Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mga Igan, kabilang ba kayo sa mga naipis at traffic sa EDSA kahapon?
00:04Eh ba yung maghahanda pa ng mas mahabang pasensya?
00:07Sabi kasi ng MMDA, lalampas pa sa maygit 400,000 ang bilang na mga sasakyan doon
00:12kada araw ngayong holiday season.
00:14Halos doblyan ng average daily traffic volume capacity na maygit 200,000 dapat lang.
00:21At yan ang unang balita na kasama natin si Baris Umali.
00:24Nagmukhang paradahan na ng sasakyan ng ilang bahagi ng EDSA sa kasagsagan ng rush hour
00:33gaya sa kamuning flyover sa Quezon City kung saan tatlo hanggang limang kilometro lang ang usad kada oras.
00:39Sabay-sabay rin naipon sa ilalim ng flyover ang maraming sasakyan.
00:43Halos wala ng pag-usad ang mga sasakyan sa EDSA Southbound sa tapat ng Scout Albano.
00:47Hirap na ang mga papasok at palabas ng EDSA dahil sa bumper-to-bumper na daloy.
00:52Ang ilang motorsiklo, nawawala na sa kanikanilang lane at pilit na sumisingit sa pagitan ng mga sasakyan.
00:58Mabagal din ang galawan sa Skyway Northbound at SLEX Northbound patungong EDSA.
01:03Sa EDSA Magallanes patungong Ayala Avenue, may pag-usad naman pero nasa 10 kilometers per hour lang
01:08hanggang paakyat ng northbound ng Ayala underpass.
01:12Ayon sa MMDA, umaabot sa 427,000 ang average daily traffic volume sa EDSA
01:17gayong 250,000 lang ang kapasidad dito.
01:20At tuwing holiday season, tumataas pa yan ng 10 hanggang 20 percent
01:24o katumbas ng 40,000 hanggang 80,000 na sasakyan.
01:28Lalo ngayong papalapit ang Pasko.
01:30Kaya kailangan mabakon ngayon ng napakahabang pasensya habang nasa kalsada.
01:34Magiging kampante lang, makakauwi naman ng maayos sa pamilya.
01:38Nalangan natyagayin na lang itong traffic.
01:40Ginagawa ko na lang, may saun-saun konti para mawala po, maiigdan po yung ano.
01:45Marami ang naglakad na lang dahil hirap makakuha ng masasakyan.
01:48Ang hassle po, ang hirap pong sumakay.
01:52Sobrang dahan-dahan lang yung takbo ng mga sasakyan.
01:55Kaya naglalakad na lang po kami.
01:56Ganto pa din kasi pag morning eh.
01:58Pero usually pag hapon, minuawa ko na lang talaga.
02:01Kaya ngayon naglalakad ako.
02:02Tuloy-tuloy naman daw ang MMDA sa pagtugon sa problema ng matinding trapiko.
02:06Isa sa kanilang panawagan sa mga LGU ay ipagbawal muna ang mga mall-wide sale,
02:11na isa raw sa mga naging dahilan ng kalbaryong inabot ng mga motorista
02:15noong Sabado sa Marcos Highway.
02:17Nagkasabay-sabay po yung sale doon po sa mga malls na outside ng jurisdiction ng MMDA.
02:25At kung nyo po matatandaan, pinagbabawal po natin ang mall sale dito po sa Kamaynilaan.
02:32Hindi naman po natin pinagbabawal yung sale per store.
02:36Ang pinagbabawal lang natin ay yung mall-wide sale na kabuuan po ng mall ay lahat po ng stores ay may sale.
02:43At nag-agree po sila dyan.
02:45Dahil pag sobra rin po ang traffic, nawawala po yung foot traffic sa kanilang mga malls.
02:51Pinaayos din sa mga LGU ang pagsasabay-sabay ng mga truck band.
02:55Dapat coordinated kasi ang nangyari po yung mga naipit po na hindi makapasok sa mga LGUs ay pumarada sa karsada na nagkaroon din po ng pagsisikip.
03:08Patuloy rin ang clearing operations at pagbabantay, hindi lamang sa mga pangunang kalsada at mabuhay lanes.
03:13We also attend sa mga complaints dito po sa mga level ng mga barangay roads, secondary roads, and even tertiary roads po.
03:21Kadalasan po na nadadatnan o naisuan po natin ang ticket itong mga tinatawag na illegal parking.
03:28Ito ang unang balita. Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
03:38Para sa ibang-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended