00:00Naniniwala ang ilang mambabatas na tila binago ng Korte Suprema ang mga patakaran sa impeachment.
00:06Kasunod ng desisyon nitong pag-tibayin ang pagdideklara ng unconstitutional ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte noong 2025.
00:18Si Senate President Tito Soto, pinalutang ang pag-amienda sa saligang batas. Yan ang aking sinaksihan.
00:24Sa February 6, matatapos ang one-year bar o pagbabawal na magsampan ang panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:36Kaya inaasahan na raw ng bise ang mga panibagong tangkang sampahan siya ng impeachment complaint.
00:41Hindi lang ngayong taon na ito dahil sigurado kapag hindi sila nakapagsahe ngayong taon, sisunod na taon at hanggang matapos ang aking terminawa.
00:51Nasa The Netherlands si Vice President Duterte para bisitahin ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong sa detention facility ng ICC.
01:01Mula ko ng 2023, hindi raw tumigil sa paghahanda ang legal team ng bise kahit di natuloy ang paglilitis sa kanya noong nakaraang taon.
01:10Pero di na raw niya ito binanggit sa kanyang ama.
01:12Mas pabuting pag-usapan na yung mga ibang bagay na mas may relevance sa buhay natin at sa bayan kesa yung sa impeachment.
01:23Ipinagpasalamat ni Nambisi ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang apila ng Kamara sa pagdadeklarang unconstitutional ang articles of impeachment laban sa kanya.
01:33Gayunman, binanggit ng Korte Suprema na hindi nila inaabswelto si Duterte sa mga paratang.
01:38Sinusunod lang daw ang itinakda sa saligang batas na isang beses lang sa isang taon pwedeng magsimula ang impeachment proceedings laban sa isang impeachable na opisyal.
01:49Si President Tito Soto kakausapin ang liderato ng House of Representatives kung ano pa ang maaring gawin saan niya'y pagkakamali sa desisyon ng Korte Suprema.
01:58Bottom line, ayaw na nila may impeachment sa Pilipinas. Yan o nang itsura nitong desisyon na ginawa ng Supreme Court.
02:05I think impeachment now is an impossible dream.
02:09Pinalutang din ni Soto ang usapin ng pag-amienda ng saligang batas para raw maiwasto ang ginawaan niyang panghimasok ng kataas-taasang kukuman sa kapangyarihan ng Kongreso.
02:19Palitan na natin ang konstitusyon. Baguhin na natin pagkaganyan. Pagkatapos marahil yung constituate assembly makakagawa lang dyan.
02:33Or mag-iintay tayo ng decades. Bakit? Kailangan ma-retire na muna itong mga Supreme Court justices na ito.
02:41Tingin din ng ilang kongresista, binago ng Korte ang rules on impeachment.
02:44The Supreme Court is not merely review of the House's compliance with clear constitutional commands.
02:51It has rewritten the operating manual for impeachment initiation.
02:57It has supplied new rules, new timelines, and new consequences that are nowhere found in the text.
03:05This sets a very dangerous precedent that weakens separation of powers.
03:09Sa desisyon na inilabas kahapon, may mga nilinawan Supreme Court.
03:13Una, ang unang tatlong impeachment complaints laban kay Vice President Duterte ay hindi inilagay sa order of business ng Kamara sa loob ng nakatakdang sampung session days.
03:24Dahil ang dapat sundin sa pagbubilang ng araw ay simpleng calendar day o bawat literal na araw na nakasesyon ng Kongreso.
03:31Ang sinunod kasing bilang ng Kamara sa isang session day, wala sa pagbukas ng sesyon hanggang sa i-adjourn ito.
03:39Pangalawa, maituturing ng initiated ang isang impeachment complaint kaya aandar na ang one-year bar sa paghahain ng iba pang impeachment complaint laban sa opisyal kapag in-refer na ito sa Committee on Justice.
03:52Kung hindi inilagay sa order of business sa loob ng sampung session days o pagkatapos nito ay hindi in-refer sa House Committee on Justice sa loob ng tatlong araw o kung hindi ito inaksyonan ng Kamara bago mag-adjourn si Nidye.
04:05Ang ikaapat na impeachment complaint noon laban sa Vice, hindi na dumaan sa Committee on Justice at direktang ipinadala sa Senado dahil supportado ito ng mahigit one-third ng mga kongresista, alinsunod sa probisyon ng saligang batas.
04:19Dati, sinabi ng Supreme Court na dapat binigyan ang bisi ng pagkakataon na sagutin ang mga paratang bago i-refer sa Senado.
