00:00Ilang araw matapos makitang patay ang pinaslang na babaeng pulis sa Bulacan,
00:06natagpuan na rin bangkay ang kanyang walong taong gulang na anak.
00:09Nakabalot sa plastic na iniwan sa isang taniman sa Victoria Tarlac ang labi ng bata,
00:15na ayon sa Medical Legal Report ay namatay dahil kinapos sa hininga.
00:20Kinilala rin ng aba ang labi ng bata na suot-suot pa ang jacket na gamit ito nang mawala noong January 16.
00:28Nakatutok si Bea Pinlac.
00:33Balot ng plastic nang matagpuan ang bangkay na kinilalang si John Ismael Mulyenido.
00:39Sa bahagi na ito ng taniman ng Kalamansi sa barangay Malwyd, Victoria Tarlac,
00:43natagpuan ang bangkay ng walong taong gulang na si John Ismael.
00:47Ayon sa barangay, nakadapa at nakabalot ng plastic ang bangkay
00:52nang una itong makita ng isang magsasakang nagagapas ng damo kakapon.
00:56Naggagapas siya, napansin niya may naka-plastic bag na mahaba.
01:01Pag dito ka po, halos wala kang maaamoy eh.
01:05At least nabababa ka doon sa talagang malapit sa kanya para may namaamoy ka konti.
01:09Sa tingin ko po naagnas na yun dahil nagtutubig na yung nakita namin ka po, nagtutubig na eh.
01:14Si John Ismael ang anak ng babaeng polis na si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollienido
01:20na natagpo ang patay sa gilid ng bypass road sa Pulilan, Bulacan nitong January 24.
01:27Kinilala ang bata ng mismong ama niya nang pumunta ito kasama ang ilang kaanak nila
01:32sa punerarya sa Tarlac City kaninang madaling araw.
01:35Suot-suot ni John Ismael ang jaket na huli nitong gamit base sa larawang ito kuha noong January 16,
01:40huling araw na nakita siya at ang hinanabuhay pa.
01:44Base po sa mga huling suot niya, sa gamit niya, sapatos, tapos yung build ng katawan,
01:51tapos yung mukha, ma-identify pa naman po.
01:54Hindi ko kaya siyang tingnan ng ganong katagal.
01:57Hindi niya deserve yung ganong ginawa sa kanya.
02:03Kwento niya, hindi naihatid sa kanya ang kanyang anak noong weekend,
02:07taliwas sa karaniwang ginagawa ng asawa niya.
02:10Ang babaeng polis, natagpo ang patay sa Pulilan Bulacan dahil sa tama ng bala.
02:16Hindi raw niya inakala na kalunos-lunos din ang sinapit ng kanyang anak.
02:20Eh, nakakapanlumo.
02:23Hindi ko patanggap eh.
02:25Auping pa nga ako na buhay yung anak ko eh.
02:28Masakit na masakit na masakit.
02:30Maraming pangarap yung batang yun.
02:33Maraming pinangako sa akin.
02:35Yung huling usap nga namin,
02:36bibila niya na nga daw ako ng sports card saka bahay.
02:40Patuloy ang investigasyon ng polisya para matukoy kung sino ang nagtapon sa bangkay ng bata.
02:45Sa ngayon, wala pa tayo talagang concrete details kung sino yung posibleng may gawa.
02:50But continuously, yun nga, magko-coordinate tayo sa mga conserved agencies
02:54para mag-back tracking sa pagre-review ng mga CCTVs.
02:57Si CCTVs, dahil yun lang ang susik para makilala natin kung sino yung may-ari ng sasakyan
03:02at kung anong klaseng sasakyan ang ginamin nila sa pag-dump doon sa cadaver doon sa lugar.
03:06Ayon sa polisya, huling nakita ang mag-ina noong January 16
03:11nang makipagkita sila sa isang ahente para magbenta-umano ng sasakyan.
03:16May hawak pa umanong 400,000 pesos ang babaeng pulis matapos ang transaksyon.
03:22Itinuturing ng person of interest ng Special Investigating Task Group
03:26ang agent sa bentahan ng sasakyan.
03:29Sa visa ng search warrant, pinasok na ma-otoridad ang bahay nito sa Quezon City
03:33kung saan huling nakitang buhay ang babaeng pulis.
03:37Meron umanong nakitang bakas ng dugo sa bahay.
03:41Kanila raw itong imamatch sa DNA ng mga biktima.
03:44Pati ang mister ng babaeng pulis, itinuturing din na person of interest.
03:49Nakikipag-operate naman ako.
03:50Hindi naman ako nagtatago, andito naman ako.
03:52Pag may mga tanong sila, sinasagot ko naman.
03:55Mabibigyan din naman yung istisya yung mag-ina mo.
03:57Ayon sa ama ni John Ismael,
04:00balak nilang maibiyahe sa Metro Manila ang labi ng bata
04:03para maiburo siya kasama ng kanyang ina.
04:06Para sa GMA Integrated News,
04:09Bea Pinlock, Nakatutok 24 Horas.
Comments