Skip to playerSkip to main content
The eight-year old son of a killed policewoman is also found dead, this time in Victoria, Tarlac.


His remains were found wrapped in plastic and were identified by his father.


The child is still wearing the same jacket he was wearing when he and his mother went missing last January 16.


Medico-legal report says the cause of death was asphyxia by suffocation.


Authorities are also investigating a vehicle that was seen in the area.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang araw matapos makitang patay ang pinaslang na babaeng pulis sa Bulacan,
00:06natagpuan na rin bangkay ang kanyang walong taong gulang na anak.
00:09Nakabalot sa plastic na iniwan sa isang taniman sa Victoria Tarlac ang labi ng bata,
00:15na ayon sa Medical Legal Report ay namatay dahil kinapos sa hininga.
00:20Kinilala rin ng aba ang labi ng bata na suot-suot pa ang jacket na gamit ito nang mawala noong January 16.
00:28Nakatutok si Bea Pinlac.
00:33Balot ng plastic nang matagpuan ang bangkay na kinilalang si John Ismael Mulyenido.
00:39Sa bahagi na ito ng taniman ng Kalamansi sa barangay Malwyd, Victoria Tarlac,
00:43natagpuan ang bangkay ng walong taong gulang na si John Ismael.
00:47Ayon sa barangay, nakadapa at nakabalot ng plastic ang bangkay
00:52nang una itong makita ng isang magsasakang nagagapas ng damo kakapon.
00:56Naggagapas siya, napansin niya may naka-plastic bag na mahaba.
01:01Pag dito ka po, halos wala kang maaamoy eh.
01:05At least nabababa ka doon sa talagang malapit sa kanya para may namaamoy ka konti.
01:09Sa tingin ko po naagnas na yun dahil nagtutubig na yung nakita namin ka po, nagtutubig na eh.
01:14Si John Ismael ang anak ng babaeng polis na si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollienido
01:20na natagpo ang patay sa gilid ng bypass road sa Pulilan, Bulacan nitong January 24.
01:27Kinilala ang bata ng mismong ama niya nang pumunta ito kasama ang ilang kaanak nila
01:32sa punerarya sa Tarlac City kaninang madaling araw.
01:35Suot-suot ni John Ismael ang jaket na huli nitong gamit base sa larawang ito kuha noong January 16,
01:40huling araw na nakita siya at ang hinanabuhay pa.
01:44Base po sa mga huling suot niya, sa gamit niya, sapatos, tapos yung build ng katawan,
01:51tapos yung mukha, ma-identify pa naman po.
01:54Hindi ko kaya siyang tingnan ng ganong katagal.
01:57Hindi niya deserve yung ganong ginawa sa kanya.
02:03Kwento niya, hindi naihatid sa kanya ang kanyang anak noong weekend,
02:07taliwas sa karaniwang ginagawa ng asawa niya.
02:10Ang babaeng polis, natagpo ang patay sa Pulilan Bulacan dahil sa tama ng bala.
02:16Hindi raw niya inakala na kalunos-lunos din ang sinapit ng kanyang anak.
02:20Eh, nakakapanlumo.
02:23Hindi ko patanggap eh.
02:25Auping pa nga ako na buhay yung anak ko eh.
02:28Masakit na masakit na masakit.
02:30Maraming pangarap yung batang yun.
02:33Maraming pinangako sa akin.
02:35Yung huling usap nga namin,
02:36bibila niya na nga daw ako ng sports card saka bahay.
02:40Patuloy ang investigasyon ng polisya para matukoy kung sino ang nagtapon sa bangkay ng bata.
02:45Sa ngayon, wala pa tayo talagang concrete details kung sino yung posibleng may gawa.
02:50But continuously, yun nga, magko-coordinate tayo sa mga conserved agencies
02:54para mag-back tracking sa pagre-review ng mga CCTVs.
02:57Si CCTVs, dahil yun lang ang susik para makilala natin kung sino yung may-ari ng sasakyan
03:02at kung anong klaseng sasakyan ang ginamin nila sa pag-dump doon sa cadaver doon sa lugar.
03:06Ayon sa polisya, huling nakita ang mag-ina noong January 16
03:11nang makipagkita sila sa isang ahente para magbenta-umano ng sasakyan.
03:16May hawak pa umanong 400,000 pesos ang babaeng pulis matapos ang transaksyon.
