00:00Tuloy-tuloy lang sa paghahanda ang legal team ni Vice President Sara Duterte sa impeachment,
00:05lalot inaasahan niyang tatangkain muli ang paghahain nito sa pagtatapos ng one-year bar rule sa Pebrero.
00:12Pero ani Duterte, hindi niya ito binabanggit sa ama dahil may ibang mas mabuti anyang pag-usapan.
00:19Nakatutok si Darling Kai.
00:23Mula 2023, hindi na raw tumigil ang legal team ni Vice President Sara Duterte sa paghahanda para sa impeachment.
00:30Kahit nang hindi natuloy ang paglilitis sa kanya noong nakaraang taon.
00:34Ibinahagi yan ang Vice habang nasa The Netherlands nang bisitahin ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC detention.
00:41Hanggang ngayon, tutuloy-tuloy pa naman yung mga abogado and legal team.
00:46And noong nakaraang taon, bago mag-Christmas break, ay napag-usapan din namin yung paghahanda sa impeachment.
00:55Pero hindi niya na raw ito binanggit sa ama.
00:57Mas mabuting pag-usapan na yung mga ibang bagay na mas may relevance sa buhay natin at sa bayan kesa yung sa impeachment.
01:08Ipinagpapasalamat ng Vice ang pagbasura ng Korte Suprema sa apela ng Kamara sa deklarasyong unconstitutional ng articles of impeachment laban sa kanya.
01:17Unang pasalamat ko sa Diyos, sa mga abogado, at pangatlo ay yung pasalamat ko sa lahat ng mga kamabayan na patuloy na naniniwala at nagtitiwala sa akin.
01:31Gayunman, binanggit ng Korte Suprema na hindi nila inaabswelto si Duterte sa mga paratang laban sa kanya.
01:38At sinusunod lang ang itinakda sa Saligang Batas na isang beses lang sa isang taon pwedeng magsimula ang impeachment proceedings laban sa isang impeachable na opisyal ng gobyerno.
01:48Sa February 6, matatapos yung one-year bar o pagbabawal na sampahan ng ibang impeachment complaint si Vice President Sara Duterte.
01:57Kaya inaasahan na raw ng BSE ang mga panibagong tangkang sampahan siya ng impeachment complaint.
02:02Bagay na, sinabi na ng makabayan bloc na plano nilang gawin.
02:05Hindi lang ngayong taon na ito, dahil sigurado kapag hindi sila nakapagsahe ngayong taon,
02:11susunod na taon at hanggang matapos ang aking termino.
02:15Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai nakatutok 24 oras.
Comments