00:00Pansamantalang sarado, ilang bahagi ng North EDSA sa Quezon City para bigandaan ng instalasyon ng malalaking bakal sa MRT7.
00:09Ang efekto niya sa mga motorista sa unang balita live ni EJ Gomez.
00:15EJ?
00:19Egan, good morning.
00:21Nagsimula ng kahapon, February 1, ang pansamantalang pagsasara ng ilang bahagi ng EDSA dito sa Quezon City
00:28dahil sa girder launching ng MRT7.
00:32Ikalawang araw pa lang ngayon pero ilang motorista na ang nagsabi,
00:36lalo na yung mga namamasada na malaking abala raw sa kanilang hanap buhay, ang road closures.
00:44May pansamantalang pagsasara ng ilang bahagi ng North EDSA sa Quezon City
00:49dahil sa girder launching ng MRT7 simula nitong unang araw ng Pebrero.
00:54Apektado ang EDSA North Avenue, EDSA West Avenue at North EDSA mula Landmark Trinoma
01:00hanggang Unified Grand Central Station.
01:03Ang girder launching na gagawin namin, yun yung tatawid doon sa West Avenue.
01:09Kaya nga naglalagay kami ng tower support para dito idudugtong namin ito dito,
01:17papunta doon sa EDSA, apos diretso doon sa West Avenue.
01:21Nagpo-full road closure kami dito mga after 10 days.
01:27Kaya volume talaga yung traffic. So makaka-apekto talaga.
01:31Sa northbound patungong Balintawak, dalawang lanes ang isasara 24-7 hanggang May 8.
01:37Dalawang lanes din ang isasara 24-7 sa southbound patungong Kubaw mula February 15 hanggang May 18.
01:44May full nighttime closures din tuwing 10pm hanggang 4am sa mga piling araw.
01:48Hindi rin madaanan ang West Avenue EDSA mula March 24 hanggang April 29 sa parehong oras.
01:56Ang trabaho namin dito 24-7 around the clock.
01:59Sisikapin namin na masunod talaga yung schedule, masunod yun.
02:04Kasi katatakbo na itong train by middle of 2027.
02:10Inaabisuhan ang mga motorista na tumaan sa mga alternatibong ruta tulad ng Quezon Avenue, Mindanao Avenue, Visayas Avenue, West Avenue at iba pa.
02:20Magpapatupad din ang zipper lanes sa tuwing may full closure para makadaan pa rin ang mga sasakyan.
02:26Ang MMDA, Quezon City LGU at Transportation Department Contractors ay nakaantabay para gabayan ng mga motorista.
02:33Dalawang araw pa lang ang mga road closures sa EDSA.
02:36Nagre-reklamo na ang ilang driver.
02:38Konsumo po sa diesel yun.
02:40Tapos yung mga ibang pasyero po, misan napapaaway po kami sa kanila kasi pablasan diretso po.
02:46Madali po saan makarating.
02:48Lalo natatagalan po ma'am kasi umiikot pa po kami.
02:51Kaya yun po ang pinaproblema namin.
02:53Ang dalawang dekadang taxi driver naman na si Jerry, sinabing malaking kabawasan daw sa kita nila ang isinasagawang road closures.
03:02Napakalaking abala ko talaga.
03:04Lalo na kung iikot pa po kami, ahanap kami ng alternatibong ruta para mayatid namin ang pasyero.
03:09Hindi namin alam kung saan kami dadan.
03:11Lalo na po dito sa likod, sa Memindano Avenue, sa Project 6.
03:15Napakahira po talaga. Malaking epekto po talaga sa amin lalo mga taxi driver.
03:23Iga, nandito tayo ngayon sa kahabaan nitong North Avenue.
03:29At yung nakikita ninyo ngayon ay isa sa mga ginagawang tower support kung saan ilalagay nga yung girder.
03:37Ayon sa MMDA, Iga, kailangan naman daw talagang isara itong ilang bahagi ng EDSA para raw yan sa kaligtasan ng mga gumagawa.
03:45Gayun din ng mga motorista.
03:47At yan, ang unang balita mula po dito sa Quezon City.
03:50E.J. Gomez, para sa GMA Integrated News.
Comments