03:22Itinuturing ng person of interest ng Special Investigating Task Group
03:26ang agent sa bentahan ng sasakyan.
03:29Sa visa ng search warrant, pinasok na ma-otoridad ang bahay nito sa Quezon City
03:33kung saan huling nakitang buhay ang babaeng pulis.
03:37Meron umanong nakitang bakas ng dugo sa bahay.
03:41Kanila raw itong imamatch sa DNA ng mga biktima.
03:44Pati ang mister ng babaeng pulis, itinuturing din na person of interest.
03:49Nakikipag-operate naman ako.
03:50Hindi naman ako nagtatago, andito naman ako.
03:52Pag may mga tanong sila, sinasagot ko naman.
03:55Mabibigyan din naman yung istisya yung mag-ina mo.
03:57Ayon sa ama ni John Ismael, balak nilang maibiyahe sa Metro Manila ang labi ng bata
04:03para maiburo siya kasama ng kanyang ina.
04:06Para sa GMA Integrated News,
04:09Bea Pinlock, nakatutok 24 oras.
04:12Update po sa babaeng pulis na pinatay.
04:15Bangkay na rin natagpuan ang nawawala niyang anak
04:18sa isang liblib na lugar sa Victoria, Tarlac.
04:21Iniimbestigahan na rin ng mga otoridad ang sasakyang namataan sa lugar.
04:25At mula roon, nakatutok live si Marisol Abduramad.
04:29Marisol.
04:30Vicky, as facia by suffocation nga,
04:35ang sanhinang pagkamatay ng walong taong gulang na batang si John Ismael.
04:39Siya ang anak ng pulis muma na una na natagpo ang patay.
04:44Nakarap po siya ng plastic.
04:46Nakasil siya.
04:46Nung nirecover po namin, nakasil siya.
04:49Mula baba hanggang sa ulo.
04:51Itong plastic wrap.
04:53Ganito ilarawan ng Victoria Police dito sa Tarlac
04:55nang makita nila kahapon ang bangkay ng walong taong gulang
04:58na si John Ismael,
05:00anak ng Pinaslang na si Senior Police Master Sergeant Diane Marimo Llenido.
05:04Namatay si John Ismael
05:05dahil sa asphyxia by suffocation
05:07base sa ginawang medico-ligal.
05:10Ganito rin daw halos ang itsura ng kanyang ina
05:12nang matagpo ang ding patay na.
05:14May tama ng bala ng baril sa ulo ang pulis.
05:17At gaya ng kanyang anak,
05:18nakabalo din siya sa tape at garbage bag.
05:20Pwede iisa lang ang gumawa nito sa nanay at sa bata.
05:26May posibilidad po na iisa lang po ang gumawa nito sa mag-inam.
05:30Pero kung sino ang gumawa nito
05:32at kung ano ang motibo sa pagpatay,
05:35hindi pa masabi sa ngayon ng mga otoridad.
05:37Isa sa mga tinitingnan ngayon ng Victoria Police
05:39ang isang sasakyan na namataan sa nasabing liblib na lugar
05:43bago mag-alas 12 ng hapon noong January 27.
05:47Merong isang sasakyan na galing doon na mabilis na lumabas,
05:51nagmaningob, matras.
05:52Dahil hindi kasi siya makakadaan doon sa dinanan niya,
05:55pinasukan niya, based doon sa ocular inspection namin doon.
05:59Nag-ocular kami doon na hindi talaga passable
06:01dahil malalaan din yung hukay ng lupa.
06:03Nagpunta sa Victoria Police ang ama ng bata
06:05na si Police Senior Master Sergeant John Mullenido
06:08na itinuturing ding person of interest.
06:10Hindi siya nagpaunlak ng panayam.
06:12Pero nang tanungin ko kung ang sasakyan ba na nakita sa lugar
06:15kung saan nakita ang bangkay ng anak
06:17ay ang sasakyan ibinibenta ng dating asawa.
06:20Sabi niya, hindi raw.
06:22Patuloy naman daw siyang nakikipag-ugnayan sa mga otoridad.
06:30Nasa funerarya pa rin dito sa Victoria Tarlac,
06:33ang labi ng batang si John Ismail,
06:35pero nakatakda siyang iuwi sa Metro Manila,
06:37oras na makompleto ang lahat ng mga dokumento.
06:40Samantala, hanggang sa mga oras na ito,
06:42Vicky, nagpapatuloy pa rin
06:43ang meeting ng SITG
06:44na tumututok nga dito sa pagpatay
06:47sa policewoman at kanyang anak.
06:49Vicky.
06:51Maraming salamat sa iyo, Marisol Abduraman.
06:53Nasa funerarya pa rin dito sa mga oras na ito.
06:57Nasa funerarya pa rin dito sa mga oras na ito.
Comments

Recommended