04:27Pero sa bagong resolusyon, nilinaw ng Korte na kung ganitong paraan ang gagamitin, ang pagkakataon ng nasa sakdal na magbigay ng panig ay sa paglilitis na mismo sa Senado.
04:37Ayon kay former Supreme Court Associate Justice Adolfo Ascuna, isa sa mga bubalakas sa 1987 Constitution,
04:43Sa bagong resolusyon ng Supreme Court, mas bumilis ang second mode of impeachment o yung pagpafile ng complaint ng one-third ng lahat ng miyembro ng House of Representatives na agarang itatransmit sa Senado.
04:57Kung dati kasi required na padaanin pa ito sa House Committee on Justice, ngayon sinabi ng Supreme Court na maaari na itong gawin ng Kamara kung nais lamang nila.
05:06Mas maganda na ngayon at hindi na masyadong mahigpit ang pagproseso ng impeachment.
05:16Nanggal na yung mga requirements na kailangan magkaroon ng hearing, kailangan magkaroon ng prueba na naintindihan nila yung complaint at saka yung ebidensya, hindi na kailangan yun.
05:27So optional na lang yung hearing at saka yung dating procedure na i-refer na sa committee as a way of initiating a complaint.
05:40Pero kabalik na rin ang tingin ni Soto dito.
05:43Kailangan ma-insure na yung endorsement ng mga members may verified.
05:48Hindi pa pwede masapirma.
05:50Kailangan i-confirm din ng member ng House supporting the grounds for the complaint.
05:57Tapos every member should be given a copy of the complaint.
06:03As well as the evidence supporting, kailangan bigyan lahat.
06:07Napakadali ng pigili ng impeachment niyan.
06:10Sabihin nung isa, ayaw ko.
06:13Ayaw ko pa sa'yan eh.
06:14Punto pa ni Ascuna, hindi na rin pwedeng upuan o hindi aksyonan ang impeachment complaint.
06:20To cover the loophole, when Congress makes e-fit, the complaint doesn't refer it to a committee, ini-e-fit lang and lumampas yung panahon.
06:31Sabi ng Supreme Court, hindi pwede yun.
06:34If you do not refer to a committee within the time period and the time lapses, yun, commence na rin yun.
06:40Or, even if you do not refer to a committee and the time is still running, but the Congress adjourns, yun, initiated na rin yun.
06:53Wala ka na mahi-impeach.
06:55Kasi ang gagawin ng kahit sinyo, magpa-file ng impeachment ng walang kakwenta-kwenta, basurang impeachment, siguradong walang mangyayari.
07:03Hindi na pa pwedeng i-entertain yung pangalaman, pangatlo, pangapat na impeachment.
07:08Paano kala ni Escuna? May magagawa pa ang Kongreso sa pamamagitan ng pagpupasa ng rules na naaayon sa posisyon nito.
07:16Palagay ko, pwede nilang baguhin yung mga sinabi ng Supreme Court as long as it's consistent with the Constitution.
07:25They can adapt all the rules they like as long as it is consistent with the Constitution.
07:31Sabi naman ng ilang kongresista, para maiwasan ang constitutional crisis, baguhin na lang ang rules of impeachment ng Kamara.
07:38If we will be insisting on what we believe and we will not be recognizing the authority of the Supreme Court,
07:46we will be having a chaotic nation na nagkakanya-kanya ng policy at gusto nilang mangyari.
07:54Meron tayong pangtingin na nagkaroon ng judicial overreach at kung kinakailangan na ibaguhin yung House rules para to comply with the Supreme Court decision,
08:04nang sa ganoon hindi uli pa rin takbuhan ng mga naabuso sa kapanyadihan ang Supreme Court then so be it.
08:09Ginagalang naman ni Pangulong Bongbong Marcos ang desisyon ng Korte Suprema.
08:14Ang Supreme Court po ang siyang final arbiter ng mga legal issues so nirirespeto po yan ang Pangulo.
08:19Ayon sa mga leader ng House Committee on Justice, wala ng epekto sa impeachment proceedings laban kay Pangulong Bongbong Marcos ang desisyon ng Korte
08:28dahil na-refer na ang reklamo sa kanilang kumite.
08:31The resolution has no effect on the impeachment of the President.
08:36First, the President is sought to be impeached by two groups by the filing of complaints and these were endorsed.
08:51And these complaints have now been referred to the Committee on Justice.
08:56Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
Comments