.
01:52Inaasahang maaaring makabalik sa aksyon si George
01:54sa March 25 kapag hinarap ng Philadelphia
01:57ang Chicago na may natitirang humigit-kumulang
01:59na 10 regular season games.
02:03Sa figure skating,
02:05muling nagbalik sa kompetisyon
02:07ang Russian figure skater na si Camila Valjeva
02:09noong Sabado,
02:10matapos ang matagal na pagkawala sa sports scene
02:13dahil sa doping ban.
02:14Unang paglaban nito ni Valjeva
02:16simula ng magtapos noong Desyembre
02:17ang kanyang apat na toong suspensyon
02:19sa kanyang paglahok
02:20sa Russian Skate Jumping Championship
02:22na ginanap sa Moscow.
02:24Matatandaang ang 19-year-old
02:25na dating child prodigy
02:27ay naging bahagi ng Russian team
02:29na nanalo ng ginto
02:30sa 2022 Winter Olympics sa Beijing.
02:32Subalit binawi ang nasabing titulo
02:34at iba pang parangal
02:36matapos papatunayang bumagsak siya
02:38sa isang doping test noong December 2021.
02:40Hindi pa makakabalik sa Olympics
02:42si Valjeva hanggang 2030 Winter Games
02:45dahil hindi siya nakasali
02:46sa mga qualifiers
02:47para sa 2026 Winter Olympics
02:50sa Italy.
02:51Justine Ilano
02:52para sa Pambansang TV
02:53sa Bagong Pilipina.
Comments